UNTI-UNTI

Warning: This fic is written in Tagalog with mixed English ("Taglish"- for lack of better term) Intended for the Filipino audience and to those who understand the language respectively.

Warning2: Mahaba ang chapter na ito, I suggest (kung may time kayo) pwede niyo din basahin muna ulet ang chapters 1-3 para ma-refresh. Hehe. Thank you! This chapter has been re-uploaded.

Notes: iamguilbert; hello, salamat sa review, nagulat lang ako kasi hindi ko expected na may makaka-appreciate nito other than… female audiences. (^_^) pls don't get me wrong, happy lang ako dahil nakakarelate lahat. Regardless, salamat ulet and hope na magustuhan ninyo ulet itong chapter 4. AddictedtoSD: Ito na pala yung chapter na hindi naman natin masyadong pinagkukwentuhan. kaedesendo; thank you sa reviews… hindi ko din alam ang iniisip ko kung bakit flute. Hahaha! Everyone; thank you and eto na, chapter 4.

*Ang Slam Dunk ay pagma-mayari ni Ginoong Inoue Takehiko at ang kwentong ito ay hindi isinulat upang pagkakitaan. Ito ay isang likhang-isip lamang na ang layunin ay makapagbigay libangan at konting kasiyahan sa mga nais magbasa.

XXX

Chapter 4: Panatag

Ryonan District, 8:00 PM, Huwebes

Napatingin si Akito sa pintuan na bumukas—ang kanyang kapatid. "O, ginabi ka ata?" Tanong ni Akito. Tumango lang si Sendoh habang nagtatanggal ng sapatos at inilalagay sa may shoe rack bago tumapak sa loob ng bahay. "Oo kuya, may pinuntahan lang ako…" Sambit nito. Napangisi lang ang kapatid na nasa sala at nanonood ng TV. "Saan ka naman nagpunta?" Interesanteng pagtatanong nito. Napatawa nalang si Sendoh at tuluyan ng pumasok sa loob ng kanilang bahay; busy sa pagluluwag ng kanyang kurbata—naka-tuck out na ang uniporme nito na may bahid na din ng dumi at ang mga butones niya ay nakatanggal na hanggang sa pangatlo. Pumunta si Sendoh sa ref, at ininom na ng derecho ang tubig na nasa pitcher.

"Hoy, may baso tayo." Sigaw ng kapatid. Pinunasan ni Sendoh ang bibig gamit ang likod ng kamay at sumandal sa kitchen counter. Nakatingin sa kung saan lang habang tinatanggal ang kurbata. "Pahamak na kurbata to…" sambit nito at napatawa nalang siya. Napailing nalang si Akito. "Saan ka ba nagpunta?" Tumingin lang si Akira at inilapag ang kurbata sa lamesa. "Sa Shohoku, may inihatid lang." Napatawa si Akito na ikinagulat ni Akira. "Ayos, ambilis ah, nagmahal-nasaktan-nagmove-on, naghatid." Kumunot ang noo ni Sendoh at napailing—ngunit napatawa ito ng konti. "Anung sinasabi mo, naghatid ako ng pagkain galing sa restaurant ni Uozumi. May binigay lang ako sa team Shohoku." Tumayo na si Akira at nagpaalam muna sa kapatid na tawa pa din ng tawa.

"Baka kabagan ka, kuya." Biro nito sa nakakatandang kapatid. "Seriously bro, malayo-layo ang Shohoku, baka hindi kayo tumagal niyan, hahaha!" Umiling na si Sendoh habang umaakyat at tinatanggal na ang polo shirt sa hagdan pa lang.

Nakatuwaang sakyan ni Sendoh ang loko ng kapatid. "Tatagal na to, naglalaro siya ng basketball, mas makakasundo ko na to." Sambit nito at natawa nalang din sa sarili habang nagkakamot ng ulo, nagtataka kung bakit niya sinabi yun. 'Anu bang sinasabi ko, nababaliw na din itong si Kuya Akito.'

"Uuyyy! Naks, mas ayos yan! Lakas!" Sigaw ni Akito.

XXX

Maayos na tinapos ni Akira ang assignment at pagkatapos niyang na-print ito ay binasa muna niya saglit bago ito itinago sa isang folder sa lamesa. Nag-inat siya saglit at namewang, iniisip pa kung meron pa ba siyang nakakalimutang gawin. 'Teka, ano pa ba ang dapat gawin—Math, English, Literature… mukhang tapos ko naman na ang lahat.' Sensing na wala ng gagawin ay mabilis na niyang inayos ang bag na gagamitin kinabukasan at bumalik sa pagco-computer. Maglalaro na sana siya ng game nang bigla siyang may naalala.

Binuksan niya muna ang kanyang social media at nanlaki ang mata sa dami ng notifications, tags, messages, at kung ano-ano pa ang nandun. Napakamot si Sendoh ng ulo at natawa nalang sa mga nakita at nabasa. 'Magta-talong linggo lang ako hindi nakapag-bukas, mas maingay pa dito sa kesa sa isang court na puno ng mga tao.' At tila nawala na sa isipan niya ang maglaro dahil nalibang na siya ng husto sa bawat scroll, click, at check sa social media.

Napadaan siya sa kanyang pinaka-main page at napatitig sa kanyang information, sa kanyang mga posts at kung anu-ano pa. Inisip ni Sendoh na i-delete nalang ang kanyang account dahil na din sa pangyayari; marahil ay para maiwasan na din ang mga hindi magandang intriga or usapan lalo na sa school nila. Naalala niya pa nung ilang araw lang after malaman halos ng buong Ryonan High ang balita na break na sila ng gf niya ay hindi magkamayaw ang mga estudyante at ilang guro sa pagtanong sakanya. Halos lahat yun ay sinubukan niyang iwasang sagutin at palagi nalang siya nagmamadaling umalis ng classroom upang makapag-practice sa gym.

Bukod dun, marami din siyang hindi magandang narinig lalo na sa kanyang 'ex' dahil nga sa nangyari—marami tuloy ang nagalit din kay Ria at yung iba halos nagbabanta pa. Dumating si Sendoh sa picture nilang dalawa ni Ria—yung naka-tag siya; kung saan nakatingin sila parehas sa camera at nakangiti—mga masasayang alala, araw at nakalipas. Napansin niya na halos dalawang buwan na din pala kuha ang litrato na yun… at habang tinititigan niya ito, napaisip si Sendoh—sa huling pagkakataon, siya ay nagpasiya. Marahil nga ay may mga bagay na dapat ng bitawan, mga taong minsan nagpasaya—dapat na din iwasan, at higit sa lahat, mga desisyon na dapat gawin kahit mahirap; dahil sa bandang huli, may mga bagay na hindi na dapat pang ipinagpipilitan. Permanently delete your file, pictures, posts, and account? YES? NO?

Dinelete ni Sendoh ang kanyang account at nahiga na siya sa kanyang kama. Tinapik niya ang mukha gamit ang dalawang kamay at napatingin sa kisame—maya-maya pa ay nakatulog na siya. Sa iba't – ibang bahagi ng Ryonan district, maraming tagahanga, babae, followers, etc ang nagulat na hindi na nila bigla mahanap ang account ng sikat na player ng kanilang eskwela.

XXX

Biyernes, Ryonan High, 9:00 AM

"Okay ibabalik ko na itong quiz niyo last time." Sambit ng kanilang teacher at maya-maya pay nagtatayuan na ang mga estudyante upang kunin ang kanilang papel. Nakatingin lang si Sendoh sa bintana habang nagta-tap ng ballpen sa kanyang lamesa, hindi man nakatingin ay aware siya sa kanyang kapaligiran.

"Sendoh Akira!" Sigaw ng teacher, napatingin ang lahat sakanya—napatingin din si Sendoh at napatayo, kinuha ang kanyang papel at tinitingnan ito. Ngumit ang teacher sakanya. "Good job ah, maganda ang scores mo lately, Ipagpatuloy mo lang."

"Wow…"

"Grabe ang galing niya…"

"Yummy na, matalino pa, hihihi…"

"Sendoh, pa-picture naman…"

"Nice pre…"

"Sana all pasado…"

"Uy, wala ka nang FB?"

"Manlibre ka naman…"

Samut-saring bulungan at kung ano-ano pa ang sinasabi ng mga kaklase niya. Tinawanan nalang ni Sendoh ang mga bumati sakanya. "O diba, kahit iniwan kayo ng mahal niyo, huwag kayong umiyak. Instead, ngumiti lang kayo at ipakita sa kanila na kaya niyo kahit wala sila, at higit sa lahat… mag-aral ng maigi para pumasa sa subject ko." Sambit nito. "Wag kayo puro sana all, nabubuwisit ako sa ganun." Natahimik ang mga kaklase at biglang nagtawanan. Nag-cheer ang mga ito at lalong inasar si Sendoh ng kanyang mga kaklase—hinahampas siya at ginugulo ang kanyang buhok na tinatakpan nalang niya. Natawa nalang si Sendoh at napailing sa sinabi ng kanyang guro na nakangiti lang din sa kanya.

"Hahahah!"

"Nice maam!"

"Si maam, may pinaghuhugutan!"

"Hahaha, Sendoh oh, ikaw ata ang pinaparinggan ni maam!"

"Biro lang, hijo." Sambit ng guro kay Sendoh. Napa-thumbs up nalang si Sendoh at ngiti. "Ok lang po maam, tama naman kayo." At nagtawanan nalang buong klase. "Okay may ibibigay ako na bagong assignments sainyo, pero sa social media group ko nalang ilalagay para wala kayong excuse na hindi ninyo alam. Class leaders ilagay ang mga classmates sa group." Tumango ang mga class leaders at yung iba nagsimula ng mag-add.

Napakurap si Sendoh sa narinig niya. 'Anak ng…' Napaismid nalang siya dahil tinanggal lang niya ang kanyang social media. Napakamot nalang siya ng ulo at napaismid. 'Hay naku, talaga naman.' Napailing ito ng ulo. Maya-maya pa, ay tinanong siya ng katabi niyang classmate na isang class leader din. "Bakit hindi ko mahanap ang account mo, Sendoh?" Wika nito. Napakurap si Sendoh at napangiti lang. "Sige, ayusin ko nalang mamaya yung account ko." Tumango nalang ang kaklase at nagtanong na sa iba.

Maya-maya pa ay nagbell na—recess time muli. Nagkagulo na naman ang mga estudyante lumabas; naiwan si Sendoh na nakaupo habang inaayos pa ang kanyang mga gamit. Maya-maya pa ay may lumapit sakanyang dalawang babae na tila mga first-years pa lang, mga may dalang regalo at tila hiyang-hiya pa at naglakas lang ng loob.

"P-para sayo… Sendoh-senpai!" Sabay pa na sabi ng dalawang babae. Napatingin nalang si Sendoh sa dalawang regalo at natawa. Napakamot siya ng ulo at tumango sa dalawang first-years. "Salamat, sana hindi na kayo nag-abala." Sabay ngiti. Halos mamula ang dalawang babae sa hiya at saya. "Pwede mo bang pirmahan itong white Tshirt ko?" Request pa nung isa. Natawa nalang si Sendoh at gaya ng dati, napapirma nalang siya; umalis ng masayang-masaya ang dalawa na kinikilig pa. Maya-maya pa ay bumalik yung isa. "Naiwan mo itong pentel pen mo." Sabay ngiti ni Sendoh. Tumango lang ng mabili ang babae at mabilis na lumabas ng classroom. Deep inside, gusto na niyang itago sa loob ng damit niya ang pentel pen na hinawakan ng Ace player.

"Hanep! Tirador ng mga first-years." Sambit ni Koshino habang naglalakad papunta kay Sendoh. Natawa nalang si Sendoh at napaupo sa kabilang side ng upuan para maide-kwatro ang mahahabang binti. "Hindi ako ang lumapit, Kosh." Wika nito sabay ngisi. "Miskina, mga bata lang yun!" Sambit ni Koshino habang nakapamewang. Natawa nalang si Sendoh. "Masisisi mo ba sila kung…" Biro ni Sendoh at napakipit-balikat pa.

