UNTI-UNTI (RE-UPLOADED)

Notes: I remember getting a request from someone to write a Tagalog fic. This person DM'ed me and asked me to give a listen to a certain Tagalog love song (which I did) and it was surprisingly good. (I forgot the name of the song, lol) She personally requested that I write a SenRu tagalog love triangle story fic or some sort, haha. Although it is indeed very tempting to write one, (because who doesn't love 'romantic stories?') I'm afraid this isn't the *time* to inscribe one, hehe. Tbh, I thought it is rather hard to interpret certain words from English to Tagalog, especially when describing scenes and trying to convey feelings of emotions and other technicalities. But, my hands has been itching these past few days so I decided to try this one; albeit this isn't going to be the story she's looking for, sorry dear. This is actually a 'self-check' of my knowledge and skills; also, prowess in writing a Tagalog fic, should I decide to write again in the future. (And I feel like I'm going to fail, big time! Haha!)

Warning: This fic is written in Tagalog with mixed English ("Taglish"- for lack of better term) Intended for the Filipino audience and to those who understand the language respectively.

*Ang Slam Dunk ay pagma-mayari ni Ginoong Inoue Takehiko at ang kwentong ito ay hindi isinulat upang pagkakitaan. Ito ay isang likhang-isip lamang na ang layunin ay makapagbigay libangan at konting kasiyahan sa mga nais magbasa.

Chapter 1: Pagbuhos

Biyernes, 10:00 AM, Shohoku High

"Okay, basahin ang susunod na chapter at humanda sa isang pagsusulit next week, bawal ang umabsent, hindi na magbibigay pa ng special quiz, naiintindihan niyo ba?" Wika ng guro nila sa Modern History. Sabay-sabay na sumagot ang mga estudyante at maya-maya pa ay tumunog na ang bell; senyales na tapos na ang klase at break time na muna. Madaling tumayo ang mga estudyante, gayak na gayak at nagiingay na palabas ng room nila. Sawakas, makakalabas na din sila sa tila mala-impiyernong kwarto. Niligpit ni Mam Yumi ang mga libro nia at napatingin sa isang estudyante niya na tila nakatanaw lang sa bintana sa labas.

Medyo napasimangot ang guro at tinawag ang estudyante. "Rukawa." Walang kibo. "Rukawa Kaede."

Ang nasabing estudyante ay napatingin sa harap at tila medyo nagulat pa ng konti. Tinawag ni Mam Yumi ang matangkad niyang estudyante at agad naman itong lumapit sakanya. Nakatayo lamang si Rukawa sa harap ng kanyang guro na tila wala man lang bahid ng kahit anong emotion sa kanyang magandang mukha.

"Hijo, maupo ka kaya, ang tangkad mo at nakaka-ngawit na nakatingala ako sayo."

Tumango lang c Rukawa at naupo sa pinakamalapit na upuan sa harap. Binukas ni Mam Yumi ang kanyang laptop at class record at tiningnan ito saglit. Maya-maya pa, ipinakita niya ang kanyang class record sa binata. "Pa-finals na, alam mo naman siguro."

Nakatingin lang si Rukawa at tahimik pa din. Napabuntong hininga na lang ang guro. "Hijo, gusto kong sabihin sayo na hindi maganda ang grades mo ngayong Finals. You barely made it nung second term, 75 lang grade mo, at 73 ka naman nung first term. Kelangan mo maka 80 and above man lamang upang pumasa sa subject ko. Naiintindihan mo ba?"

Tumingin si Rukawa sa class record saglit at tumango. "Yes mam."

"Yes mam. Okay, paano mo makukuha ang 80 kung ang mga quizzes mo ay puro bagsak." Wika ni Mam Yumi.

"Bagsak?" Sabi ni Rukawa.

Kung pwede lang mambatok ng estudyante, malamang ginawa na ni Mam Yumi pero dahil marami ng batas ngayon na ipinagbabawal sa pagpapahiya sa mga estudyante…

"Hindi naman kita ipapatawag kung namamayagpag ang mga grades mo, diba?" Ngumiti ng pilit si Mam Yumi. Tumango si Rukawa. "Sobrang bagsak po… ba?"

Sa mga oras nayun, naisip ni Mam Yumi na mag-resign nalamang, pero bilang isang dedicated na guro, pinairal pa din niya ang kanyang pasensiya. "Eto tingnan mo…"

Ipinakita ni Mam Yumi ang mga quizzes ni Rukawa na nag-aaverage lamang sa less than 50% na marka. "O, naiintindihan mo na?" Tumango lang ulet si Rukawa.

"Kelangan mong maipasa lahat ng remaining quizzes natin. At kelangan, hindi lang basta pasado, dapat nga perfect pa. Siyempre, dapat pati exam mo ay pasado din, mag-participate ka din sa class at wag kang tulog ng tulog sa likod, akala mo siguro hnd kita napapansin…"

Tila sa dami ng sinabi ni Mam, hindi na halos pinakinggan pa ni Rukawa yung iba, although aware naman siya sa mga sinasabi ng guro; ang totoo ay, hindi lang niya pinapahalata, pero nagaalala din sha sa mga grades niya.

Napapadalas ang practice ng basketball club dahil nga sila ay kasama sa mga team na tutungo sa InterHigh kaya naman, halos hindi na niya naasikaso ang kanyang mga grades sa ibang subject.

"Alam ko naman na nakapasok kayo sa Inter High kaya puro practice ang ginagawa ninyo, estudyante ko din si Sakuragi at parehas lang kayo ng kalagayan ng grades…"

Nagulat ng bahagya si Rukawa at napaismid nalang siya ng konti, hindi naman pala siya nagiisa—buti nalang.

"Panigurado mas mababa po ang scores niya kesa sakin." Banat ni Rukawa at tumango pa in effect.

Nagulat nalang si Mam Yumi at napailing. At dun pala kinukumpara ni Rukawa ang sarili niya.

"Parehas lang kayo. Ah basta, sinabihan nakita, hindi ako magdadalawang isip na ibagsak kayo kapag hindi ninyo naipasa ang tatlong sunod-sunod na quizzes natin." Tumayo na ang guro ang nagsimula ng magligpit. Tumayo na din si Rukawa at nagkamot lang ng ulo. Deep inside, nagaalala din talaga siya.

Shohoku Gym, 5:00PM, Biyernes

"Okay team, sa Monday na tayo magpra-practice ng mahaba, umuwi na muna kayo ngayon at magpahinga." Sigaw ni Akagi sa kanyang mga teammates. "Sakuragi, Miyagi, Rukawa at ikaw na din, Mitsui, maiwan kayo saglit!" Pasigaw ni Akagi. Parang nabuhusan ng malamig na tubig ang apat na player dahil tila alam na nila ang sasabihin ng kanilang Captain. Napailing nalang sina Kogure at Ayako habang ang ibang players ay umuwi na.

"Parang alam ko na to, ah!" Wika ni Kogure habang pinupunasan ang kanyang salamin. Natawa nalang si Ayako at nagpaypay. "Ano pa ba satingin mo, senpai? Hahaha." Umiling c Kogure at napabuntong hininga.

"Gori, akala ko ba uwian na, bakit ba may pa-extra kapa?" Sambit ni Sakuragi.

"May pa-extra talaga ako!" Panandaliang tumahimik ang lahat at maya-maya pa. "Kinausap ako kanina ni Vice-Principal at gusto kong malaman ninyo na hindi kayo papayagan na makapaglaro sa InterHigh hanggat hindi ninyo naipapasa ang mga final quizzes ninyo."

"ANO?! Kalokohan yan! Hindi pwedeng magsabi ng ganyan ang manong nayun!" Sigaw ni Sakuragi. Hinampas siya ni Ayako ng pamaypay. "Relax ka lang Hanamichi."

"At bakit hindi siya pwedeng magsabi? Sino ba ang principal, siya ba o ikaw?" Ani ni Mitsui na natatawa nalang sa kalokohan ni Sakuragi.