Natawa nalang ito sa iritang Koshino. Napatingin si Sendoh sa dalawang paper bag na maliit at out of curiosity, napasilip. "Ano ba itong mga 'to…" Binukas ni Sendoh ang isa sa mga regalo at nakita niya na isa itong blue na lalagyan ng celphone na may number '7' pa na embroidery—maayos naman ang itsura nito. Tiningnan niya yung isa; photo frame na may picture niya sa isa mga laban niya against Kainan-stolen shot na maayos naman din. High quality pa ang picture kaya maganda i-display. Sa likod nito ay napataas nalang ng kilay si Sendoh at natawa ng bahagya si Kosh sa nakita. To: Sendoh Akira-senpai Fr. Rika Y. 1-3

"Hahaha, isang letra lang mawala Ria na." Sambit nito. Napatingin nalang si Sendoh sa ka-team na medyo seryoso, pero natawa nalang din ito at napailing. "Loko ka talaga, Koshino." Napatingin si Sendoh muli sa frame at napatitig ng husto nung nakita niya na may sulat pa talaga sa may bandang ibaba—dedication kumbaga. Binasa niya ito ng nakakunot ang noo at natawa nalang habang napailing. "Aba, mukhang masaya ka sa nabasa mo ah, patingin nga!" Inagaw ni Kosh (sa gulat ni Sendoh) ng mabilis ang frame at nakibasa din. Sendoh-senpai, asin ka ba… kasi I love you ALAT. Pause. Maya-maya pa ay tawa na ng tawa si Koshino, inilapag niya ang frame at halos maiyak kakatawa.

Natawa nalang din si Sendoh at napailing. "Patay tayo sa mga mga first year na 'to, puro kalokohan." Sambit ng Ace player habang nakangisi. "Ang tataba ng utak nila, mwahahaha!" Wika ni Koshino.

Binalot muli ni Sendoh ang dalawang regalo at itinago sa bag. "Hanep, itatago mo yan?" Sambit ni Koshino. Tumayo si Sendoh at nag-inat. "Oo naman, ayos naman eh. Pinaghirapan nila yun. Isa pa, maayos naman ang picture ko dun sa isa—may message pa, hehe." Napailing nalang si Koshino at maya-maya pa ay nag-decided silang dalawa na lumabas para bumili ng pagkain.

Sa bubong ng Ryonan High…

"Nga pala, kamusta lakad mo kagabi?" Wika ni Koshino. Tumango lang si Sendoh habang kumakain ng binili niyang burger. "Ayos naman."

"Hindi ka naman nila… inupakan?" Pag-aalalalang tanong nito. Natawa ng bahagya si Sendoh. "Kung binugbog nila ako, eh hindi na sana ako nakapasok." Sabay tawa nito kay Koshino. Napaismid nalang ang Vice-Captain at kumain na din. "Kamusta naman yung isa…" wika nito at napatingin kay Sendoh. "Sinong isa?" Sambit ni Sendoh, tila naguluhan. Napairap si Kosh at nakapamot ng ulo sa inis. "Hindi ko talaga minsan alam kung bakit ikaw ang Captain namin eh."

"Gusto mo, ikaw nalang. Ok lang naman sakin." Sambit ni Sendoh sabay ngisi nito. "Ano pong oras practice natin ngayon, Captain Koshino?" Biro pa ni Sendoh. Palabirong hinampas ni Koshino si Sendoh sa likod na ikinatawa lang ng matangkad na binata. "Si Rukawa ang tinutukoy ko! Diba dalawa yung dala mong paper bag, sa kanya ba yung isa?" Tanong nito. Natigilan saglit si Sendoh at napatingin sa kinakain. Maya-maya pa ay tumango lang ito at tila napangiti nung may naalala. "Ah, oo." Pause. "Tinanggap naman niya yung binigay ko –halos maubos niya." Natawa si Sendoh nung naalala niya ang kanilang paguusap nung gabi sa gym. At mas lalo siyang natawa nung napatingin siya sa kurbata ni Koshino.

"Humingi ako ng paumanhin…" Tumango si Koshino. "Ayos naman..." Wika ni Sendoh. "Actually, tinanong ko kung paano ako makakabawi sakanya…"

"O tapos?" Sambit ni Koshino. Natawa nalang si Sendoh nung naalala niya at napakamot ng ulo. "Ang lokong freshman, maglaro daw kami ngayong linggo na naka-uniform ako at kurbata, hahaha! Nagulat ata siya sa itsura ng uniform natin." Sabay ngisi ni Sendoh. Napaismid nalang si Koshino. "Hn, gusto lang niya na makalamang sayo, alam niya marahil na hindi ka niya kayang talunin kaya ginawan niya ng paraan para manalo siya! Ang daya niya kamo, wag mo siputin!" Pagalit ni Koshino. Napailing na lang si Sendoh, napaka-typical para kay Koshino na mainis ng madalian. "Wag kang pumunta! Pucha, pabayaan mo siya dun na mamuti kakahintay!"

Natawa si Sendoh. "Maputi na siya, Kosh." Sumimangot si Kosh. "O pwes, mangitim sana siya." At napahalakhak nalang si Sendoh. Napangiti si Koshino nung makita ang kaibigan na tila nagbalik na ang dating mood.

"O pano, mamaya sa gym, first day ng basketball club, may 15 tayo na applicants, sumipot ka ha, ikaw ang Captain." Paalala ni Koshino.

"15. Ang dami naman." Bulong ni Sendoh. Nainis si Kosh. "At bakit ka nagrereklamo, hindi ba nga at kelangan talaga natin kamo ng malakas na bench! Hindi ako makapaniwala na ganyan ang reaction mo." Natawa nalang si Sendoh. "Relax ka lang, akala ko lang naman mga lima."

"Pasalamat tayo at marami ang naging interested, marami ata nakanood ng laban natin versus ang Kainan at Shohoku." Sambit ni Koshino. Tumango nalang si Sendoh at nagkipit-balikat. "Kinse na players…sana naman lahat yun marunong maglaro." Sabay ngisi nito. Napailing nalang si Koshino, nauunawaan niya ang hinaing ni Sendoh—may tendency talaga na tamarin ang kanyang kaibigan lalo na kung hindi malalakas ang mga kaharap. Bigla niya tuloy naisip si Rukawa at napaismid nalamang siya. 'Marahil nga… marahil nga ay isa ka sa mga totoong malalakas na kayang humarap kay Sendoh.' Sambit niya sa sarili.

"I-welcome mo lang sila." Wika ni Koshino.

"Akala ko ba ikaw na?" Biro ni Sendoh. Umirap nalang si Koshino at tumayo na nung tumunog na ang bell, signaling na kelangan na nila bumalik sa classroom. "Andun naman ata si Captain Uozumi eh." Sambit ni Sendoh habang tinatapon ang pinagkainan sa basurahan. "Miskina, ikaw na ang totoong Captain, alam mo naman na bumabalik nalang si Capt. Uozumi para tumulong." Napaismid nalang si Sendoh at napatango. "Okay sige, anu pa nga ba?"

"430 pm ah! Wag kang mahuli! Baka mawalan ng loob ang mga new applicants!" Sambit ni Kosh at dali-dali na itong umexit sa rooftop; naiwan si Sendoh na nakatayo at napatingin pa ito sa kalangitan ng panandalian. Maganda ang panahon, asul ang kalangitan, may ilang mga ulap at may mahinahon na hangin na presko sa pakiramdam. Napapikit si Sendoh at napangiti. Tila nagpapasalamat sa katahimikan at kapayapaan ng kanyang nararamdaman.

XXX

4:00 PM, Biyernes, Ryonan High…

"Okay, class dismissed, wag kalimutan ang mga group projects niyo!"

"Yes maam!"

Tumayo na si Sendoh at dali-daling inayos ang gamit at lumabas ng classroom. Palabas n asana siya nang kanyang classroom nang biglang nagkasalubong sila ni… Ria. Napahinto si Sendoh sa paglakad—napatingin siya mula sa pamilyar na mukha ni Ria sa kasama nito—si Masamune Tadashi. Tila huminto ang mga minuto para sa kanilang tatlo. Nagkatinginan lang silang tatlo. Walang nagsasalita at tila wala din nais unang gumalaw sa kanilang mga puwesto.

Napalunok si Ria at napatingin sa matangkad na Ace player—tila may nais siyang sabihin ngunit hindi niya kung paano. "Ah…" Panimula ni Ria, nais sana lang niya kamustahin ang binata ngunit naramdaman niya ang paghawak ng kasama sa kanyang kanang kamay kaya siya natigilan. "Ria…tara na." simula ni Masamune ng pabulong.

Nakatingin lang si Sendoh sa dalawa—tila hindi alam ang gagawin. Kung tutuusin pwede naman na siyang umalis. "Sendoh…"

Napatingin silang tatlo sa boses na tumawag; si Kicchou Fukuda na nakatayo din sa hallway, mga kamay ay nasa bulsa, mga matang walang emotion at nakatingin lang sa tatlo. "Andun na ang mga aplikante…" sambit ni Fukuda. Napatango lang si Sendoh at napangiti ito—nagulat si Ria nung nakita niya ngumiti si Sendoh sa kasama. Tumango nalang si Sendoh sa dalawa na ikinagulat nung dalawa at naglakad papunta kay Fukuda.

Tumingin si Fukuda pagtalikod niya (maliban kay Sendoh) kay Ria at kay Masamune. Napalunok lamang si Masamune at hindi na kumibo pa. Sa iba marahil ay tila wala lang ang tingin ni Fukuda, pero para sa dalawang naiwang nakatayo sa hallway, ito ay may ibig sabihin.

Napahinto si Sendoh bago siya pumasok sa loob ng gym, mga kamay ay nakahawak ng mahigpit sa kanyang bag strap—napatingin siya sa lapag. Huminto si Fukuda at napatingin sa kanyang kasama. "Ayos ka lang ba, pre?" Sambit nito. Napatingin si Sendoh kay Fukuda at tumango. "Oo." Maikling sambit nito. Hindi kumibo si Fukuda at napasandal sa may poste na malapit.

Hindi naman galit si Sendoh, sa totoo lang, tanggap na niya ang mga pangyayari. Ngunit, marahil… kahit paano, hindi naman agad-agad basta nawawala minsan ang mga pagkabagabag lalo na sa mga sitwasyon gaya kanina. Huminga siya ng malalim at humarap sa power forward na nakasandal lang at nakatingin sa kanya; ngumiti si Sendoh. "Pasensya na, gusto ko lang na maging… klaro ang pagiisip ko bago ako pumasok sa loob ng gym at magsalita." Pause. Tumango lang si Fukuda at bahagyang napangiti.

"Pagtapak ko sa loob ng gym na yan…wala na talaga." Sambit ni Sendoh at gaya nga sinabi niya, naglakad siya papuntang gym, kasunod si Fukuda at nung itinapak na niya ang kanyang paa—napatingin siya sa loob ng gym-nakita niya ang malaki at maliwanag na gym, ang dalawang poste ng basket, ang whiteboard, at higit sa lahat… ang kanyang mga teammates na nakangiti sa pagdating niya, ang mga bagong players, si Coach Taoka na nakamashid lang din at napangiti nung nakita siya…

Ang pag-ibig daw ay parang laro, kelangan daw matutong makipaglaro upang hindi ka mapaglaruan, ngunit hindi naman siya ganun, dahil para kay Sendoh, ang pakikipag relasyon ay tanda ng pagmamahalan, at isang pagpapa-alala na hindi lahat ng sumusuko ay mahina at talunan.

Nagulat si Sendoh nung may nagpasa sakanya ng bola na nasalo naman niya agad—si Fukuda. Ngumiti si Fukuda at sumenyas na nakatingin lang sakanya ang mga tao sa loob ng gym. Napalunok si Sendoh at napatingin sa bola na hawak niya. Ngumiti siya at drinibol ang bola ng isang beses. Tahimik na nakatingin ang mahigit dalawampung tao na nasa gym sa kanya.

"Kamusta? Ako nga pala si Sendoh Akira, ang inyong team Captain. Welcome sa Ryonan High at… salamat sa interest niyo sa pagsali sa basketball club." Ngumiti ito at tumitig sa mga aplikante na tila nakatingin lang sakanya. Natawa nalang si Sendoh at napakamot ng ulo. 'Mukhang hindi sila naniniwala na ako ang team Captain…'

At upang patunayan—binitawan ni Sendoh ang bag, nagdribol ng bola—at biglang tumakbo sa gulat ng mga tao sa gym—tumalon ng mataas at dinunk ang bola sa ring na may halong pasikat; sa gulat ng lahat. Bumitaw sa ring si Sendoh at doon lamang marahil naniwala ang mga aplikante dahil tila namangha sila sa ganda ng pinakita niya, nagpalakpakan sila at maya-maya pa ay nagkakwentuhan at nagingay na. Napatango nalang si Coach Taoka at si Uozumi at bumalik na nga ang sigla ng bawat isa sa gym.