"Di mo naman kami sinabihan na ikaw na pala ang principal eh, Hanamichi, hehe!" Sabi naman ni Miyagi.

Sumimangot c Akagi. "Tahimik! Ang gugulo niyo!" Sabay-sabay nilang itinuro lamang si Sakuragi na ikinainis naman ng binata. "Siya lang ang magulo, Captain."

"Naibigay sakin ang class ratings ninyo at talaga namang nakakahiya! Lahat kayo puro bagsak at mga major subjects pa talaga ang binabagsak ninyo."

"Naku po, paano ba naman tayo nito…" Wika ni Kogure at tila nagaalala tlaga, ang tagal pa naman niyang hinintay na makapasok sila sa Inter High, naalala niya pa ung tres na itinira niya na naiyak pa siya nung pumasok.

"Mitsui, bagsak ka sa Science at Modern History, magpa-turo ka kay Kogure, kelangan maipasa mo daw ung dalawang quizzes mo sa parehas na subjects, ikaw pa naman ang pinaka-matanda sakanila. Kung naayos mo ang ipin mo, ayusin mo din ang grades mo!" Sigaw ni Akagi. Nagtawanan sina Sakuragi at Miyagi, pati din c Ayako ng konti habang nainis naman si Mitsui sa mga narinig niya. "Ano namang kinalaman ng ipin ko sa grades ko?"

"Ang attendance mo daw ay parang yung ipin mo dati… hahaha." Wika ni Miyagi.

"Nawawala, nyahaha!" Halos humagalapak ng tawa si Sakuragi at Miyagi sa mga kalokohan nila. Muntik na ding matawa si Rukawa pero pinigilan lang niya, naalala niya nung time na nagkagulo sa gym; naalala niya din nung nabugbog siya ng todo. 'Hn. Hindi na pwedeng maulit yun.' Sambit niya sa sarili niya.

"Makatanda ka naman diyan Akagi, magka-edad lang tayo, uy. Gorillang ito. Hoy kayo Sakuragi at Miyagi, kala mo naman ang gagaling niyo diyan!" Bulyaw ni Mitsui at napatingin nalang sha kay Kogure sa inis niya.

"Kiminobu, kelan moko tutulungan sa subjects ko?" Tanong ni Mitsui at napangiti nalang siya dahil deep inside, alam niya na mahusay ang magtutro sakanya. Napabuntong hininga nalang si Kogure. "Ikaw, kung kelan ka pwede, pero sana, seryosohin mo."

"OO naman shempre! O pano, mahusay ang teacher ko, hehe, sure pass na ako, bwahahaha!"

"Nakanang, confident ka naman masyado, Micchy! Nyahaha!"

"Tapos pagdating sa quiz, nakalimutan agad, hahahah!" Ani ni Miyagi, at muling nagtawanan ang dalawa sa inis ulet ni Mitsui.

"Oy, grabe kayo kay Senpai, papasa nayan panigurado." Wika ni Ayako.

Napailing nalang si Rukawa at hindi kumibo, pero napapaisip siya ng husto at tila hindi din niya matatanggap na hindi sila makapaglaro or payagan man lamang sa IH.

"O, ikaw naman Miyagi… sabi dito, bagsak ka sa English at Secondary Math, delikado ka din sa Literature." Sumimangot c Akagi habang nakatitig kay Miyagi. "Second year ka na, kaya ayusin mo naman. Puro kasi lovelife ang inaatupag mo!"

"OOOHHH!" Sigaw nila Mitsui at Sakuragi. Nagtawanan ang dalawa sa banas ni Akagi at namumulang Ryota.

"Nyahaha, etong c Ryota pasimple pa masyado, eh ung notebook mo nga puro lettering ng Ayako ang nasa likod." Pangiinis ni Sakuragi.

"Sakuragi Hanamichi, mas senior ako sayo ha!" Sigaw ni Ryota habang namumula.

"Alam mo ang tawag diyan?" Sambit ni Mitsui habang may toothpick pa sa bibig; "Inlababo."

"Isa ka pa Mitsui, repeater ka naman!" Resbak ni Miyagi; nagtawanan lang ang dalawang nangaasar. Napailing na lang si Rukawa pero di naman niya makaila na nalilibang siya sa mga naririnig niya. 'Mga gago talaga tong mga to, hn.'

"Ayako dito, Ayako doon, kulang nalang maging anino ka ni Ayako." Bulyaw ni Akagi. Nagtawanan ang iba; natawa nalang din si Ayako habang namumula ng konti. "Grabe ka Captain, ako talaga ang example? Hoy Ryota, mag-concentrate ka kasi kapag classes na."

"Aya-chan…hehe." Halos mahiya c Miyagi sa dalaga pero masaya naman ang nararamdaman niya dahil napapansin sha nito.

"O, si Ayako na ang bahala sayo Miyagi—ayusin mo kulot, wag kang pasaway." Sambit ni Akagi. Tumango si Miyagi. "Yes sir, siyempre naman Gori—aray!"

Napahampas nalang ng pamaypay si Ayako sa ulo ni Miyagi. "Oi Ryota, magsisimula na tayo bukas! Ayusin mo, kapag bumagsak ka, si Kakuta ang gagawin kong point guard."

"Hehe, wag naman Aya-chan, hindi naman marunong yun eh…"

Natawa nalang silang lahat ng bahagya sa narinig nila.

"Okay next, asan ka Rukawa?" Wika ni Akagi at napatingin ang lahat sa tahimik na rookie ng Shohoku. Nagsimula ng uminit ang ulo ni Hanamichi ngunit nakahanda na din ang mga tirade niya laban sa kanyang ka-first year.

Tinaas lang ni Rukawa ang kamay. Sumimangot si Akagi; hindi lingid sa kaalaman ng lahat na isa marahil si Rukawa sa susi ng magiging tagumpay nila sa IH, kaya naman kung meron mang nagaalala—bukod kay Rukawa mismo, ito ay si Akagi, dahil alam niya na hindi kakayanin ng Shohoku kung wala ang small forward na tahimik.

"Kinausap ako ng teacher mo kanina, kasama ka na din dito Sakuragi… parehas kayo ng mga subjects na mababa. Modern History, English, at Science! Ang gusto ng mga teachers niyo ay i-perfect niyo ang mga quizzes na natitira. Anu ba namang mga grado ito, para naman kahit manghula eh, hindi niyo pa maitama!"

"Hahahahaha!" Ang lakas ng tawanan nila Mitsui at Miyagi sa narinig nila, medyo natawa nalang din si Kogure pero hindi nia pinahalata.

"Teka nga Gori, bakit mo ba kinukumpara ang grade ko diyan sa mahinang yan? Pasado ako sa Science! Alam ko pasado ako dun!" Bulyaw ni Hanamichi at tila gustong agawin ang papel na hawak ni Akagi.

"Asa." Sambit ni Rukawa na ikinainis ni Sakuragi. "Tumahimik ka Rukawa ha, kala mo ang talino mo, if I know, bagsak na bagsak lahat ng scores mo!"

"Tch, baka nga hindi lang tatlong subject ang bagsak mo eh." Sagot ni Rukawa na ikinainis ni Sakuragi.

"Sa tulugan ka lang magaling, Rukawa. Dun ka Top 1!" Insulto ni Hanamichi.

"Kung may grade ang break time, bagsak ka pa din." Resbak ni Rukawa.

"Hahahah, nag-aaway ang dalawang bagsak!" Tawa ni Mitsui.

"Apat tayo, pre." Sabat ni Miyagi, habang nakatingin silang tatlo sa three-pointer na tila natigilan at napahiya ng konti. "Sorry na."

"Ikaw ang tumahimik dahil mataas siya ng isang puntos sayo!" Sabay batok sa power forward.

"71 siya at 70 ka naman sa Science." Announce ni Akagi at tila nabuhusan ng malamig na tubig ang dalawa.

"Hindi mo naman kelangan i-announce yan, Gori!" Pasigaw ni Sakuragi habang todo tawa ang dalawang senior sa likod nila.

"Kahit ibulong pa yan, nakakahiya pa din." Wika ni Rukawa.

"Rukawa, epal!" Sigaw ni Sakuragi.

"Hindi ako magaling sa Science pero, 75 naman ako palagi." Sambit ni Miyagi at natawa nalang sha, maya-maya pa, hinampas nalang siya ni Ayako ng pamaypay.

"Nice Rukawa, tumaas ng 1-point ang score mo!" Biro ni Mitsui sa tahimik na first-year. Napakamot nalang ng ulo si Rukawa, pero nagulat din sha nung sinabi pa ni Gori ang grade niya. 'Kainis tong si Gori ah.'

"Isang puntos lang yun mga pre, maliit na bagay! Marahil nalamangan niya ako sa Science, pero malayo na ang lamang ko sakanya pag dating sa basketball, alam niyo yan, ako ata ang pinaka-most improved player, sabi yan ni Coach, nyahaha!" At naku pa niyang mamewang.

"Saan banda ang improvement mo, boy?" Asar ni Mitsui.

"Sa fouls." Wika ni Miyagi. "Konting takbo lang niyan, foul na agad, kaya nakakainis pasahan ng bola eh."

"Hahahah!" Natawa ng husto si Mitsui at napahampas pa sa balikat ni Rukawa; napaismid nalang si Rukawa at tumango. "Totoo yan."

"Amfufu, Micchy! Ryota—teme, Rukawa! Pinagtutulungan niyo ang henyo?" Inis na sigaw ni Sakuragi.

Nagpatuloy ang asaran at tawanan pa ng ilang minuto hanggang sa…

"Sakuragi, labag man sa kalooban ko na gawin ito, pero wala na akong choice, ako na mismo ang magtu-tutor sayo, dun ka samin sa weekend!"

Natahimik ang lahat at tila namutla si Sakuragi sa narinig niya—naiinis siya dahil si Gori ang magtuturo sakanya ngunit, dahil sadyang mabilis siyang makapagisip, napangiti nalang siya dahil kung meron mang dapat ipagsaya, iyon ay…

"Nyahahaha! Oo ba Gori, why not? Sige, game ako diyan! Anong oras ba?" Masayang sambit ni Sakuragi, at bakit naman hinde? Ibig lang sabihin nun ay magkakaron siya ng chance na mas mapalapit kay Haruko. Napakunot nalang si Akagi, hindi naman siya tanga upang hindi mapansin namay pagtingin itong si Sakuragi sa kapatid niya.

"Rukawa, sumama kana dito sa gunggong na to bukas, dun kayong dalawa sa bahay. Magkita tayo ng 9am!"

Natawa nalang sina Mitsui, Miyagi, Ayako, at Kogure, dahil tila hnd na maipinta ang mukha ni Sakuragi.

"Sira ang plano mo, boy…hahaha!" Pangungutya ni Mitsui.

"Mas henyo si Captain Akagi, Hanamichi!" Wika ni Ryota.

"Okay lang yan Sakuragi, pagbutihin mo pa din, wag kang papatalo kay Rukawa." Sabay kindat ni Ayako.

"Umaasa kami sayo, Sakuragi." Sambit ni Kogure.

"Anak nang… baket!" Sabay kamot sa ulo si Sakuragi na tila hindi matanggap ang narinig.

Nagulat si Rukawa, ang totoo niyan ay plano pa naman sana niyang makisuyo sa manager nilang si Ayako ngunit…wala siyang nagawa at napatungo nalang.

Dumating ang weekend para sa mga players ng Shohoku, at imbes pagbabasketball ang inatupag nila, naging masunurin naman sila at inuna muna ang pagre-review. As usual, kelangan pahabain ni Kogure ang pasensya dahil tila kada 30 minutes ay inaantok na si Mitsui sa review nila. Si Ayako naman ay walang problema dahil tila inspired na inspired si Miyagi habang nagaaral. Sa bahay naman nila Akagi…

"All living things are built from microscopic structures called cells…" Panimula ni Akagi habang tinuturo sa libro ang sinasabi, saglit siyang napatingin sa kanyang 'estudyante' na abot hanggang Tokyo ang inis. Mangyaring, ipinaubaya ni Akagi kay Haruko ang pagtuturo kay Rukawa.

"Sakuragi! Nakikinig ka ba!" Bulyaw ni Akagi.

"Oo, nanginginig ako! Grr!" Sambit nit Sakuragi habang nilulukot ang papel na nasa harap niya. Hinampas ni Akagi ng pamaypay sa ulo si Hanamichi na ikinagulat niya.

"Kelan ka pa nagkaron niyan?"

"Kahapon lang, makinig kang unggoy ka kung gusto mong maglaro sa Inter High!"

Meanwhile…

"Uhmm… bale, sa parts of the cell, Rukawa-kun… uhmm, meron tayong tinatawag na… uhm…" Hindi malaman ni Haruko kung siya ba ay matutuwa o mas matutuwa pa dahil sino ba naman ang hindi kikiligin lalo na kung ang crush mo ang nasa harap mo.

Napairap nalang ng bahagya si Rukawa at patuloy lang sa walang reaction. 'Bakit ba hindi makapagsalita ng derecho itong nasa harap ko…'

"Uhm, bale meron tayong cytoplasm… tapos, uhm, yung next part is…" Pulang-pula si Haruko habang tinuturo ang libro sa no reaction na Rukawa.

'Parts of the court nalang sana ang ituro nito.' Takbo ng isip ni Rukawa.

Natapos ang araw at nagpaalam na ang lahat sa bawat isa. Napabuntong-hininga na lang si Rukawa habang inaayos ang mga notebook sa kanyang bag. Nagpaiwan pa talaga si Sakuragi dahil gusto pa daw nitong mas matutunan pa ang ilang topics; alam naman ni Rukawa ang tunay na dahilan kung bakit nagpaiwan ang gunggong nayun, and as for him? Panget man sabihin, pero naisip niya na sana pala hindi nalang siya pumunta sa review—mas okay pa kung siya nalang mismo ang nagbasa ng libro dahil sa totoo lang, na-bored lang siya sa manner ng pagtuturo sakanya.

Sumakay si Rukawa sa kanyang bike at nagsimula ng mag-pedal. Kung saan man ang punta niya, ay hindi niya din alam. Tinatamad pa talaga siya umuwi at hindi din naman niya dala ang bola. For some unknown reason, napadpad si Rukawa sa kalapit na library sa may Kanagawa; kilala ang library na ito na usual na pinupuntahan ng ilang mga estudyante lalo na kapag meron silang research or assignments.

'Bakit nga ba ako nandito?' Napaisip si Rukawa sa sarili pero pinarada pa din niya ang kanyang bike at pumasok sa loob.

Pumirma siya sa logbook—pangalan at school. Napatingin si Rukawa at laking gulat niya na madaming tao considering the fact na Sabado. Napakunot ang noo niya. 'May pwesto pa ba?' Iniisip niya na umuwi nalang pero napalakad nalang din siya sa loob at nagiikot-ikot ang mata kung may bakante pa habang nagkakamot ng ulo. 'Malas. Malas. Malas… ma—ayun, meron sa dulo.'

Binilisan niya ng konti ang lakad at dali-daling naupo, ipinatong ang bag sa lamesa; panandalian siyang tiningnan ng ilang katabi pero hindi nia pinansin at nilabas niya ang kanyang notebook at isang libro.

'Shempre, dapat may props.' Aniya sa kanyang isipan.

Kung kaugali niya si Sakuragi, marahil ay tumawa na siya ng malakas. Napaismid nalang si Rukawa sa sarili at tila kinikilabutan sa ginagawa niya dahil kung may choice siya, mas gugustuhin pa din niya sa court tumambay.

'Pakiramdam ko, maya-maya lang, aantukin na ako dito.' Napaisip niya.

At, true to his words, maya-maya lang, nakasubsub na sa lamesa ang ulo niya.

"Ano, nahanap mo ba?" Wika ni Koshino ng mahina sa kasamahan niya.