Pinulot ni Sendoh ang bola at napatingin kay Fukuda na nakasimangot lang. "Hindi ka naman si Jollibee, pero gusto mo ikaw lagi ang bida." Napakurap si Sendoh at nagtawanan ang magka-teammate, napa-apir at maya-maya pa ay sinimulan na nila ang orientation sa mga aplikante.

XXX

Shohoku District, 9:30 PM, Biyernes

Napahikab sa antok si Rukawa Kaede habang nagsusulat sa kanyang notebook. Halos bumagsak na ang kanyang mga mata sa tamad at antok, ngunit kelangan gawin ang mga assignment. Papikit na naman siya at ang ulo niya ay babagsak na naman habang nakaupo sa may lamesa nung bigla siyang nagulat at nagising—nagsulat muli at ibinaba muna ang ballpen upang tapikin ang mukha niya. Kinuha niya ang kanyang headset at nagdesisyon na makinig ng rock music sa kanyang celphone para hindi siya antukin. Sa unang bagsak ng musika ay tila nabuhayan ng konti ang kanyang dugo kaya napasulat siya ng 15-minutes din.

Napainat si Rukawa nung natapos ang assignment at tumayo upang lumabas. Bumaba si Rukawa at nakita ang kapatid na babae na nakaupo sa sala at nanonood ng mga koreanovela. Tumingin ito sa kanya. "Akala ko tulog ka na." sambit nito. Hindi kumibo si Rukawa at dumerecho sa kusina upang gumawa ng kape. Nakita ito ng kanyang ate. "Gawa mo din ako, please!" Sabay ngisi nito. Napailing nalang ang rookie at dinalawa ang paggawa ng kape. Iniabot ang cup sa ate at naupo sa may dining table—bahagyang napaptingin sa kung ano man ang pinapanood ng kapatid.

"Ang gwapo mo, Capt. Ri!" Sigaw nito at natatawa pa at kinikilig habang nanonood at humihigop ng kape. Napakunot lang ng noo si Rukawa at iling. 'Kala mo naman kilala siya ng pinapanood niya, hn.' Wika nito sa sarili niya. Napabuntong-hininga nalang si Rukawa at tumayo upang bumalik nalang sa kwarto bitbit ang kape. Upon entering ng kanyang kwarto, bumalik si Rukawa upang tapusin ang huling online assignment niya kay Mam Yumi.

Makalipas pa ang fifteen minutes, ay sinend na niya ang assignment sa email ng guro at napasandal sa upuan, habang iniikot-ikot ito. Mga mata ay nakatingin lang sa kanyang laptop habang nakikinig sa isang rock band na may maingay ngunit magandang beat. Sinasabayan ni Rukawa ang kanta—nagli-lip sync habang nakaupo lamang at tila nagiisip. Maya-maya pa ay nagulat nalamang siya nung bumukas ang pintuan—si Kaoru, kumakain at may dalang box na halos nakalimutan na ni Rukawa simula nung dumating siya sa bahay at nagpaka-dalubhasa sa paggawa ng mga assignment.

"Ang sarap nito, saan mo ito nabili?" Wika ni Kaoru habang kumakain ng sushi. Napatingin nalang si Rukawa. Tiningnan ni Kaoru ang box at binasa ang naka-print sa box.

"UDD. Uozumi's Delicious Dumplings?" Napalaki ng bahagya ang mata ni Rukawa. Hindi siya kumibo. "Masarap! Bili ka ulet, saan ito nabibili?" Binasa ni Kaoru ang box at nagulat siya na sa Ryonan pa galing ang box. "Ang layo naman. Teka, pumunta kapa ng Ryonan para bumili nito?"

Napakunot ng noo si Rukawa at iling. "Hindi ko binili yan." Sambit nito habang nagbro-browse lamang sa laptop. "Ay talaga, saan ito galing." Napangiwi nalang si Rukawa, naiinis sa dami ngtanong ng kapatid. "May nagbigay lang." Sambit ni Rukawa—at tila napatigil nung naalala niya kung sino ang nagbigay. Naupo si Kaoru sa kama ng kapatid at patuloy sa pagkain habang nakatawa. "Hulaan ko, mga fans mo, haha!" Napaismid nalang si Rukawa at hindi nagsalita. 'Fans? Sino ba yung mga yun.' Nagpatuloy siya sa pag-browse ng mga sapatos at damit online.

"Ang sweet ng fans mo ha, galante na sila ngayon." Wika ni Kaoru habang ini-enjoy ang pagkain. Napabuntong-hininga nalang si Rukawa. "Wala akong fans." Wika ni Rukawa at natawa nalang ang kanyang ate. Napatingin si Kaoru sa kapatid at napakunot ang noo. "Teka, saan galing yang sugat mo sa mukha—ngayon ko lang nakita yan ah! Nakipag-away ka ba?"

Napatigil si Rukawa at napatingin sa ate, seryoso ang itsura nito. Napaisip si Rukawa at naibalik siya sa pangayayari sa Ryonan gym nung araw na sila ay supposedly may practice game. Naalala niya ang dunk na sinubukan niyang pigilan ngunit hindi niya nagawa… ang pagtama ng kanyang mukha sa braso at siko ng kalaban… ang kanyang pagbagsak sa lapag—at higit sa lahat, ang mukha ng player na gumawa nito sakanya, at ang salitang sinabi sa kanya; "Nasagi ka lang, wag ka ngang sensitibo." Muling nakaramdam ng pagkainis si Rukawa at napakagat nalang siya sa kanyang labi, napakunot ng noo at hindi na nagsalita pa. "Sa basketball practice lang ito…" Marahan na sambit ni Rukawa sa kapatid.

'Hn, yabang. Kainis. Akala mo sobrang galing.' Sambit niya sa sarili—napahinto saglit at napailing nalang. 'Tch, magaling naman talaga siya—pero tatalunin kita. Tatalunin kita, Sendoh, akala mo… tatalunin kita…-?!'

Siguro marahil ay kakaibang expression na ang ginagawa ng kanyang mukha kaya nagulat nalang siya nung kinotongan siya ng kanyang kapatid sa ulo, napahawak si Rukawa sa ulo at napatingin ng masama sa ate.

"Ang dami mong sinasalita sa isipan mo ah! Nakakatawa ang mukha mo, para kang batang naagawan ng candy!" Wika nito at patuloy lang sa pagtawa. Napaismid nalang si Rukawa. Tumayo si Kaoru at nagpaalam na sa kapatid. Napatingin lang si Rukawa sa pintuan na sarado at napatingin sa box na naiwan ng kapatid. Tila ginutom siya habang tinititigan ito at napakuha siya ng gyoza—kinain ito at napabalik sa pagco-computer.

UDD. Uozumi's Delicious Dumplings. Tiningnan ni Rukawa ang FB page ng delicacies at nakitang kahit paano ay marami na din marahil ang nakakaalam ng restaurant ng tatay ng boss monkey. Marami itong likes na rin at mga posts at comments na nagsasabi na masarap ang gawa nila. Napa-browse lang siya at napabasa sa ilang comments… at bahagyang ikinagulat ang ilang nabasa.

XXXX: Masarap ang gyoza! 45likes

XXXX: The best! Yummy! 31likes

XXXX: Favorite ko yung California maki nila! 24likes

XXXX: Sana mas mura ng konti! 46likes

XXXX: Sakto lang yung lasa… 15likes

XXXX: Sana may free-taste! 109likes

XXXX: Dagdag sauce naman! 12likes

XXXX: Bakit wala ng FB si Sendoh my loves?! 147likes 34comments

XXXX: Hoy sa ibang comment section yan! 12likes 2comments

XXXX: Oo, nawala nga! Huhu!

XXXX: Baka dahil kay _i_! 65likes 52comments

XXXX: Dumpling page to mga adik… 88likes

XXXX: Deleted account?! OMG! 38likes 12comments

XXXX: Babalik din yun! 89likes 17comments

XXXX: May fanpage nalang ata siya guys, nakita ko! 201likes 54comments

XXXX: How much yung isang box of 36 gyoza?

XXXX: Hm yung mixed na box of 24?

XXXX: Hm box of 12 sushi? Saan yung fanpage?

XXXX: Basa-basa sa mga nagh-hm! Anlaki na ng post! 152likes 5comments

Napatigil si Rukawa ng bahagya sa pags-scroll at ibinalik sa sariling page. Ganun pa din as usual ang kanyang page. Walang picture, wala kahit ano. May isang friend-kapatid niya pa. Ngunit sa hindi malamang kadahilanan, hindi niya naiwasan na tila ba, ma-curious sa mga nabasa. Saktong inilapat na niya ang kanyang mga daliri sa laptop at tinayp ang pangalan ng player na sinasambit sa comment section… pinindot niya ang enter button at nagulat ng bahagya. No User Found. Although may mga nakita siyang mga tagged pictures ng ilang mga tao/ estudyante na na taga-Ryonan High; usually yung mga naging laban ng Ryonan sa gym nila—against Kainan, Shoyo, at kahit sa kanilang team, Shohoku. Yung iba malayo ang kuha pero may ilan na malapit din.

Napakurap si Rukawa sa isang particular picture na nakita niya—ito ay ang kanilang laban nung natalo nila ang Ryonan. Si Sendoh at siya! Napapindot siya sa picture na napatitig, tila ba napapaisip kung saan naganap ang eksena; hawak ni Sendoh ang bola, at siya naman naka-depensa; medyo nakatalikod siya sa camera kaya mukha ni Sendoh ang nakikita; naalala ni Rukawa na marahil ito yung isang eksena kung saan nahabol ni Sendoh mag-isa ang lamang ng Shohoku at nakapag 3-point play pa nung napaupo na si Uozumi. For some reason, napatingin siya sa kalaban—sa ibang mga tumitingin, aakalain na magkatinginan sila ngunit alam ni Rukawa na ang mata ni Sendoh ay nakatingin sa kanyang kanan, tila ba naghahanda para sakanyang pag-atake.

Napakurap si Rukawa at tila nagulat ng bahagya sa caption ng litrato na kuha ng isang random na estudyante. Napangiwi nalang siya. 'Lokong mga taga-Ryonan to ah.'

Kanin na lang ang kulang! Ang cute din nung taga-Shohoku pero kay Sendoh-senpai pa din! #GoRyonan #RyonanFight #Ace7 189likes 45comments

XXXX: Go Sendoh-senpai! 23likes 5comments

XXXX: Grabe, 6 na puntos nalang! Lupit tlaga! 67likes 13comments

XXXX: Idol ka talaga! 45likes 3comments

XXXX: Notice me, senpai! 3 89likes 77comments

XXXX: Nahabol na! Lezzgo Ryonan! #RyonanFight 54likes 12comments

XXXX: Sino yung number 11? 2likes 0comment

XXXX: Rukawa Kaede yan ng Shohoku! Magaling din yan! 15likes 2comments

XXXX: Feeling magaling siguro! Mas mahusay si Sendoh! 77likes 0comment

XXXX: Mayabang yan! 100likes 33comments

XXXX: Mahina yan! Natalo sila sa Kainan nung napaupo na siya! Hahah! #weak 150likes 21comments

XXXX: Ang harsh! Pero napanood ko din yun, ang lampa! Haha! 13likes 10comments

XXXX: Ang cute niya mga beh! 14likes 0comment

XXXX: Pag cute, aso yun! Pag pogi si Sendoh! 99likes 12comments

XXXX: Like kung agree kayo na mas hawt si Sendoh! 179likes 19comments

XXXX: Mukhang babae! Pwe! 44likes 7comments

XXXX: Mukhang multo, amputi! 45likes 1comment

XXXX: Baka may anemia…=) 87likes 3comments

XXXX: Baka nag-Gluta?! Hahahah! 101likes 2comments

XXXX: LOL! Nasisilaw si Sendoh-senpai, pero eto na ang Ryonan! #RyonanFight 20likes 0comment

XXXX: Go Sendoh! #Ace7 5likes 0comment

Kung nakakasabog ang pagtitig sa screen, kanina pa marahil wasak ang laptop ni Rukawa sa inis sa mga nababasa. Although may katagalan na ang mga comments, since ngayon lang niya nabasa, nakakainis pa rin malaman na may mga ganung klaseng komento tungkol sa kanya. 'Mga siraulo din pala ang mga taga-Ryonan.' Sambit niya sa sarili. Napangiti siya ng pa-insulto. 'Buti nga at nakapasok kami sa IH. Akala niyo Ryonan. Sendoh-senpai niyo mukha niyo, hn!'