Matiyagang iniisa-isa ni Sendoh Akira ang mga libro sa shelf at tumigil siya nung nakita nia ang hinahanap niya na libro. Napasipol si Sendoh at ngumiti. "O, eto lang pala."

Ngumiti si Koshino at tumango. "Ayos, tara balik na tayo sa upuan, gusto ko ng tapusin tong assignment na to sa English."

Naglakad pabalik ang dalawang players at tila napahinto si Koshino. Si Sendoh naman ay busy habang binubuklat ang libro at binabasa ng pahapyaw. Sumimangot si Koshino. "Pucha, badtrip."

Napatingin si Sendoh sa kasama. "O baket, anung problema?"

Itinuro ni Koshino ang pwesto nila—isang bakanteng upuan, at yung katabing upuan, na dapat ay upuan sana niya ay may nakaupo.

Lumapit si Koshino na medyo irita na at mas ikinagulat niya pa dahil ang nakapwesto sa upuan niya ay tulog pa! Nakasubsub ito kaya hnd niya makita ang mukha—isa lang ang sure si Koshino, itim ang buhok, maputi, at matangkad…

"Ang loko, dito pa talaga naupo sa pwesto ko." Gigisingin na sana ni Koshino ang lalake, nang biglang inoffer nalang ni Sendoh ang upuan niya. "Dun ka nalang sa pwesto ko maupo." Sabi ni Sendoh, nakangiti.

"At saan ka uupo?" Pabulong ni Koshino na irita.

Natawa lang si Sendoh at kumibit-balikat. "Lalabas na ako, bibili ako ng pagkain at softdrinks."

"Ngek, paano ang assignment mo?" Iritang tanong ni Koshino. Natawa nalang si Sendoh ulet ng mahina. "Eh di kokopya nalang ako sayo, parehas lang naman tayo ng tanong eh."

"Loko ka tlga Sendoh—paalisin ko tong natutulog na to, tutal pwesto naman natin ito."

Hindi na nagawang pigilan pa ni Sendoh ang kasama nung kinalabit ni Koshino ang natutulog na lalake sa upuan nia.

"Excuse me… gising ka pre, pwesto ko yan."

Maya-maya pa gumalaw ang lalake na natutulog, iniangat ang ulo at pupungay-pungay pa, pero tumingin ito sa kaliwa niya; napatingin ng matalim ng konti sa kung sino man ang gumising sakanya. Medyo ikinagulat ni Koshino nang makita niya kung sino ang lalakeng nakaupo sa pwesto niya.

"T-teka, ikaw si…" Napatingin si Koshino sa lalake at sa likod niya—ngunit wala na pala ang kasama niyang si Sendoh; lumabas na ito.

Napakunot ng noo si Rukawa, kung nasa Shohoku siya, malamang, nasapak na niya ang istorbo na ito. Sumimangot si Koshino. "Oy, Rukawa." Napatingin si Rukawa sa lalakeng bumanggit ng apelyido niya.

'Sino ba to, bakit ako kilala nito?' Pagtataka ng binata.

"Anung ginagawa mo dito?" Tanong ni Koshino habang nakapatong ang isang kamay sa lamesa. Sa totoo lang, marahil ang library ang isa sa mga lugar na hindi niya inaasahan na makakita ng mga tulad ni Rukawa.

Walang kibo. Nagsimula ng iligpit ni Rukawa ang kanyang mga libro; napatingin siya sa kanyang relo saglit at napansin na inabot din siya ng isang oras—sa pagtulog. Napabuntong-hininga siya ngunit hindi pa din pinansin ang lalake.

Napipikon na si Koshino, hindi siya makapaniwala na hindi siya kinikibo ng mas bata sakanya, para sakanya, isa itong insulto. "Hoy kinakausap kita, Rukawa-?!"

"Sino ka ba?" Finally, sumagot na si Rukawa, sa gulat ni Koshino. Napatingin yung iba na nasa lamesa sakanilang dalawa, lahat nakasimangot, alam naman dapat na hindi dapat nag-iingay sa library. Natulala nalang si Koshino dahil hindi man lamang siya nakilala si Rukawa.

Nagsimula ng lumakad palabas si Rukawa—sinundan siya ni Koshino, dahil nais na din niya sana malaman kung asan ba ang kasamang si Sendoh.

Nag-logout si Rukawa sa logbook at lumabas ng tuluyan sa library, not minding ang kasunod na Koshino. Huminto si Rukawa saglit at napahikab, nagkusot ng mata at labi; halatang bagong gising pa dahil may bakat pa ng libro sa mukha niya.

"Asan ka ba Sen-?!" Pasigaw ni Koshino once nung nakalabas siya.

"Sarap ng tulog natin ah." Isang boses na malalim ngunit malinaw at malamig pakinggan ang tila bumati sakanya.

Napatingin si Rukawa sa boses na nagsalita nun, at nagulat siya nung nakita niya ang kanyang kalaban mula sa isang rival school. Si Sendoh Akira. Nakasandal si Sendoh sa isang nakaparadang sasakyan, habang umiinom ng soda in can at kumakain ng chips. Napatingin lang si Rukawa at tila ba… medyo nagulat, marahil ay hindi niya inaasahan na makita si Sendoh doon—of all places.

Ngumiti lang si Sendoh—the usual. Nakasuot ito ng polo shirt na dark blue na nakatiklop ang manggas hanggang siko, denim pants, at sneakers.

'S-Sendoh?' Napasimangot si Rukawa, nagtataka at tila naguguluhan.

"Kanina pa kita hinahanap Sendoh, etong si Rukawa ang nakapwesto pala dun sa upuan ko at tulog pa talaga. Pwede na tayo bumalik doon at magsimula sa assignment." Natigilan si Koshino sa kakadada ng nakita ang dalawang Ace ng magkaibang team.

"Diba sabi ko lalabas ako para kumain?" Ngumisi lang si Sendoh sa kasama at ibinalik ang tingin kay Rukawa. "Kamusta?" Bati niya sa batang player ng Shohoku. Ngumiti siya dito.

Tahimik lang na nakatingin si Rukawa na ikinainis naman ni Koshino. "Hoy, kamusta ka daw." Medyo natawa ng konti si Sendoh sa inasal ni Koshino. Itinuro ni Rukawa ang sarili na tila nagtataka, marahil ay wala pa talaga siya sa ulirat dahil kagigising lang niya. 'Ako ba kaya ang…kausap nito?'

"Ako?" Sambit ni Rukawa.

Bahagyang nagulat si Sendoh—napatawa ng konti at tila ba… natuwa na din. For some reason, naisip niya na tila parang isip-bata pala itong mahusay na player ng Shohoku, kaya naman sinadya niyang subukan na biruin ito.

"Hindi, siya…" Sabay turo kay Koshino habang nakangiti. "…siya ang kinakamusta ko, o kamusta ka naman Kosh?" Ngumisi si Sendoh na ikinainis naman ni Koshino. Napasimangot si Rukawa at umismid lang.

"Mga gunggong." Bulong ni Rukawa pero narinig ito ni Koshino.

"Hoy, narinig ko yun, senpai mo kami kaya wag mo kaming sasabihan ng ganyan." Iritang bulyaw ng player.

Hindi pinansin ni Rukawa ang maliit na player at maya-maya pa ay sinimulan na niyang ayusin ang bike na nakaparada. Sa mga sandalling iyon, tila naisip niya na parang siraulo din pala itong si Sendoh.

"Hahaha, relax ka lang Rukawa. Hindi ka naman mabiro." Wika ni Sendoh habang umiinom ng soda.

Tumingin lamang si Rukawa habang nakasampa na sa kanyang bike. Ngumiti lang si Sendoh sa kanya. Alam ni Rukawa marahil na wala na siyang dahilan pa para tumambay doon ngunit for some reason, hindi pa niya magawang i-pedal ang bike upang makaalis na, tila ba, may nais siyang sabihin sa di malamang kadahilanan.