Halos pigilan niya ang sarili sa pag-comment din at pinaalalahanan ang sarili na wala marahil nakakaalam na may social media account na siya. Napailing nalang si Rukawa at nag-exit na sa page. Napainat at napasandal sa upuan, tumingin sa kisame na tila napapaisip ngunit hindi din niya alam kung ano ang kanyang iniisip. 'Deleted… account?' Napakunot ng noo si Rukawa; napatingin siya sa orasan at nahiga na sa kama; ipinatong ang box ng pagkain sa may upuan na malapit sakanya at napabukas pa ng celphone; for some reason, napansin niya na sadyang nakakalibang nga at nakakaubos ng oras ang pagkakaron ng social media.

Add profile picture? Napapindot ng 'yes' si Rukawa at napa-scroll sa kanyang gallery; tila nayamot ng bahagya dahil wala naman masyadong picture ang kanyang phone. Hindi naman siya yung tipo na mahilig kumuha ng litrato ng kung ano-ano. Napansin niya na halos mga random lang ang nasa gallery niya; ang kanyang bisikleta, yung kanto na malapit sa Shohoku, ang riles ng train station, yung beach na malapit sa Shohoku, basketball court, bola ng basketball, mga sapatos na nakikita niya sa shop, isang pusang itim, yung puno ng Sakura sa eskwela…

Napa-scroll pa siya pababa at napahinto sa isang particular na picture; kuha iyon nung na-announce ang mythical five sa Kanagawa prefecture bago ang IH; ito yung after nila makuha ang ticket papuntang IH—napaisip siya kung bakit siya may picture na ganun at naalala niya na marahil si Ayako ang kumuha gamit ang celphone niya; napatingin siya sa larawan—lima sila, kasama ang mga opisyales ng basketball—sina Maki, Jin, Akagi, siya, at si…

Napakunot ng noo si Rukawa at tila bahagyang nagulat—nagulat siya na may larawan pala siya nila… Sendoh. Lahat sila ay may hawak na certificate. For some unknown reason, tila ikinagulat niya na meron pala siyang picture na kasama ang Ace player ng Ryonan—at sa picture nila sila pa talaga ang magkatabi; si Sendoh, siya, Akagi, Jin, at Maki ng Kainan. Nakita ni Rukawa ang trash bin na icon at mangyari na pipindutin na sana niya iyon ngunit tila napaisip siya at napagdesisyunan na huwag nalang i-delete ang picture.

'Malamang ako lang naman ang may ganitong picture.' Sambit niya sa sarili. Napa-scroll pa si Rukawa sa ibang picture niya at mostly ito ay sa bahay nalang; napakunot ang noo niya nung may isang picture dun ng kapatid niya at siya na nakatalikod habang nagluluto. Napaismid nalang si Rukawa at napahinto muli sa huling pagkakataon nung makita niya ang isang larawan niya na nakayuko sa may lamesa nila sa baba. Napailing nalang si Rukawa dahil sa tingin niya ay ang magaling niyang kapatid lamang ang pwedeng kumuha nun.

Naghikab si Rukawa at binitawan ang celphone—napatingin muli sa kisame at maya-maya pa ay napapikit na. Tila nakaramdam siya ng pagkaantok sa mga bagay-bagay na nalaman at nakita niya nung gabi na iyon. Itinulog nalang ni Rukawa ang isang tanong na satingin naman niya ay wala naman nang kinalaman pa sakanya ngunit ipinagtataka niya kung bakit naisip niya…

'Gagawa ng account...tapos ide-delete…?'

XXX

Shohoku, Sabado, 8:00 AM

Napatingin si Kaoru sa kapatid na bumaba sa hagdan na nakabihis ng itim na tracksuit, may dalang bag at nakatingin sa celphone. "Saan ang punta mo, Sabado ngayon? Nasobrahan ka naman ata sa sipag." Sambit nito. Napatingin lang si Rukawa at ipinatong ang bag sa sofa; dumerecho ng upo sa dining table kasama ng kapatid na kakatapos lang maghanda ng almusal. Naupo si Kaoru sa tapat ng kapatid at naghanda na silang kumain. Napatingin si Rukawa sa ate. "Anong… oras ang pasok mo?" Sambit nito. "Naka-leave ako, tatlong araw lang naman, gusto kong magpahinga." Wika nito, sabay ngiti. Napakurap lang si Rukawa at napatango, masaya naman at narinig niya na may pahinga ang kanyang ate na tila hindi na din tumitigil sa pagpasok sa trabaho.

"Ano meron, bakit ka aalis ngayon? Aayain pa naman sana kita na samahan ako." Sambit ng kanyang ate. Napasubo lang si Rukawa ng pagkain at nagkipit-balikat ngunit sinagot nito ang tanong ng kapatid. "Team practice. 9-3pm lang naman." Sagot nito. Napangiwi nalang si Kaoru at tango. "Ayan ka na naman sa practice, yung mga bagsak mo baka nakakalimutan mo." Paalala nito.

"Pumapasa nako." Sagot ni Rukawa habang kumakain. Natawa nalang si Kaoru. "Naks, sana totoo." Napaisimid nalang ang binata at hindi na kumibo pa. "Kelan ba ang IH?" Tanong ni Kaoru. Napatigil si Rukawa saglit na tila napapaisip. "Isang buwan mula ngayon." Sagot niya at tumango nalang ang ate. "Wow, lapit na din pala, galingan niyo ha. Manonood ako." Sabay ngisi nito. Tumingin lang si Rukawa sa nakangiting ate na tila nagtatanong kung talaga bang seryoso ito.

"O baket, gusto kong manood, gusto kitang makita maglaro… kung talaga bang magaling ka o baka naman may mas magaling sayo." Sambit nito na tila nanlalait na nagbibiro. Napaismid nalang si Rukawa. "Ikaw ang bahala." Wika nito, natawa nalang si Kaoru. "Hahaha, parang ayaw mong manood ang kapatid mo ah. Wag kang mag-alala, hindi kita ich-cheer." Ngumisi si Kaoru at uminom ng kape. Umiling nalang si Rukawa.

"Kahit hindi mo ako i-cheer, may gagawa niyan para sakin." Napaismid si Rukawa habang ngumuguya. Napangiwi si Kaoru at napaturo gamit ang tinidor. "Sarap mong tusukin sa mata."

"Saan mo ba… gustong pumunta sana?" Sambit nito nung naalala niya na gustong magpa-sama sana ng kapatid. Naisip ni Rukawa na hindi naman masama na masamahan ang ate paminsan. Nagkipit-balikat lang si Kaoru ngunit napangiti dahil sa ang kapatid mismo ang nagtanong. "May medical mission kami next week, sa may bahay-ampunan na malapit dun sa hospital, nagca-canvass sana ako ng mga pagkain at mga laruan na pwedeng ibigay sa mga bata." Wika nito. Napakurap lang si Rukawa sa nairinig; hindi naman pala walang kwenta ang dahilan ng kapatid—kaya naman laking gulat ni Kaoru nung napatango ang kapatid. "Okay sige." Nanlaki mata ni Kaoru at halos maubo sa sinabi ng kapatid.

"Talaga ba?! Mamaya yun ah! Pwede ka bang umexit ng mas maaga sa practice? Sige na naman, Kaede, minsan lang naman. Hindi naman mababawasan ang isang-daang porsyento ng husay mo sa basketball kung aalis ka ng mas maaga diba tsaka-?!" Naputol ang salita ni Kaoru nung tumayo na si Rukawa at nagkakamot ng ulo na tila naiinis.

"Oo na. Tama na. Aalis nako." Sambit ni Rukawa at dali-dali na nitong kinuha ang bag at nagpaalam sa kapatid; tutal mababawasan ang oras niya sa pageensayo, kaya aagahan na niya sa gym. Natawa nalang si Kaoru habang sumisigaw dahil hindi pa naman nakakalabas ng gate ang kapatid. "Hahaha! Salamat kapatid! Whoohoo! Sweet ka din pala, ittext kita ha!"

XXX

8:30 AM, Sabado, Shohoku Gym

Pagdating ni Rukawa ay nag-warmup siya, nag-stretch at maya-maya pa ay dumerecho na sa pageensayo. Magisa siyang nagpractice ng dribbling, shooting, opensa, depensa, three-points, dunks, layups, at kung ano-ano pang fancy na galaw na pwede niyang ma-execute sa darating na IH. Alam niya na marahil marami ang malalakas na team na kasali at kung hindi niya huhusayan, hindi niya din basta makakamit ang pangarap na makapunta ng ibang bansa upang maging number one. Ngunit sadyang hindi din madali ang mag-decision sa pagpunta sa ibang bansa—for some reason, kahit paano ay nabawasan ng bahagya ang kanyang pagnanais na makaalis—andun pa din ang pangarap, ngunit for some reason, napapaisip na din siya.

Maya-maya pa konti ay dumating na din ang kanyang mga kasamahan; magkakasabay na dumating sina Mitsui, Miyagi, at Sakuragi. Napatingin lamang siya sa tatlo habang nakaupo at nagpapahinga. Nakita siya kaagad ni Miyagi at agad naman siyang binati nito. "Oy, Rukawa! Kamusta, aga mo naman pre." Masiglang bati nito, sabay ngiti. Tumango lang si Rukawa sa kanilang point guard.

"Bibo, wala namang premyo sa maaga, hahaha." Sambit ni Mitsui na may hawak pang coffee in can. Napakibit-balikat lang si Rukawa. "Pagod ka na? Ayain sana kita mag 1-on-1!" Sambit ng 3-pointer.

Tumango lang si Rukawa. "Tara." Wika nito. Nagulat si Mitsui, natawa at napakamot ng ulo. "Hahahah! Hanep, ang init nito agad! Teka, tapusin ko lang kape ko."

Natawa nalang si Miyagi habang nagtatali ng rubber shoes. "Hehe, wag mong bibiruin ng laro yang si Rukawa, titiklop ang tuhod mo, pero hindi yan aatras." Sambit nito at natawa nalang si Miyagi. Napangiwi si Mitsui at humigop ng kape. Saktong narinig naman ni Sakuragi ang komento ni Miyagi. "Sus, titiklop ka diyan, eh tumupi nga yan nung laban sa Kainan, nahimatay sa pagod, nyahahaha!" Bulyaw ni Sakuragi. Natawa ng bahagya si Mitsui at napailing nalang si Miyagi. "Alam mo Sakuragi, ikaw tlaga ang nagsisimula ng gulo dito eh." Sumimangot si Rukawa sa power forward. "Ch, gunggong ka. Tumagal ka nga sa laban, puro kalang naman takbo, hindi mo naman naigawang ipanalo. Bano."

"Anong sinabi mo! Teme!" Paghahamon ni Sakuragi at nagsimula ng lumakad papunta kay Rukawa, pinigilan lang siya ni Miyagi. "Anak ng, anu ba yan, kadarating lang natin, pwede bang itigil niyo na muna yan!" Natawa nalang si Mitsui at pumagitna. "Tama na yan, mga first years na ito, ang iinit ng ulo niyo, mas mainit pa sa kape ko, hahaha!"

"Hn, ganyan talaga kapag hindi kagalingan, kelangan agahan para mas makapag-practice, nyahaha! Payabang." Bulyaw ni Sakuragi habang inilapag nalang kung saan ang gamit at tila nabusy sa pagce-celphone. Hindi nalang kinibo ni Rukawa ang tirada ng power forward at napailing nalang. 'Walang pinipili ang kagunggungan. Umaga man o gabi, hn.'

Nagsimula ng mag-stretch ang dalawang player habang si Sakuragi naman ay tila busy kaka-scroll sa kanyang celphone. Napansin ito ni Mitsui habang nagiinat ng mga braso at napangisi. "Aga mo magcelphone, boy. Tulog pa si Sendoh. Mag-warmup ka muna, pagdumating sina Akagi, kokotongan ka na naman nun." Napatingin lang si Sakuragi. "Gago ka talaga Micchy! Hn, hindi na kelangan ng warmup ng henyo, Micchy. Palagi akong handa!" Napaismid nalang si Mitsui. Maya-maya ay dumating na din ang tatlong first years na reserve, kasunod sina Akagi, at Kogure.

"Magandang umaga!" Bati nina Yasuda, Kakuta at nung isa.

"O, mga benchwarmers na kapatid, nyahaha! Bakit kayo late?!" Sabay ngisi ni Sakuragi habang pabirong tinatapik sa likod ang tatlo na gulat na gulat sa pagiging hyper nito. Napasimangot nalang si Akagi habang nakangiti naman si Kogure. "Hi guys, magandang umaga sainyo!" Bati ng maamong Vice-Captain sa lahat.

"Kogure-senpai!" Wika nung tatlo. Tumango lang ang lahat sa bawat isa. "Okay, mabuti at maaga kayong lahat dumating." Sambit ni Akagi. "Nasakin na pala yung listahan ng mga kalahok sa IH, papakita ko sainyo mamaya, maghanda kayo, malalakas ang mga kasama natin sa block." Napatango nalang silang lahat, ramdam na ang pressure at bigat ng mga darating na araw. Maya-maya pa ay sinimulan na nila ang practice.

XXX

12:00 noon, Shohoku Gym, Sabado

Matapos ang practice at 3-on-3 nila na laro, napaupo at pahinga muna ang lahat. "Sarap kumain matapos maglaro." Sambit ni Mitsui habang nakahiga sa gym, gamit ang bag bilang unan. Nakahiga din sina Miyagi at Sakuragi, samantalang nakaupo naman sa bench sina Akagi at Kogure. "May baon ka ba, Mitsui?" Tanong ni Miyagi habang nagce-celphone din gaya nung iba. "Meron naman, kaso tinapay lang. Malamang gugutumin ako nito." Sagot ni Mitsui. Napatingin ang 3-pointer sa tahimik na Sakuragi. "Huy, galaw-galaw diyan boy, baka inatake ka na, ano bang pinagkakaabalahan mo diyan?" Sabay ngisi nito. Napakunot ng noo si Sakuragi. Maya-maya pa ay napabalikwas ng bangon—napaupo siya. Bahagyang nanlaki ang mata at tila nasorpresa sa nakita.

"T-teka, totoo ba to?" Sambit nito. Napatingin lang sakanya ang mga kasama. Sumimangot si Akagi. "Anong problema mo, unggoy?" Natawa si Kogure sa sinabi ni Akagi at umiling. Iniharap ni Sakuragi ang kanyang celphone sa mga kasama na tila nagtataka na naguguluhan ang itsura. "Ina-add ako ni Sendoh sa FB." Tila napatingin at napalapit ang mga kasama sakanya. Maya-maya pa ay napatawa ito ng malakas. "Nyahahah! Siya na mismo ang nag-add sakin, marahil napagtanto niya na mas henyo ako kesa sakanya, nyahaha! Akala mo Sendoh ha, hindi kita basta ia-add!"

"Wushuu, pakipot pa tong unggoy na 'to, kung alam ko lang, kinikilig ka diyan, hahahah!" Biro ni Mitsui. At pabiro pa itong humawak sa dibdib at umarte. "Ano itong nararamdaman ko, lub-dub, lub-dub…mabilis ang tibok ng aking dibdib, nung mabasa ko ang makisig mong pangalan." Wika nito na tila duma-drama.

Napatawa sila Miyagi, Kogure, at Akagi sa kalokohan ni Mitsui at namumula naman sa inis si Sakuragi. "Grr, gago ka talaga Micchy!"

"Siraulo ka talaga Mitsui!" Halakhak ni Miyagi.

"Siyempre, pakyut pa tong unggoy na to, kahit bigyan ka ng saging, hindi ka kyut oy!" Sambit ni Mitsui. Nanggigigil si Sakuragi habang nagaalburuto sa inis sa mga kasama. "Ikaw Micchy, binigyan ka na nga ng bagong ipin, ang sama pa din ng itsura mo, teme!" Si Miyagi naman ay patuloy lang sa paglalaro sa kanyang celphone, at napatawa ito ng hindi tumitingin.

"Haha, add mo lang yan, si Sendoh yan. Inadd niya ako kagabi." Wika nito. Napatingin si Mitsui sa celphone ni Sakuragi at pabirong hinablot ito sa gulat ni Sakuragi—napatayo ang power forward sa inis. "Teme! Micchy, ibalik mo ang celphone ko!" Tawa ng tawa si Mitsui at sinimulan ng biruin ang kasama. "Uyyy, ina-add ka na ni kras baka naman…hahaha!" Napailing si Akagi. "Loko-lokong Mitsui, isip-bata. Ch."

Pero napatingin din si Akagi sa celphone at nagulat ng bahagya nung nakita niya: Sendoh Akira wants to add you as a friend. Napasilip si Kogure at ipinakita ang kanyang celphone. "Mukhang hindi lang naman si Sakuragi ang ina-add niya." Pinindot ni Kogure ang yes button at napakipit-balikat nalang. Napabuntong-hininga nalang si Akagi at ganun din ang ginawa.

Naupo si Miyagi habang natatawa sa mga kalokohan nila Sakuragi at Mitsui sa court. Ayaw pa din ibalik ni Mitsui ang celphone ni Sakuragi. "Teme! Ibalik mo yan Mitsui!"

"Hahaha, i-add mo na, bakit ayaw mo i-add, nahihiya ka ba? Ikaw na nga ang inadd—teka, ako ng pipindot!"

"Ampotah! Ibalik mo yan kung ayaw mong ipin mo ang kunin kong kapalit!" Sigaw ni Sakuragi habang humahabol sa 3-pointer.

"Hahah, ayos lang basta ba mapansin ka ni Sendoh!" At ang lokong 3pointer ay pinindot ang yes. Natawa ito sa gulat ni Sakuragi at naghabulan ang dalawa sa gym. Mabilisang sinendan pa ni Mitsui ng 'message' si Sendoh—mangyari sinendan niya ito ng isang emoji na puso—pagkatapos ay ibinalik ang celphone ka Sakuragi. "Potah ka Mitsui, anung ginawa mo!" Hindi pa napapansin ni Sakuragi ang message. Maya-maya pa ay nagulat nalang ito na biglang may seen sa ilalim ng message niya at nung binuksan niya ito, laking gulat niya nung nag-send din si Sendoh ng message. "Walanghiya ka Micchy! Sumagot si Sendoh!" Tawa ng tawa si Mitsui habang hawak ang tiyan. "Hahaha, anong sabi niya?!" Bumalik sa pagkakaupo ang dalawa at tila nabusy na sa celphone, napatingin na din si Miyagi sa dalawa at tawa sila ng tawa.

Sakuragi Hanamichi: 3

Sendoh Akira: musta, Sakuragi

"Sagutin mo dali, sabihin mo; eto, kumpleto na ang umaga sa pag-message mo! Hahaha!" Sabay hampas ni Mitsui sa likod ng power forward. Siniko ni Sakuragi ng pabiro ang 3-pointer. "Tanungin mo kung ano ang ginagawa niya! Hahah!" Gatong ni Miyagi. "Teme, manahimik kayo, paano ba burahin ang puso na to!"

Sakuragi Hanamichi: HOY SENDOH, HINDI PARA SAYO ANG PUSO

Sendoh Akira: lol, para kanino ba?

Sakuragi Hanamichi: SIKRETO! NYAHAHAH!

Sendoh Akira: sikreto pa talaga, tsk

Sakuragi Hanamichi: HENYO NGA DIBA! NYAHAH!

Sendoh Akira: :)

"Mabura mo man ang puso na yan, alam na ni Sendoh na kras mo siya. Hahaha!" Sambit ni Mitsui at napatingin na din ito sa celphone niya para i-add pabalik din si Sendoh. Nagsend ito ng 'peace sign' sa Ace player ng Ryonan.

Mitsui Hisashi: Musta pre?

Sendoh Akira: Ayos naman.

Sendoh Akira: Aga niyo ah.

Mitsui Hisashi: Siyempre naman, kanina ka pa hinihintay ni Sakuragi

Sendoh Akira: ganun ba, hehe

Samantala, tahimik na nakaupo lang si Rukawa habang nagaayos ng gamit sa may gilid—pero nakita at narinig niya ang lahat sa gym. Panandalian din siyang napatingin sa kanyang celphone ngunit napahinto siya dahil alam naman niya na wala marahil sakanila ang nakakaalam na meron na din siyang FB; sinabi niya na dati pa na wala siyang social media account at tanging email lang ang meron siya. Napatingin siya sa tatlong kasamahan na nagkwe-kwentuhan at napakinig kay Miyagi.

"Bago na ang FB niyang si Sendoh. Nagbura daw siya." Wika nito. Napainom si Mitsui ng tubig. "Lagi ka nalang may chismis, Miyagi." Sambit nito, natawa si Miyagi. "Sa kakilala ko na taga-Ryonan nangagaling ito, diba?" A pause. Napangisi si Mitsui. "Ganun talaga kapag heartbroken, nagiiba ng social media account."

"Sabi pa sakin nung kakilala ko, nagkasalubong daw sa corridor ng Ryonan sila Sendoh, yung ex niya pati yung bagong boyfriend, haha. Wala naman nangyari. Nagkasalubong lang!" Sabay tawa ni Miyagi habang nagkukwento. Napakunot ng noo si Akagi. "Lumipat ka na kaya sa Ryonan, ang dami mong alam!" Nagtawanan sina Kogure, Sakuragi, at Mitsui at napakamot nalang ng ulo si Miyagi. "Captain naman, ikinikuwento lang yun sakin, hahaha! Sadyang close lang kami nitong kaibigan ko, hehe." Pause.

"Walang kwenta, dapat sinapak na ni Sendoh ang lalake." Sabay ismid ni Mitsui habang kumakain ng kanyang baong tinapay. "Ginagaya mo naman si Sendoh sa isang tulad mong basagulero, nyahaha!" Sambit ni Sakuragi. Napalunok ng tinapay si Mitsui at napataas ng kamay. "Ay—sorry na, sorry naman… mahal mo nga pala siya, nakalimutan ko!" Sabay tawa nina Mitsui at Miyagi. Pabirong tinaga ni Sakuragi ang ulo ni Mitsui at ito ay napa-aray sa gulat. "Walanghiya ka, Micchy!"

"Ang sakin lang naman, kapag mahal mo, hindi masamang ipaglaban mo." Sabay ngiti ng 3-pointer. Natawa si Miyagi. "May ipinaglaban ka na ba?" Sabay ngisi nito. Natawa si Sakuragi at napatapik sa likod ni Miyagi. "Ang ipinaglaban nito ay yung pagmamahal niya sa feeling rockstar na nakasandong bodybuilder na si Tetsuo, hahaha!"

Natawa sina Miyagi, pati sina Akagi, Kogure, yung iba at bahagyang natawa din si Rukawa habang nagtatali siya ng kanyang sapatos. Napailing si Rukawa. 'Bodybuilder na rockstar…hn, gunggong.' Namula sa inis at pikon si Mitsui at napaturo kay Sakuragi. "Hoy, Sakuragi!"

"O baket, longhair ka pa nun Micchy, ang ganda kaya ng buhok mo, pang-commercial; ang pogi mo, hehe. Pero mukha ka naman girlfriend ni Tetsuo sa itsura mo. Nyahaha!" Bulyaw ni Sakuragi, masaya na siya naman ang nakakapang-asar.

"Hahaha, ang labo nun Hanamichi ah, maganda na pogi?" Sambit ni Miyagi habang tumatawa. Nangisi nalang si Sakuragi. "Leche! Isa ka pa kulot!" Sigaw ni Mitsui na namumula sa hiya. "Magandang lalake lang talaga ako." Dagdag ni Mitsui.

Napatawa nalang sina Miyagi at Sakuragi. "Kung magandang lalake ka, ano nalang si Rukawa? Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya, hehe!" Wika ni Miyagi habang tumatayo na at nahahanda na sa practice ulet.

"Bulag ang mga babae na yun! Walang taste. Tch, mga mabababaw, nyahaha!" Sigaw ni Sakuragi. Natawa si Mitsui at tumingin sa tahimik na kasama. Napansin niya na nakabihis na si Rukawa at ngumiwi nalang ito.

"Maraming bagay na pwedeng ipaglaban, pero hindi lahat ay pwede mong ipagpilitan. Tapos na ang pahinga, eto ang ipaglaban niyo, ang Inter High, tara na, practice na!" Bulyaw ni Akagi.

Natahimik sila. Napakurap si Rukawa. Maya-maya pa ay…

"Grabe, Captain! Hahaha!" Wika ni Miyagi habang gulat na gulat sa narinig.

"…" Napatawa ng bahagya si Rukawa at napailing. 'Grabe, mukhang may pinagdaanan na malupit itong si Gori ah.' Sambit nito sa sarili.

"Patay tayo diyan Akagi, saan ka na naman ba nanggagaling." Sabay tawa ng malumanay ni Kogure.

"Nyahahaha! Iba ka talaga, Gori! Apir tayo diyan!" Bulyaw ni Sakuragi.

"Ang lakas mo Akagi!" Sambit ni Mitsui. "Pero mas malakas ang kabit ng pustiso ko, hahaha! Hindi ito malalaglag." Biro ni Mitsui.