"Hindi pa… tayo tapos diba?" Sambit ni Rukawa. Natahimik ang dalawa at nagtaka. Napaisip si Sendoh sa sinabi ng mas nakababatang player; iniisip niya kung ano ba ang sinasabi ni Rukawa at kung siya ba talaga ang kinakausap nito, pero pansin na pansin niya na nakatitig sa kanya ang sikat na player ng Shohoku. Tumititig din siya ng pabalik. Sumimangot si Koshino at tiningnan ang dalawang Ace player.

"Anong sinasabi nito?" Tanong ni Koshino.

Sumimangot si Rukawa at naiinis na inulit ang sinabi. "Hindi pa natin tapos yung 1 on 1…"

Napatango na lang si Sendoh nung bigla na niyang naalala. "Ah, yun ba, oo nga pala. Oo, sige." Tumawa nalang ito habang napakamot sa batok. Naalala nga pala niya na halos two weeks ago na nung bigla niya lamang nakasalubong ang binata sa train station at inaya siya nitong maglaro ng 1 on 1. Pumayag siya at hindi na nga nila natapos ang laban dahil ginabi na sila at hindi na niya makita ang basket.

Umiling nalang si Rukawa, hindi makapaniwala na makakalimutin ang Ace player ng Ryonan.

'Ulianin pala siya. Hn.' Maya-maya pa, umatras na si Rukawa at nagsimulang mag-pedal papalayo.

"Bukas, tuloy natin!" Napasigaw ni Sendoh—panandaliang huminto si Rukawa at naiinis na tumingin sa likod niya dahil sa bigla niyang pag-brake sa bike, tumawa si Sendoh. "Same time, same court ba?"

Napairap nalang si Rukawa pero sumang-ayon nalang din siya. "Okay." Nag-pause si Rukawa na tila may iniisip. "Mga 9am sana, pwede ka?"

Nagisip muna din si Sendoh. '9AM? Aga naman… bakit kaya?'

"Bakit ang aga?" Ngumiti si Sendoh. "Tulog pa ako nun."

"Para maaga kitang matalo." Sambit ni Rukawa na ikinagulat ni Sendoh—pero nakuha nitong matawa.

"Hoy, ang yabang mo, freshman!" Sigaw ni Koshino.

Ngumiti nalang si Sendoh at nag-shrugged. "Okay, sige."

"Kung di ka pwede, okay lang." Sabay bawi ni Rukawa, parang nahiya naman siya bigla dahil tila ang demanding niya. Ang totoo niyan, labag man sa kalooban niya, gusto niya lang sana makapaglaro saglit at susubukan niya na mag-aral ulet.

"Hinde, ayos lang." Wika ni Sendoh habang nakangiti. "Basta siguraduhin mo na matatalo mo ako." Napangiwi nalang si Rukawa. Natawa si Sendoh sa expression ni Rukawa.

"Totoo ba yan Sendoh, hindi ka nga makagising ng maaga para sa mga practice natin eh." Singit ni Koshino.

Natawa nalang si Sendoh sa sinabi ni Koshino. Napansin niya na tila andun pa pala si Rukawa at nakatingin sakanya. Nag-thumbs up siya dito at tumango. "Okay lang, maaga ako bukas. Wag kang mag-alala. Andun ako." Ngumiti ang binata sa kanya.

Wag kang mag-alala. Medyo ikinagulat ni Rukawa ang mga salitang iyon. Parang naramdaman niyang uminit ng bahagya ang mukha niya, buti nalang malayo siya sa dalawang player. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero the way nung sinabi ni Sendoh, ay tila parang sigurado siya. For some reason, napatango na lang siya. Marahil, ito siguro yung sinasabi ng iba niyang teammates sakanya na tunay na maasahan si Sendoh. Umalis na si Rukawa na parang walang nangyari. Natawa nalang si Sendoh habang napatingin kay Koshino.

"Oy Sendoh, ano yun?" Iritang tanong ni Koshino.

"Anong ano?" Nang naubos na ni Sendoh ang iniinom, naglakad siya ng konti upang itapon ang pinagkainan sa basurahan.

"Hindi ko alam na close pala kayo ni Rukawa." A pause. Natawa nalang si Sendoh. "Hindi kami close, Kosh."

Napaismid nalang si Koshino. "Paano mo pala nalaman na si Rukawa yung nakaupo dun?" Medyo napaisip din si Sendoh sa tanong ni Koshino. Paano niya nalaman? Napasandal ulet si Sendoh sa sasakyan at inilagay ang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon, ngumiti sa kasama at umiling.

"Sa totoo lang hindi ako sigurado, kutob ko lang na kamukha niya yung natutulog." Sabay tawa ng binata.

"Ngek!" Tila hindi makapaniwala si Koshino. Patuloy na nakangiti lang si Sendoh at nag-shrugged. "Dalawa lang naman ang madalas kong makalaban, kung hindi si Maki ng Kainan, si Rukawa, hahaha." Sendoh paused. Para kay Sendoh, andun na marahil yung sense of familiarity sa kanyang mga nakakaharap on court.

For some reason, medyo nag-agree si Koshino, malungkot man isipin on his part, pero tila si Sendoh ang tipong player na naalala ang mga nakakalaban niya lalo na kung ito ay tunay na magagaling at may sapat na skill para tapatan siya on a match. At marahil, ganun din si Rukawa. 'Kaya ba hindi ako kilala ng first year na yun?' Takbo ng isip ni Koshino.

"Pero ang yabang ng loko na yun, akala mo kung sinong magaling. Kung hamunin ka akala mo mahusay."

"Hehe, mahusay naman siya talaga maglaro eh." Sagot ni Sendoh. "Pero hindi siya ang pinaka magaling na nakalaban ko." Sambit ni Sendoh na tila ba may nalalaman na hindi alam ng iba.

"Hindi talaga, pucha Sendoh, sabi ko sayo, kelangan matalo mo yun bukas. Pakainin mo ng alikabok, ang yabang, kairita!" Yamot na yamot na sambit ni Koshino.

Natawa nalang si Sendoh habang umiiling; naalala niya ang kanilang game na tied ang naging score nila, iniisip niya na dapat bukas, matalo na niya ang rookie ng Shohoku.

Kinabukasan (Linggo) 9AM

Dumating si Rukawa sa court, bitbit ang isang malaking duffle bag. Inilapag niya ang bag sa isang bench at naupo, tila walang pakelam sa paligid habang nakikinig ng music sa kanyang headset. Nang tanggalin niya ang headset, nagulat nalang siya na hindi pala siya ang nauna sa court.

"Akala ko ba, 9AM." Sambit ni Sendoh na mukhang may 15minutes ng nasa court. Napatingin nalang si Rukawa mula kay Sendoh then sa relo niya. "Kaka-9AM palang." Ngumisi lang si Sendoh ngunit hindi nakaligtas sa mata niya ang tila mas malaking bag na dala ni Rukawa.

"Bakit ang aga mo?" Tanong ni Rukawa habang inaayos ang arm band niya. Nagdri-dribble ng bola si Sendoh habang tila nagiisip sa isasagot niya. "Para mas maaga kitang matalo." Sabay tawa sa rookie ng Shohoku. Napatingin lang si Rukawa na tila narinig na ang linya nayun kahapon pa. "Tch."

"Ang dami mong bitbit ah, maglalayas ka ba?" Patanong ni Sendoh habang nakangiti. Hindi naman sa inaasar niya ang mas batang player; nais lamang sana ni Sendoh i-lighten ang mood para man lang bago sila maglaro, napansin na kasi niya na dati ng seryoso ang rookie ng Shohoku. At sa totoo lang, napapaisip siya kung bakit minsan.

Napa-snort lang si Rukawa at irap habang nagtatali ng sapatos. "Dami mong tanong." Natawa si Sendoh. "Dami mo kasing bitbit." At tumawa si Sendoh. Tumayo si Rukawa sa bench at maya-maya pa, ipinasa ni Sendoh ang bola na agad naman niyang nasalo.

"Para sa isip-bata na maraming dala, ikaw na ang mauna." Sendoh grinned at pumwesto na sa defense. Napangiwi nalang si Rukawa at nagstart ng mag-dribble ng bola. "Para sa matandang maingay na nasa harap ko ngayun…" Nagulat nalang si Sendoh ng biglang tumira ng tres si Rukawa… at ito ay pumasok. Napangiti ng bahagya si Rukawa. "Boom. Habol na."