Napatango nalang si Akagi at natawa ng kaunti sa sarili; at maya-maya pay kanya-kanyang tayo at stretch na silang lahat sa court. May kinukuha pa sana si Akagi nung napatingin siya sa gilid niya sa pagtawag sa kanyang pangalan.

"Captain." Simula ni Rukawa. Nakahawak na ito sa kanyang bag-strap, nakasuot na ulet ng kanyang gray na jogging pants at puting crew neck shirt na may logo sa gilid. Napatingin si Akagi. "O, Rukawa?" Sambit nito. Tumango lang si Rukawa. "Captain, kelangan ko lang umalis ngayon…" Sambit nito. Pause. Medyo nagulat si Akagi, bihirang umalis ng practice si Rukawa; bahagyang napatingin siya dito at napansin na tila nga na may lakad ito. "O baket, may ipaglalaban ka din… hmm, osige." Tumango si Rukawa at natawa ng bahagya sa sinabi ng senior. "Salamat Captain at… babawi ako sa Lunes." Wika nito.

Napatingin nalang si Akagi sa papaalis na Rukawa, bitbit ang bag na isinukbit na sa kanyang katawan, naglakad na ito papalayo.

"Boy! San ang punta mo! Hoy!" Sigaw ni Mitsui.

"Nyahahha! Tamad mag-practice, hindi bale, hindi ka naman kakulangan sa team!" Bulyaw ni Sakuragi.

"Mukhang may date ang small forward natin ah! Hehe!" Sambit ni Miyagi. "Kamusta mo kami sa girlfriend mo." Sigaw ni Miyagi.

"Potah, walang kasintahan yan, baka boypren! Nyahaha!" Sigaw ni Sakuragi. Natawa si Miyagi at si Mitsui. "Eh diba ikaw yung may boypren? Si Sendoh diba? Hahahah!"

"Hahaha, alam ba ni Sendoh na boypren mo siya? Kulang pa tlaga ng letrang D." Gatong ni Miyagi.

"Gago ka talaga Mitsui! Isa ka pa Ryota! Si Rukawa dapat ang inaasar niyo kay Sendoh! Tae kayo!" Pikon na sambit ni Sakuragi. Natawa nalang si Miyagi at Mitsui, natutuwang asarin ang kanilang power forward.

Tumingin lang si Rukawa sa mga malolokong kasamahan, napangiwi at napakipit-balikat. Gusto sana niyang sabihin na kapatid niya ang kasama niya ngunit hindi naman niya nagawa.

XXX

1:00 PM, Sabado, Kanagawa Mall

Napaupo si Rukawa sa isang coffee shop na usapan nila ng kanyang ate. Pinatong niya ang bag sa ibabaw ng lamesa at inilabas ang celphone. At gaya ng inaasahan, marami ang tao sa mall dahil Sabado. Lingid sa kaalaaman ng binata, pinagtitinginan na siya ng mga tao dun dahil na din sa kanyang makatawag-pansin na itsura at tangkad.

Napabuntong hininga si Rukawa at napilitang itext ang kapatid. Ate, asan ka na? -Kaede R.

Napabukas ng social media account si Rukawa at napatingin sa kanyang boring na profile. Napa-browse sa mga pages na fina-follow niya at napapabasa sa mga article at news na nakikita niya. Sampung-minuto pa ang lumipas at tila nakakaramdam na siya ng gutom. Hindi pa din nagre-reply ang kanyang kapatid. Napatingin si Rukawa sa paligid at sa counter; iniisip niyang umorder nalang sana ngunit isa itong coffee shop at ang gusto niya sana ay yung tunay na pagkaing nakakabusog.

Napahikab si Rukawa at nagbabadyang aantukin na sana nang biglang tumunog ang kanyang celphone. Napabasa siya at nakita na ang mensahe ay sa kapatid. Andito na ako, malapit na. -Kaoru R.

At maya-maya nga ay may tumapik na sa likod niya, napatingin siya at nakita ang kapatid na nakapantalon at stripes na tshirt na may maliit na backpack sa likod. Hindi niya napansin ang sabay-sabay na panghihinayang ng mga babaeng nakatitig sakanya nung nakita nilang nilapitan siya ng isang tila maganda ding babae.

"Kanina ka pa?" Sambit ni Kaoru at naupo ito sa harap ng kapatid, ngumisi. Tumango lang si Rukawa. Natawa si Kaoru. "Neknek mo, pakiramdam ko kadarating mo lang." Napaismid nalang si Rukawa.

"Nagugutom ka na ba? Kain muna tayo bago ako tumingin? May sasabihin pala ako sayo, super good news ito!" Excited na wika ni Kaoru.

Napatango nalang si Rukawa at tila napukaw ang kanyang interest sa sinabi ng kapatid, himalang biniro niya ito. "Mag-aasawa ka na?" Sambit nito—nagulat si Kaoru at natawa pero after niyang hampasin ang matangkad na kapatid. Itinaas lang ni Rukawa ang bag in defense at nanatili ang kanyang poker face.

"Hahaha, gago ka talaga Kaede. Excuse me, hindi pa no. Magtapos ka muna ng college para makapag-asawa na ako!" At tumayo na ang dalawang matangkad na Rukawa at lumabas sa coffee shop, habang sinusundan sila ng tingin ng mga babae at lalake sa kanilang paligid. Napakapit si Kaoru sa kaliwang braso ng kapatid—isang usual na gesture ng ate sa kanyang nakakabatang kapatid. "Saan mo gustong kumain? Bilis, excited talaga ako ibalita sayo." Sabay ngisi nito. Napairap nalang si Rukawa. "Bahala ka, kahit saan."

At napag-desisyunan nilang kumain sa isang Thai restaurant. Umorder na sila at naghihintay nalamang sa pagkain. Nagce-celphone lang si Rukawa. Biniro siya ng kanyang ate. "Kung makatitig ka sa celphone mo para namang ang dami mong kaibigan." Sambit nito. Napaismid nalang si Rukawa at kipit-balikat. Ibinaba ang celphone at tumingin sa kapatid. "Libre mo ba ito?" Wika ni Rukawa at napahigop siya ng iced tea. Tumango lang si Kaoru. "Oo naman, lagi naman diba." At ngumiti nalang ito sa kapatid.

"Ano yung sasabihin mo?" Tanong ni Kaede. Napapa-palakpak pa ng mahina ang kanyang kapatid, kaya napakunot lang ng noo ang rookie, tila masayang-masaya ang kanyang ate. "Tumawag si Daddy sakin kagabi, tulog ka na, alam mo ang sabi niya?" Sambit nito at nambitin pa talaga. Napakunot lang ng noo si Rukawa, surprised dahil tumawag pala ang kanilang ama pero hindi na niya naabutan, pero naasar din sa pagbitin ng kapatid sa kanya. "Sabihin mo na." Maikling wika nito.

"Wala ka talagang kwenta, ganyan ka ba mamilit?" Sabay tawa ng ate. "Pilitin mo pa ako, hahaha!" Biro ng kanyang kapatid habang natatawa. Napairap nalang si Rukawa sa dami ng arte ng kanyang kapatid at umiling nalamang ito. "Wag mo ng sabihin, sayo nalang." Sambit nito. Natawa si Kaoru sa reaction ng kapatid at nakitang bumalik nalang ito sa pagce-celphone.

"Ewan ko sayo Kaede, nung nagsabog ata ng walang kwenta, ikaw lang ang nakatayo." Sabay tawa ng kapatid. Hindi kumibo si Rukawa. "Anyway, sabi ni Daddy, bibili na daw niya ako ng kotse! May kotse na tayo! Yehey! Excited na ko, tumingin tayo ngayun after ko maghanap ng grocery, ayos ba?"

Nagulat si Rukawa sa sinabi at napakurap—napatitig sa kapatid. Tila nakaramdam din siya ng pagka-surpresa, at excitement. Masaya siya para sa kanyang kapatid. Alam naman niya na dati pa itong nagiipon ng pang-downpayment sa sasakyan at deserve naman ito ng kanyang ate. Napangiti siya sa kanyang ate at nag-apir ang dalawang Rukawa. "Ayos yan, ate. Masaya ako para sayo." Sambit nito. Natawa nalang si Kaoru. "Hindi halatang masaya ka, hahaha!"

"Yehey. Ang saya. Grabe. Ang saya." Sambit ni Kaede na labis ikinahalakhak ng kanyang ate. Napapunas ito ng luha sa kakatawa, naaliw sa sarcasm ng kanyang kapatid.

Napatawa nalang ng bahagya si Rukawa at napailing. Deep inside, tila napaisip na din siya sa kung ano ang pwedeng maging unang sasakyan ng kanyang kapatid. For some reason, sumagi sa isip niya ang Corolla? na kotse…

Maya-maya pa ay dumating na ang kanilang pagkain at kumain na ang dalawa with occasional kwentuhan regarding sa mga random na topic, pero mas palagi sa sasakyan. Matapos kumain, naglakad-lakad sila at nagsimula ng mag-canvass ng mga laruan at bibilhin para sa medical mission. Nagsimula ng bilhin ni Kaoru ang ilang mga laruan para sa 25 na bata.

Maya-maya pa ay nagaya ito na tumingin-tingin sa may department store ng mga damit. Napahikab si Rukawa at naisipang umupo muna habang ang kapatid ay ikot ng ikot sa mall. Napatitig siya sa mga taong tila walang pagod sa kakaikot at napasandal sa upuan habang hawak ang bag. Napahikab siya nakaramdam na muli ng pagkaantok; papikit na sana si Rukawa nung napatingin siya sa bandang kaliwa niya; nakita niya ang isang sportswear brand; Converse?.

Tila napakurap siya at napakamot ng mata gamit ang kamay—tila may naalala siyang isang kakilala na sinabi ang brand na iyon sakanya. For some unknown reason, napatayo lang si Rukawa out of curiosity at napalapit sa kung asan ang nasabing shop. Maya-maya pa ay dala-dalawa pang saleslady ang naguunahan upang siya ay kausapin.

Nalibang si Rukawa kakatingin ng mga damit, sapatos, at kung ano-ano sa brand; hindi pinapansin ang mga sunod ng sunod sa kanyang saleslady. May nakita siyang isang mannequin na nakabihis ng isang navy blue na tshirt at napatingin siya dito. "Bago namin na design yan, kakalabas lang. Anong size mo?" Sabay tawa nung isang saleslady na namumula pa ang mukha at kinikilig sa kasama niya. "Naku, babagay yan sayo kasi maputi ka naman…"

Maputi. Ako? Napaisip si Rukawa sa narinig niya… tila marami nga ang nagsasabi sakanya na ganun, at ang recent na nagsabi nun sakanya ay isang ka-rival sa sport na nilalaro niya mula sa isang eskwela. Minsan hindi niya lubos maunawaan kung bakit ba kailangan sabihin pa ng iba ang pisikal na kaanyuhan ng isang tao… may mga bagay na para kay Rukawa ay sadyang mababaw lang at hindi naman niya alintana. Napahawak siya sa tela ng tshirt at napatingin sa presyo.

'Tch, mahal naman nito.' Sambit nito sa sarili at napangiwi nalang siya. "Gusto mo ba yan?" Isang boses. Napalingon si Rukawa sa likod niya at napatingin sa pamilyar na mukha ng kapatid. Tila naglaho ang saya sa mga bibig at mata ng dalawang saleslady nung nakita nila na may babae na matangkad at maganda din ang lumapit. Napaismid lang si Rukawa at napakamot ng ulo. Natawa si Kaoru. "Ano, gusto mo ba? Bilisan mo, bago magbago ako ng isip."

Napatingin si Rukawa sa Tshirt at tila napapaisip. At hindi din niya lubos maintindihan kung bakit nga ba.

XXX

4:30 PM, Sabado, Kanagawa Mall

"Hindi ko nagustuhan yung palabas, malas. Sayang pera." Sambit ni Koshino. Magkakasamang lumabas ng movie house sina Koshino, Fukuda, Hikoichi, at Sendoh. May pinanood silang isang thriller movie at ngayon ay tapos na. Natawa nalang sina Hikoichi at Sendoh sa sinabi ni Koshino. "Ikaw ang namili kaya, Koshino-senpai." Wika ni Hikoichi. Napaismid nalang si Koshino at napahinto silang apat sa isang corner upang pagusapan ang susunod nilang plano. Napasandal lang si Sendoh sa pader na nasa likod niya at napatingin sa mga kasama.