Ngumiti nalang si Sendoh habang naipasa ang bola sakanya. Napailing at napaisip. For some reason, tila kakaiba ang Rukawa na kaharap niya ngayon, hindi niya mawari kung paano, pero tila ba, gusto niya ding isipin na marahil, nage-enjoy talaga ang nakababatang player sa paglalaro ng basketball.

"Kung makatanda ka naman, isang taon lang naman ang agwat natin…" Nag-dribble si Sendoh ng bola habang nakabantay si Rukawa. Biglang tumakbo si Sendoh sa kanan habang sinubukan naman na depensahan ni Rukawa ngunit sadyang mabilis ang Ace player ng Ryonan at mabilis nitong nai-lay up ang tira—pumasok ang bola at napangiti siya. "Boom din sayo, Rukawa-kun. Tabla na."

"Asa, 3-2 palang." Sagot ni Rukawa. "Tandaan mo, hindi nananalo ang mandaraya."

Natawa nalang si Sendoh. "Kaya nga sila nananalo kasi nandadaya sila, hahaha!"

Napa-snort si Rukawa at napailing. Maloko din talaga itong si Sendoh. "Gunggong ka."

Natawa ulet si Sendoh. "Hahaha, ah 3-2 palang ba, akala ko tabla na." Nakakatuwa para sakanya ang pagka-simple ng ugali ni Rukawa. Simple pero… tila may kulet din.

Tumagal ang kanilang laro ng may 30minutes pa at mahigit, at tila naubusan na ng lakas si Rukawa sa huling minuto dahil nanalo si Sendoh. Ang final score nila ay 72-68. Hingal na hingal na naupo si Rukawa sa bench habang iniinom ang baong tubig, medyo inis dahil sa siya ay natalo at dahil na din sa naalala niya ang sinabi nia sa nakakatandang player kahapon. Kung pwede lang na lamunin na siya ng lupa dahil tila ba nahiya naman siya.

Maya-maya pa, lumapit si Sendoh, nakangiti at may hawak na 2litro ng malamig na Gatorade. "Akala ko ba maaga mokong tatalunin ha, pretty boy ng Shohoku." Pabirong sambit ni Sendoh; tumingin ng masama sa kanya si Rukawa. "Wag mokong tawagin ng ganyan."

Natawa si Sendoh. "Sorry na. Biro lang." Panandaliang napatingin si Sendoh kay Rukawa at nagtaka; usually magpapahinga lang ito at hahamunin siya ulet ngunit ngayon, napansin niya na nagliligpit na ito ng gamit. Nakita niya na tinabi ni Rukawa ang itim na armband at bahagya niyang nakita na may dalang mga libro si Rukawa.

'Totoo ba itong nakikita ko? Masipag pala siyang mag-aral? Sa totoo lang, mukhang tamad naman itong si Rukawa pero…'

Nagtataka si Sendoh ngunit hindi nalang din siya kumibo. Bumalik siya sa kanyang bench at nagsimula na ding magligpit, sensing na marahil ay ayaw ng makipaglaro ang binata. Gusto sana niyang itanong kung tapos na ba ang laro nila, nanghihinayang pa naman siya sa aga ng gising niya. Tumayo si Rukawa at tila nakatingin sa kabilang court, nagiisip…

Napatingin lang si Sendoh. "Okay ka lang?" Tanong nito sa mas nakababatang player. Silence. "Tapos na ba tayong maglaro?" Sabay ngiti ni Sendoh. "Ayaw mo na?"

Napatingin lang si Rukawa sa nakatawang player. "Dami mong tanong."

"Ang aga mo kong pinapunta para maglaro tapos isang round lang, uuwi ka na?" Paliwanag ni Sendoh sabay ngiti. Tila nakaramdam naman ng pamumula ng tenga si Rukawa, parang nahiya naman siya ulet. Totoo naman ang sinabi ni Sendoh. Nagkamot siya ng ulo, at tila hindi alam kung paano sasabihin sa mas matandang player ang sitwasyon.

Gustuhin man na maglaro nalang ni Rukawa, alam niya na mas mahalaga na makapasa siya sa mga quizzes niya, dahil balewala din ang pagpasok nila sa Inter High kung hindi din siya makakapaglaro. Nagulat si Sendoh ng biglang naglakad papalayo si Rukawa. "Teka, oy Rukawa…"

Naupo si Rukawa sa isang maliit na cottage na katapat ng court na may lamesa at bench. Hindi na niyang nagawang magpaalam kay Sendoh at sa totoo lang, hindi din niya magawang tingnan ang player dahil nga tila nahiya siya sa sarili niya matapos siyang talunin nito.

'Ako pa talaga ang nagsabing tatalo sakanya, ako naman ang natalo. Hn. Malas. May-araw din ang Sendoh na to sakin.' Na-no choice si Rukawa at nilabas ang libro at notebook upang subukang aralin ang topic.

Napasipol si Sendoh at napaupo sa harap ni Rukawa. "Wow, ano to? Sino ka? Anong pangalan mo, pre?" Ngumiti ito habang tumitig lang ng masama ang isa sakanya. Natawa si Sendoh sa sarili at tila na-amaze sa nakita niya. Si Rukawa Kaede of Shohoku, of all people, ay nagaaral pagkatapos maglaro. Gusto ni Sendoh na matawa, pero mas nanaig ang pagka-gulat niya kaya hinayaan lang niya ang nakababatang player.

"Hindi ko alam na masipag ka pala, Rukawa." Sendoh grinned. "Pero okay yan, magandang habit yan."

"Ba't dika pa umuwi, nanalo ka na diba." Sambit ni Rukawa habang nakatitig sa libro. "Wala ito, nagpapa-antok lang ako." Wika ni Rukawa pero naramdaman niya ang init ng tenga niya na tila ba nahiya siya sa sinabi nia.

Natawa si Sendoh at napailing. "Sa tingin ko hindi mo kelangan ng libro para antukin ka." Tumingin lang si Rukawa sa nakangiting player at hindi kumibo. Napatingin si Sendoh sa relo. "Ang aga pa kaya, wala pang lunch." Sabay inom nito sa Gatorade.

Nakatingin lang si Rukawa sa player na nakaupo sa harap niya. Napansin ito ni Sendoh. "Gusto mo ba?" Alok nito sa nakakabatang player.

Nagulat si Rukawa sa alok sa kanya. "May tubig akong dala." Ngumiti lang si Sendoh. "Hulaan ko…" Simula ni Sendoh.

Napakunot ng noo si Rukawa. Tumahimik si Sendoh saglit at ngumiti. "Hmm, naghahabol ka ng grades sa finals no?" Hindi kumibo si Rukawa na labis na ikinatuwa ni Sendoh. "Kelangan mo makapasa dahil kung hindi… hindi ka papayagan sa Inter High?" Tahimik pa din si Rukawa habang kagat ang inner-lip nito. Deep inside, nagulat siya sa talas magisip ni Sendoh.

Natawa si Sendoh. "Tama ba ako o tama ako?" Tumingin lang si Rukawa, maya-maya pa… "May tama ka." Pero iba sana ang ibig sabihin ng rookie ng Shohoku pero tila hindi naman ito pinansin ni Sendoh.

"Magaling talaga ang intuition ko sa mga ganyan eh." Masayang sabi ni Sendoh na tila nagdidiwang pa. Muling tumahimik silang dalawa; na-busy si Sendoh sa pagce-celphone nang mapansin niya na parang hikab na ng hikab si Rukawa, pero tila pinipigilan nito ang antukin.

"Umuwi ka na kaya Rukawa at itulog mo muna yan." Advice ni Sendoh. Hindi kumibo ang nakababatang player at nakasalong-baba lang sa kanyang kanang palad habang nakatitig sa kanyang libro. Panandalian siyang nabulabog nung ipinatong ni Sendoh ang malaking kamay nito sa ibabaw ng libro; tila nagising bahagya si Rukawa at napatingin mula sa kamay na nasa libro—sa taong nagma-mayari ng kamay nito.