"O, ano na, uwian na ba?" Sabay ngiti nito. Napakipit-balikat lang si Koshino. "Aga pa kaya! Pwede pa nga tayo manood pa ulet." Biro nito. "O ano, isang panget na pelikula pa ulet?" Natawa nalang silang apat. Napailing nalang si Sendoh at napalakad. "Hoy Sendoh, saan ka pupunta?" Wika ni Koshino at napasunod nalang din silang tatlo. Napalingon lang si Sendoh sa mga kasama at napakipit-balikat. "Hindi ko din alam, bahala na. Basta maglakad nalang tayo." Sabay ngisi nito. At yun nga ang ginawa ng apat, occasionally na nagkwen-kwentuhan.

Pumapasok sila occasionally sa mga boutique ng sapatos, sports apparel, music shop at kung ano-ano lang, pampalipas lang ba ng oras. May nakita sina Koshino at Fukuda at mabibilis itong nakabili. Nung minsang napapasok sila sa isang gift item shop na tila puro babae lang naman ang namimili, halatang dumoble ang dami ng mga babae kung asan nakatayo si Sendoh at napapatingin sa mga maliliit na item. May ilan pa ngang naglakas ng loob na magpa-picture sakanya ngunit hinarang ito ni Koshino at hinila na ang kasama papalabas. Natatawa nalang si Fukuda habang napapatingin at nago-observe sa kanilang Captain.

Samantala…

"Ang daming tao, nakakayamot." Sambit ni Mitsui habang napapakamot ng ulo. Nagpasya sila na dumaan sa mall pagkatapos ng practice upang mag-ikot at magtingin lang ba. "Magtaka ka kung madaming hayop, hehe." Wika ni Sakuragi habang naka-akbay sa yamot na 3-pointer. "O, saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Miyagi.

"Akala ko ba may titingnan itong si Micchy." Sambit ni Sakuragi. Napatapik nalang ng kamay si Mitsui sa mga braso ni Sakuragi na komportableng nakapatong sa kanya. "Meron nga, dun tayo sa sports apparel, titingin ako ng bagong wrap sa tuhod ko." Nagtawanan ang dalawa at napaismid nalang si Mitsui sa pikon.

"Hahaha, mahirap talaga kapag matanda na." Wika ni Ryota

"Dito po tayo, angkong. Dahan-dahan po sa paglakad, angkong." Sambit ni Sakuragi at napa-aray nalang siya nung sinuntok siya ni Mitsui sa tagiliran. "Nyahaha—aray ko Micchy!"

"O teka, isang picture lang muna." Itinaas ni Miyagi ang celphone upang kumuha sana ng selfie—sumingit sa camera sina Mitsui at Sakuragi, mga nakangisi at naka-peace sign pa ang kamay. "Bilisan mo, nakakangawit ngumiti!" Reklamo ni Mitsui.

"T-teka, natatawa ako sa itsura natin…" Sambit ni Miyagi. Hinablot ni Sakuragi ang celphone at siya na mismo ang nagtaas ng celphone. "Anak ng, ang ikli naman kasi ng mga kamay mo, kulot. O eto na… 1,2, 3…!"

"Ayos! Tag niyo ko ha!" Sambit ni Mitsui.

"Ang pogi ko diyan, nyahaha."

"Oo na, ipo-post ko na agad." Wika ni Miyagi. Pinost ni Miyagi ang picture nilang tatlo na may caption pa. Tuhod ni angkong—with Hanamichi Sakuragi and Hisashi Mitsui at Kanagawa Mall.

Nagtawanan ang dalawa sa inis ni Mitsui at napailing nalang ang 3-pointer ngunit pinabayaan nalang niya ang nai-post na. Matapos ang mga kulitan nila ay naglakad na sila upang hanapin ang knee wrap ni Mitsui at napunta sa isang magandang sports apparel na brand at tila mga batang nabigyan ng masarap na pagkain nagkanya-kanya sila ng tingin ng sapatos, damit, bag, at kung ano-ano pa. Matapos makabili ni Mitsui ay nagpasiya sila na mag-early dinner na tutal 5:30pm na din at mukhang gagabihin na sila ng uwi.

Habang naglalakad at naghahanap ng makakainan, saktong napadaan sila sa isang tila mini exhibit ng mga Japanese artists; marami ang umiikot para tingnan ang mga magagandang likha ng mga kilalang artists—paintings, crafts, etc. For some reason, napadpad din ang mga paa nila doon at tila namangha sa mga nakikita, hindi napigilan nila Mitsui na kumuha ng litrato ng mga naka-display na arts and crafts. Tila nakuha naman ang attention ni Sakuragi sa isang naka-display na mga lumang damit ng mga samurai at mga katana na naka-enclosed pa sa isang salamin. Napatingin siya dito at napangiti, tila sumagi ang alaala ng kanyang namayapang ama—mahilig sa samurai movies ang kanyang mahal na ama kaya naman napangiti siya nung makita niya ito.

Sakto naman na kukuha sana siya ng selfie at gagawing background ang samurai apparel nang biglang nakita ito ni Mitsui. Lumapit agad ang 3pointer. "Ako na, tumayo ka na diyan, boy." Sabay ngiti nito sa first-year. Naalala niya nung minsan na nakapagkwentuhan sila at nabanggit ni Sakuragi ang isang bahagi ng kanyang personal na buhay tungkol sa ama nito at ang hilig nilang manood ng mga samurai films. Saktong inaayos ni Mitsui ang settings ng celphone ni Sakuragi habang nakangisi naman na parang bata si Sakuragi.

"Nyaha, naks naman Micchy, ambait…"

"Umayos ka boy, o ano, ready ka na ba, ayusin mo tayo mo." Saktong itinaas na ni Mitsui ang celphone, ngumiti na din si Sakuragi at saktong naka-peace sign pa… pipindutin na din dapat ni Mitsui ang shutter ng biglang pabirong may sumingit sa gilid ni Sakuragi sa gulat ni Mitsui.

Saktong pabirong tumabi si Sendoh nung nakita niya na kukunan na ni Mitsui si Sakuragi ng picture—pabiro itong sumingit at nakangiti pa habang nakabulsa ang mga kamay sa pantalon.

"Anak ng!" Bulyaw ni Sakuragi. Nagulat siya at napatingin sa katabi. Tawa ng tawa si Mitsui sa galak habang tumuturo at napapalakpak pa. "Yown! Whohoo! Tangina, nakakakilig, hahaha!" Lumapit si Miyagi sa gulat at natatawa.

"Gago ka Micchy!"

"Hahaha, tadhana yan boy! Ano ka ba, andiyan si kras, nakanang!" Sambit ni Mitsui.

"Walanghiya, anung ginagawa mo dito! Sendoh!" Bulyaw ni Sakuragi. Napatingin sina Mitsui, Sakuragi at Miyagi na biglang napalapit at nakitang andun sina Fukuda, Koshino, at Hikoichi na nakatingin lang din sakanila.

"Team Ryonan! Aba, kamusta. Nakakagulat naman at andito kayo!" Wika ni Miyagi. Napatango lang si Sendoh kay Miyagi at ngiti. "Kamusta?" Napatingin siya kay Sakuragi. "Sorry na Sakuragi, sige mag-picture ka na muna." Sabay ngisi ng Ace player.

Napangiwi nalang sa inis si Sakuragi sa tuwa ni Mitsui. "Dalawa nalang kayo para mas okay! Hahaha!" Napakunot ng noo at iling nalang si Koshino. "Paano namin nalaman na andito din kayo, eh, nakita nitong si Sendoh ang post mo, Miyagi." Paliwanag ni Koshino. Napatango nalang si Miyagi at tawa. "Ah ganun ba."

"Bilis na…sumama ka na Sendoh!" Pamimilit ni Mitsui. Nabwisit si Sakuragi at tinangkang kukunin ang celphone ka Mitsui. Natawa nalang si Sendoh at napailing. "Hindi na, haha, ayos lang." Sabay tango nito at ngiti.

"Teme, paano mo nalaman andito ang henyo?" Sambit ni Sakuragi nung nakuha niya ang kanyang celphone. Napakamot ng ulo si Miyagi. "Bingi ka ba, hindi mo ba narinig ang sinabi ha, Sakuragi?"

"Hindi naman mahirap tukuyin ang pula mong ulo, Sakuragi—kahit malayo, alam kong ikaw yan." Sabay ngisi ni Sendoh habang nakaturo sa buhok ni Hanamichi. "Hanep, nakakakilig. Siyempre Miyagi, naghahanap ng ibang dahilan itong si Sakuragi, dapat yung galing daw mismo kay Sendoh, hahaha!"

Nagulat si Sakuragi at tila nakaramdam ng pag-init ng tenga. Natawa si Mitsui at napalapit. "Nakanang naman… tuwang-tuwa yan Sendoh sa sinabi mo, hahaha, kinikilig ang unggoy namin, ayii—arayy!"

"Gago ka talaga Mitsui!" At ni-wrestling ni Sakuragi si Mitsui. Natawa nalang ang mga taga-Ryonan. Napangisi lang si Sendoh at napailing, napatingin kay Miyagi. "Loko tlaga itong si Mitsui, kamusta naman, Miyagi?" Tumango lang si Ryota. "Ayos lang, eto katatapos lang mag-practice."

Sumimangot si Koshino at tila umiikot ang mata. Napansin agad na tila tatlo lang ang mga taga-Shohoku. "Mukhang hindi kayo kumpleto ah." Sambit ni Sendoh habang nakabulsa ang dalawang kamay sa kanyang faded denim jeans. For some reason, mabilis niyang natukoy kung sino kagad ang wala sa grupo ng mga Shohoku.

"Ah… naku, kung si Rukawa ang tinutukoy mo, maaga siyang umalis sa practice namin." Sabay ngiti ni Miyagi. Natigil sa kulitan sina Sakuragi at Mitsui. "Teme, anong pinagsasabi mo diyan Sendoh, kumpleto kami!"

"Oo nga, ano bang pinagsasabi mo diyan Sendoh, kumpleto na siya nung nakita ka niya. Hahaha!" Resbak ni Mitsui. Namula sa inis si Sakuragi at nagtawanan lang sila. "Walanghiya ka Mitsui! Teme, umalis ang kolokoy na yun ng maaga, ang tamad mag-practice, nyahaha!"

"Mukhang may date, nakabihis pa eh." Sambit ni Miyagi. Nakikinig lang sa mga kwentuhan sina Fukuda at Hikoichi. Napakurap lang si Sendoh—tila nasurpresa sa mga sinabi ng kasamahan ni Rukawa. 'Ah tlaga? Umalis siya ng maaga…parang wala sa personalidad niya na hindi siya magpa-practice…' At tila natigilan siya nung naalala niya na magkikita nga pala sila kinabukasan para sa isang practice game at kinakailangan na siya ay naka-uniform dahil yun ang hamon sa kanya. Natawa nalang si Sendoh at napakamot sa batok.

'Date? Wow, mukhang hindi ko pa nga siya kilala.' Napaisip si Sendoh kung bakit tila hindi niya naisip na possible ba nakikipag-date or marunong makipag-date si Rukawa, ang alam niya sa mas batang player ay adik ito sa paglalaro ng basketball. Yun lang. At the further back of his mind, napaisip siya kung sino ang ka-date ng rookie ng Shohoku. 'Date… aba, hindi niya nabanggit yun sakin ah.' Nasambit ni Sendoh sa sarili at tila ba, nagtaka din siya kung bakit naman niya ito naisip.

"Date?! Hindi ko ata alam yan ah, uwaahh, kelangan ko atang i-update ang listahan ko." Sambit ni Hikoichi. "Hehe, i-update mo na ngayun bata, ilagay mo transferred na sa ibang school si Rukawa. Tinanggal na namin siya sa koponan, nyahaha!" Sambit ni Sakuragi.

"Baka ikaw ang sipain nila." Biglang singit ni Fukuda. Narinig ni Sakuragi ang insult ng power forward ng Ryonan at tinangkang lapitan ito upang inisin ngunit hindi naman nagpatinag si Fukuda. "Teme, may sinasabi ka ba, Fukuda?! At andito ka pala, akala ko istatwa ka lang diyan."

"Mas mukha kang istatwa." Sambit ni Fukuda—saktong magrarambulan na naman ang dalawa nung napigilan ng mga kasama-pumagitna si Sendoh at tumingin sa Shohoku.

"Saan kayo ngayon?" Tanong nito. Napakipit-balikat lang si Mitsui. "Wala naman boy, kakain lang sana ng dinner. Tapos baka uuwi na din, napadaan lang talaga kami." Sabay ngiti ni Mitsui. Tumango lang si Sendoh at maya-maya pa ay napagkasunduan nila na sabay-sabay nalang humanap ng pwedeng makainan.