"Alisin mo nga ang kamay mo diyan."

"Itulog mo muna yan, hindi ka talaga makakapag-aral kapag inaantok ka. Maniwala ka sakin." Sendoh smirked at sinubukan nitong isara ang libro ni Rukawa na napigilan naman nung isa sa paghablot nito ng libro.

"Tsk, walang pakelamanan." Sumimangot si Rukawa. "Bakit dika pa umalis." Hindi pinansin ni Sendoh ang tanong ng binata. "Ano bang inaaral mo?"

"Umuwi ka na."

"Ilan ba ang bagsak mong subject?"

Tila nabuhusan si Rukawa ng malamig na tubig sa derechong tanong ni Sendoh. Andito siya ngayon, nanghamon at natalo, tapos hindi lang yun, andami niya pang bagsak na subject. Pakiramdam tuloy ni Rukawa totoong talunan na siya. Ngunit, sadyang matimbang ang pride ni Rukawa kaya hindi nalang niya kinibo ang player na nasa harap niya. "Naging first year din ako Rukawa. Kaya alam ko yan." Sabay ngiti ni Sendoh.

"Second year ka na, kaya hindi mo na ito problema." Sambit ni Rukawa. Kinuha niya ang kanyang baon na tubig at uminom para magising siya kahit konti. Pinunasan niya ang kanyang labi gamit ang likod ng kamay.

Nagulat nalang siya nung kinuha ni Sendoh ang libro at tiningnan yung chapter na binabasa niya. Ngumiti ito. "Science, ano pa?" Medyo nanlaki ang mata ni Rukawa pero nanatili itong tahimik. Nakita ni Sendoh ang isang notebook at hindi na nagawang pigilan ni Rukawa pa ang player nung binuklat niya ito. "Wag ka ngang makelam…"

Nagulat si Sendoh sa nakita niya sa notebook, may sulat naman ang notebook—nagulat lang siya dahil in fairness kay Rukawa, hindi niya inaasahan na maganda pala magsulat ang star player ng Shohoku. Napatingin ang Ace player sa binatang nakaupo sa tapat niya. "Ang ganda ng handwriting mo."

Ikinagulat ni Rukawa ang sinabi ni Sendoh na tila pinuri siya, naramdaman niyang namula ang kanyang mukha. Napansin ito ni Sendoh at natawa lang. Hinablot ni Rukawa pabalik ang notebook, nakasimangot at nakatingin na ng masama. "Pakelamero ka."

"Totoo naman, ang ganda mo kayang magsulat." Natawa lang si Sendoh at ngumiti. "Science, History… ano pa?" Pause. "Hulaan ko, English?" Ngumisi ito at nang hindi kumibo si Rukawa ay natawa nalang siya ulet. "Karaniwan naman yung tatlong subject nayun ang nagiging problema ng mga first-years. Kahit sa Ryonan, ganyan din."

"Hn." Umiling nalang si Rukawa at nagpatuloy sa pagbuklat ng kanyang Science book.

Lumipas lamang ang halos 15 minutes ay gaya ng inaasahan, nakatulog na ang rookie ng Shohoku, nakasubsub na naman sa libro.

Linggo, 1:30PM

Naramdaman ni Rukawa na nangangawit na ang kanyang braso dahil halos dalawang oras mahigit siyang hindi nag-iba ng pwesto. Inaangat niya ang ulo at kinusot ang mga mata, sa sobrang himbing ng tulog niya halos tumulo pa ang laway niya.

'Anu ba naman ito, kadiri naman ako.' Takbo ng isip ni Rukawa.

Tila malabo pa ang tingin niya sa paligid niya kaya laking gulat nalang niya nung may nakita siyang isang pack ng pagkain na nasa harap niya; mukhang galing pa sa isang fast food ang nasabing food pack. Kung ikinagulat ni Rukawa ang food pack, dihamak na mas nagulat siya nung makita niya si Sendoh na nakaupo pa din sa harap niya (nakatalikod) at tila nagccelphone lang.

'Sendoh? Anung… baket…' Pagtataka ng labis ni Rukawa, napatingin siya sa relo niya. Kung di siya nagkakamali, natapos ang match nila ng mga 10:30am at nagsimula na siyang magbasa ng 11:00 am—or more like, nakatulog na siya right after din. Napaisip siya nang labis kung anu pa ang ginagawa ni Sendoh doon. At bakit ba hindi na lang ito umuwi nung nakatulog siya.

"Gising ka na?" Panimulang bati ni Sendoh, humarap na siya sa katapat niya sa upuan, natigilan saglit dahil sa itsura ng rookie. Magulo pa ang buhok nito, mapungay at mapula pa ang mga mata, at may laway pa sa bibig; natawa si Sendoh ng bahagya. 'Kakaiba naman ito…'

Nagulat nalang si Rukawa nung inabot ni Sendoh ang tissue. Napatingin siya sa mas nakakatandang player. "Laway." Sabay ngisi ni Sendoh. Sa sobrang hiya ni Rukawa, hindi na niya nagawang kunin ang tissue at dali-daling pinunasan ang bibig gamit ang t-shirt, natawa nalang si Sendoh sa eksenang nakita niya at tila nagising na ang ulirat ni Rukawa dahil tumitig na ito ng masama sa binata.

Nagulat si Sendoh ng biglang tumayo si Rukawa. "Laro na tayo ulet, matatalo ka na talaga ngayon sakin." Matigas na salita ni Rukawa.

Napakamot nalang ng ulo si Sendoh. "Teka, teka…" Natawa ito saglit. "Okay ka lang ba? Kagigising mo lang, pre." A pause, Sendoh smiled. "Maupo ka nga muna, nananaginip ka pa ata." Hindi kumibo si Rukawa, tila nabuhusan siya ng isang baldeng tubig, tila ilang beses na siya napapahiya sa harap ng Ace player ng Ryonan.

"Maupo ka muna nga diyan at kumain. Ang init-init ng araw tapos gusto mong magtatatakbo diyan." Natatawang sabi ni Sendoh.

Sumimangot si Rukawa at napatingin sa pagkain na nasa harap niya, nagtataka kung saan galing ito. Napaupo siya dahil tila nakaramdam na din siya ng gutom. Napatingin siya kay Sendoh na nakatingin din sakanya. "Kain na." Sabi ng binata from Ryonan.

"Saan galing to?" Tanong ni Rukawa habang binubuksan ang styro.

"Sa basurahan, napulot ko. Kumakain ka naman ng pagpag diba?" Sabay tawa ni Sendoh. Sinimangutan ni Rukawa ang sagot ni Sendoh. Napatingin siya sa pagkain; kanin, 2-pc na chicken, may gravy pa at fries. Ginutom siya sa amoy palang. Natigilan siya saglit. "Ikaw?" Tanong ni Rukawa kay Sendoh na nagccelphone lang.

"Kumain na ko." Sabay ngiti. "Nung nakatulog ka, nagutom ako kaya bumili muna ako ng pagkain sa fastfood."

"Bumili…magkano to? Bayaran kita." Wika ni Rukawa na ikinagulat ang mga sinabi ni Sendoh. Nagtaka siya kung paano nagawang bumili si Sendoh samantalang sa pagkakaalam niya ay, may kalayuan ang mga restaurant kung asan sila dahil sa may bandang Ryonan na halos ang court kung saan sila naglalaro. "Paano ka… nakabili?"

"Dala ko yung kotse ng Kuya ko." Sabay turo banda sa labas, sinundan ng tingin ni Rukawa ang sinasabi at nagulat siya ng bahagya. 'Drive? Nagd-drive pala siya.' Hindi malaman ni Rukawa kung bakit tila na-amaze siya sa bagong information na sinabi sa kanya ni Sendoh, siguro dahil karaniwan naming gusto ng bawat teenager ang makapag-drive.

"Nagmamaneho ka na pala." Wika ni Rukawa habang sinimulan na niya ang pagkain. Tumango lang si Sendoh habang nakatingin sa celphone. "Last year lang." A pause. "Ikaw ba? Pwede ka ng mag-aral din." Ngumiti si Sendoh. Umiling si Rukawa habang ngumuguya. "Ilang taon ka na ba?" Tanong ni Sendoh. Nagdalawang-isip pa si Rukawa bago sumagot. "Fifteen."

Nagulat si Sendoh at tila natigilan. 'Wow, ang bata pa pala niya.' Napangiti lang siya. "Akala ko 16 ka na." Nag-shrugged lang si Rukawa at patuloy lang sa pagkain. "Dibale, next year pwede ka ng mag-aral magmaneho." Add ni Sendoh habang nakatingin sa celphone. Hindi na kumibo pa si Rukawa. Pero napaisip tuloy siya kung ilang taon na si Sendoh. Tumingin siya sa binatang nasa harap niya. Dared he asked him?

"Ilang taon ka na ba?"

Napatingin si Sendoh sa rookie ng Shohoku nung narinig ang tanong at ngumiti. "Ako? 13 lang ako, sa sobrang talion ko, accelerated ako ng 4 na taon." Sabay tawa. Nagulat siya nung binato siya ni Rukawa ng nilukot na tissue. "Uy, walang batuhan, hahaha!"

"Gunggong ka." Wika ni Rukawa habang kumakain pa din. "Hehe, 17 na ako." Sagot ni Sendoh. Tumango lang si Rukawa at hindi na kumibo pa. Maya-maya pa, natapos na kumain si Rukawa at kinuha niya ang tubig sa bag upang uminom. Kaso, ubos na pala ang baon niyang tubig. 'Tsk, malas naman. Nakakauhaw pa naman.'

Nakakapagtaka naman na biglang kumulimlim ang langit. Napansin ito ng dalawang players. "Mukhang uulan pa ata." Sambit ni Sendoh. Tumango lang si Rukawa at tumayo para itapon ang kanyang pinagkainan. Napansin ni Sendoh ang hawak ni Rukawa na plastic bottle ng tubig-walang laman. Kumidlat panandalian at maya-maya pay kumulog na, at tila biglang humangin ng malakas.

Napailing na lang si Rukawa, mukhang kelangan na niyang umuwi nab ago pa siya abutan ng malakas na ulan. Hindi pa naman niya dinala ang bike niya, so ibig sabihin dapat maglakad na siya papuntang train station para kahit umulan ay nakasilong na siya. Iniligpit nani Rukawa ang mga gamit at daling sinara ang bag. Tinali na muna niya ng maayos ang sapatos at may kinuha sa wallet. Nakatingin lang sa kanya si Sendoh.

"Magkano pala yung pagkain…" Panimula ni Rukawa, may hawak na perang papel sa kamay. Nagulat si Sendoh—ngumiti lang ang binata at tumayo na din. "Wag na, okay lang yun."

Sumimangot si Rukawa. "Hindi pwede." Natawa nalang si Sendoh. "Okay nga lang, paminsan lang naman." Ipinilit ni Rukawa na tanggapin ni Sendoh ang pera ngunit umatras ito habang natatawa. "Ayoko ng may utang sa iba." Katwiran ni Rukawa.

"Hahaha, libre ko nga, ayos lang yun…" A pause. "Sa susunod, ako naman ang ilibre mo, para patas. Ano, ayos ba?" Suggestion ni Sendoh. Tila nararamdaman ni Rukawa ang pamumula ng tenga niya, sa totoo lang nakakahiya na ang mga pangyayari sa kanya. Naiinis siya ngunit for some reason, tila hindi din naman niya makuhang magalit sa nakakatandang player. Tumango nalang siya dahil nakakaramdam na siya ng uhaw.

Muli na namang kumulog at maya-maya pa ay umambon na. Napahawak si Rukawa sa strap ng bag, tumingin kay Sendoh at doon na nagpasiyang magpaalam.

"Sa-salamat sa lunch…" A pause. "Mauna na ako, baka lumakas pa ito…" Wika ni Rukawa nang medyo malumanay. Nakatingin lang si Sendoh sa interesanteng player ng Shohoku—napatawa ng konti at nagkamot ng batok. For some reason, hindi niya naiwasan na mag-offer ng tulong pa muli, although for some reason, nagalala siya na baka tumanggi na this time ang rookie.

Pagaalala. Nagtaka si Sendoh kung bakit naisip niya kelangan mag-alala kung sakaling tanggihan ni Rukawa ang alok niyang tulong. Marahil may mga tanong talaga na walang kasagutan. Nagsimula ng lumakad papalayo si Rukawa.

"Oy Rukawa, teka…saan ang punta mo?" Pasigaw ni Sendoh habang may kinukuha sa maliit na bag na dala niya, at yung isang kamay bitbit ang bola ng basketball. Lumingon lang si Rukawa sa kasama at itinaas ang kamay na tila nagpaalam na. "Una na ako, salamat ulet."

Napatakbo si Sendoh nung nakita nia na tila nakakalayo na si Rukawa at kumaliwa na sa kabilang kanto. 'Ambilis maglakad ng loko na to ah…' Sambit ni Sendoh sa sarili. Patuloy na lumakas na ang ambon hanggat sa umulan na ng tuluyan. Binuksan ni Sendoh ang pintuan ng kotse at madaling pumasok sa loob ng ssakyan, itinambak ang bola sa likod at maalam na pinaandar ang sasakyan.

Nagtatakbo si Rukawa habang hawak-hawak ang strap ng bag; may halong inis at kabadtripan sa sarili ang kanyang nararamdaman. 'Tch, kung hindi lang ako nakatulog, kanina pa sana ako nakauwi ng bahay, badtrip!' Sambit nito sa sarili. By this time, basang-basa na siya sa ulan, ang t-shirt na suot nia, pati ang pantalon niya—basang sisiw na. Dalawang kanto nalang at makakarating na siya sa may train station, patawid na siya sa kabilang kalye nang biglang may bumubusina sa likod niya. Hindi na niya nagawang pansinin pa ang busina dahil busy siya sa pagkuha ng kanyang train card sa bulsa.

May kotse na tila sumabay sa gilid niya habang siya ay tumatakbo—bumubusina. "Rukawa! Hoy! Rukawa!" Panandaliang napatingin si Rukawa sa kanyang kaliwa at nakita si Sendoh na nakasakay sa isang putting kotse na medyo may kababaan; mukhang sport car edition pa ata ang kotse ng loko. Napahinto siya sa pagtakbo ng biglang ibinukas ni Sendoh ang pintuan sa harap—ngumiti ito at tila hindi nakaimik si Rukawa.

'Sendoh… bakit ba…'

"Sakay na, ano ka ba… bakit bigla kang nawala?" Sigaw ni Sendoh. Nakatingin lang si Rukawa na tila hindi alam—or sigurado ang gagawin. Napailing si Sendoh at bumusina ulet. "Sakay na, ano pang hinhintay mo diyan?" A pause. Natawa si Sendoh sa itsura ng mas batang player; nakakaawa tingnan ito dahil sa basang-basa na siya sa ulan. "Pasok na, magkasakit ka pa diyan, mas problema yan sa Inter High!"

At parang ulan na walang katiyakan ang pagbuhos, hindi rin naintindihan ni Rukawa kung bakit napasakay siya sa sasakyan na kung saan ang nagmamaneho ay isang ka-rival sa sport na labis niyang pinagpapahalagahan.

Ipagpapatuloy… ( ko pa ba?) \(,)/

Notes: Hindi ko alam kung bakit ako napasulat ng Tagalog SenRu fic, dapat pa bang ipagpatuloy? Promising ba? Sana may makapagbasa at mag-review.

Notes: This story has been re-uploaded due to a technical difficulty encountered before while trying to upload and re-upload chapter 4. Hindi din ako masaya na kelangan ko i-delete at mawala ang mga nakakatuwang reviews ng readers. I hope mabasa niyo na ito lahat ulet ng maayos, this time around!