XXX

Sabado, Kanagawa Mall, 6:00 PM

Nakaupo sa isang bench habang naghahantay ng taxi ang magkapatid na Rukawa, may mga bitbit silang plastic at paper bag sa parehas nilang kamay. Napahikab si Kaoru. "Haay naku, kelangan talagang magka-sasakyan na tayo, para hindi na ganito. Hindi naman kumibo ang rookie at tila nakatulala lang habang nakasandal sa upuan at hawak ang ilang pinamili. Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw niya masyadong lumalabas at pumupunta ng mall. "Sa online ka nalang muna tumingin." Sambit nito sa kanyang ate. "Ano pa nga ba? Nakakatamad na kung de-derecho pa tayo sa may car boutique." Napabuntong-hininga si Kaoru at tiningnan ang kapatid na nakapikit habang nakasandal. Siniko niya ito.

"Huy, wag kang tutulog-tulog diyan." Napadilat si Rukawa, at nagkamot ng mukha. "Nagugutom ako, ate." Wika nito. Napatango nalang si Kaoru at nagpasiyang tumayo. "Tara, hindi tayo agad makakasakay, magkape na muna tayo, bilis!" Tumango nalang din si Rukawa at tumayo, sumunod sa kapatid at napahikab habang naglalakad.

Samantala…

Masayang nagkwe-kwentuhan ang pitong magkakasama habang kumakain sa isang Japanese ramen food hub, nagkakalokohan from time to time dahil sinadyang magtabi nina Mitsui, Miyagi, at Fukuda upang ma- no choice si Sakuragi at mapaupo sa tabi ni Sendoh na nakapagitna sa kanila ni Koshino. Magkahalong inis at pikon ang nararamdaman ni Sakuragi at lalo lang siya nabo-bother dahil nakikisakay paminsan ng biro pa itong si Sendoh sa kanyang inis.

Pinakita ni Miyagi kina Hikoichi ang roster ng team na makakalaban nila sa IH. "Uwaah, malalakas na koponan ang napasama sa block niyo! Kilala ang mga team na ito dahil makailang beses na din sila nakapasok sa IH." Wika nito. Napatingin din si Sendoh sa pinagpasahang celphone ni Miyagi. Napatitig siya sa isang particular team. Sannoh. Tila napapaisip kung may kilala ba siyang taga-Sannoh; ang alam niya ay meron isang player na ubod ng husay ngunit hindi lang niya lubos maalala ang pangalan.

"Hoy Sendoh, mukhang malalim ang pagtitig mo diyan sa team blockings ah, sino bang iniisip mo? Tatalunin ng Shohoku lahat yan, nyahaha!" Sambit ni Sakuragi nung makita niyang nakakatitig si Sendoh sa team blockings ng nalalapit na IH.

Napalingon si Sendoh sa kanyang kaliwa sa gulat ni Sakuragi at napangiti. "Ikaw. Ikaw ang iniisip ko." Sabay ngisi nito sa power forward. Parang kamatis na namula si Sakuragi at sa inis ay hindi napigilang kutusan ang Ace player ng Ryonan. Natawa nalang si Sendoh habang inaalis ang kamay sa magulo niyang buhok. Halos maubo sa kakatawa si Mitsui, kumakain pa siya ng ramen nung sinabi yun ni Sendoh kaya halos maibuga niya nung narinig niyang magbiro si Sendoh.

"Hahahaha! Pucha, para akong nanonood ng drama, nakaka-inlab!" Sambit nito habang nagpupunas ng luha kakatawa.

"Loko ka Mitsui, pati si Sendoh dinadamay mo, hahaha." Wika ni Miyagi.

Napasimangot naman si Koshino at tila nababahala na. "Hoy Sakuragi, may gusto ka ba talaga kay Sendoh?" Nanaihimik ang table. Napakurap si Sendoh sa tanong ni Koshino at napatingin ito sa kakampi. Tila parang nabuhusan naman ng malamig na tubig si Sakuragi, naramdaman niya ang pag-init ng kanyang tenga, ngunit nakaramdam din siya ng galit. Napatikom ang kanyang kamay at tila sasabog sa inis.

"K…K'so… teme! Isa ka pa…. sino ka ba… mula ngayon, wag ka nang maglalakad ng mag-isa…" Banta nito habang tulis na tulis ang titig kay Koshino na kinabahan at napa-atras habang nagagalit. "Hoy, nagtatanong lang ako, wag kang magbanta diyan! Isusumbong kita kapag may nangyari sakin!"

Nagtawanan nalang ang iba sa table at napapatingin nalang ang ibang tao sakanila dahil sa ingay din nila. "Relax ka lang, masyado ka naman seryoso, nagbibiruan lang kami." Wika ni Mitsui, sabay kindat sa high-blood na player. Nagulat si Koshino sa ginawa ni Mitsui at napahampas sa lamesa sabay turo. "H-hoy, isa ka pa, bakit mo ko kinindatan, sino ka para kumindat!" Pikon na wika ni Koshino habang namumula sa hiya at inis.

"Hindi ka niya kinindatan, kirat lang talaga yang isang mata ni Mitsui, hahaha!" Biro ni Ryota at muling nag-ingay ang kanilang table sa mga kalokohan nila.

"Walanghiya ka Miyagi!" Sambit ni Mitsui.

"Nyahaha, mag-ingat ka, pumapatol yan kahit bodybuilder ka pa na rockstar, hahaha!" Bulyaw ni Sakuragi. Napaismid nalang si Fukuda. "May gusto ka pala kay Sendoh ha." Sabay ngisi nito sa kapwa power forward.
Tumigil ka Fukuda! Kung ayaw mong alisin ko yang dreadlocks mo!" Banta ni Sakuragi. Umismid muli si Fukuda. "Bakit ka napipikon, baka totoo." Sabay ngisi nito. Natawa nalang si Sendoh at napailing sa mga kalokohan na naririnig niya. "Tumigil na kayo, malapit nako maniwala na may gusto si Sakuragi sakin." Napatahimik sila at nagtawanan ng malakas sa sinabi mismo ni Sendoh.

"Hoy, teme kang Sendoh ka…may-nagma-mayari na ng puso ko-?!" Bulyaw ni Sakuragi.

"Ako ba?" Pagbibiro ni Sendoh at halos mamatay sina Mitsui sa kakatawa. Siniko siya ni Miyagi. "Gago ka Mitsui, baka nga maniwala si Sendoh, hahaha, patay tayo diyan." Nag-peace sign nalang si Sendoh nung nakita niyang handa na siyang sapakin ni Sakuragi. "Pabayaan mo sila Miyagi, hahaha, sana nga maging mag-boypren sila!" Napailing nalang si Miyagi.

"Hoy, tantanan mo yang pagbibiro mo, Sendoh!" Singit ni Koshino na tila nag-aalala.

"Weh, sumisingit naman itong isa, nagseselos ka ba?" Biro ni Mitsui.

"Hoy Mitsui, isa ka pa, tumigil ka na nga kakabiro sa Ace player namin!" Sigaw ni Koshino sa 3pointer.

"Tuksuhin mo din daw kasi siya." Sambit ni Fukuda sa gulat nina Mitsui at Koshino. "Traydor ka tlaga, Fukuda!" Sigaw ni Koshino sa inis. At nagtawanan nalang sila. "Teme ka Sendoh, kung satingin mo malakas sumapak si Rukawa, hintayin mong dumapo ang kamao ko sa maangas mong mukha! Nyahaha!"

Nagpatuloy pa ng 30-minuto ang kaokohan at ingay nila bago sila tumayo lahat at nag-decide na na magpaalam sa isat-isa.

XXX

Sa parking lot ng mall… Sabado, 8:30 PM

Binukas na ni Sendoh ang sasakyan at pumasok na sa loob sina Koshino at Fukuda. Napatingin si Sendoh kay Hikoichi. "Hikoichi, sigurado ka bang may susundo sayo?" Tanong ni Sendoh na may bahid ng pagaalala, mangyaring, freshman palang naman ni si Hikoichi. Tumango lang si Hikoichi at ngumiti. "Oo naman senpai, wag kang mag-alala, andito din kasi ate ko, nagtext na siya na sabay nalang kami." Tumango si Sendoh at ngumiti—maya-maya pa, sila ay napatingin nung may sumisigaw at tila bumubusina pa sakanila, napatingin sila at nakita nila ang isang pulang SUV na 5-seater, mga nakabukas ang bintana at ang nagmamaneho ay walang iba kung hindi si Mitsui!

Nagulat ng bahagya sina Sendoh nung huminto ang sasakyan ni Mitsui sa harap nila. Nasa likod si Sakuragi at sa harap naman nakaupo si Miyagi. Tumango si Mitsui. "Saan na tayo? Maaga pa, pwede pang uminom, hahaha!" Sigaw ni Mitsui.

Napakunot ng noo si Koshino. "Hindi ko inakalang nagmamaneho na din pala itong si Mitsui." Sambit ni Koshino. Lumapit si Sendoh sa driver's window at ngumiti. "Sayo to, Mitsui?" Tumango si Mitsui. "Sa erpats ko, pero parang sakin na din, hahaha." Napatingin sa kotse ni Sendoh; "Ganda ng sasakyan mo ah, sports edition yan ah, XSE?"

Nagkipit-balikat lang si Sendoh. "Sa kuya ko yan." Nagulat sina Mitsui at Miyagi sa impormasyon.

"Aba, may kuya ka pala, Sendoh. Nyahaha." Bulyaw ni Sakuragi sa likod habang nakaupo at nagce-celphone. Lumapit si Sendoh sa salamin at biniro ang power forward. "Tara, pakilala kita, gusto mo?" Sabay ngisi ng Ace player. Nagtawanan na naman silang lahat at sa pikon ni Sakuragi ay napatikom lang siya ng kamao at napasigaw na naman sa inis. "Gago ka rin Sendoh! Teme!"

"Hahaha, seryoso na ang usapan ah!" Sambit ni Miyagi.

Tumawa nalang si Sendoh at nag-peace sign. "Sorry na Sakuragi, ito kasing senpai mo ang kulet." Sabay tingin kay Mitsui. Natawa nalang si Mitsui at hindi na kumibo pa. "O, eh yung isa, bakit hindi pa sumakay?" Tumingin si Sendoh kay Hikoichi na nagtetext. "Andito daw ate niya, susunduin siya, medyo hinihintay lang namin." Tumango lang sina Mitsui at maya-maya pa ay may isang sasakyan din na nakailaw na ang headlight at bumusina.

"Hikoichi Aida!" Sigaw ng isang boses ng babae, kumakaway ito sa nakabukas na bintana ng kotse. Napatingin si Hikoichi Yayoi, isang sports journalist at kapatid ni Hikoichi nung napansin niya na tila parang si Sendoh Akira ang nakatayo at tila may kausap sa sasakyan na nasa harap niya. Lumaki ang kanyang mga mata at napangiti. Dali-dali itong bumaba ng sasakyan.

"Ikaw ba yan, Sendoh?! Sendoh-kun!" Sabay tawa nito sa galak at ngiti nung nakita nga ang kanyang hinahangaang player. Napakaway nalang si Sendoh at tango. Napatingin si Mitsui sa kanyang side mirror at ngiti. "Hindi lang pala lalake ang humahabol sayo, pati mas matanda, hahaha. Iba ka, lakas mo." Sabay suntok nito ng pabiro sa Ace player.

"Ang tawag diyan… alindog." Sabat ni Miyagi at nagtawanan silang lahat. Natawa si Sendoh at napailing habang nagkakamot ng ulo. "Gago kayo…Mitsui, nakakarami ka na sakin ah." Nagtawanan lang sina Miyagi, Sakuragi at Mitsui.

Lumapit si Hikoichi sa ate. "Ate, ano ba, tara na, nakita mo lang si Sendoh-senpai, biglang hindi ka na nagmamadali."

"Sandali lang naman, kakamustahin ko lang itong si Sendoh! Ah, Sendoh-kun… Sendoh-kun, kamusta ka naman!?" Sabay lakad ni Yayoi sa biglang paatras na Sendoh. Natawa si Mitsui at bumusina na. "Oy, una na kami, maghahatid pa ko—hatid ko pa tong boypren mo! Hahaha!"

"Namo, Micchy!" Sabay sipa ni Sakuragi sa driver's seat ni Mitsui. Kumaway nalang si Miyagi at kumaway nalang din ang team Ryonan.

"Hatid mo yan ah, ingatan mo." Biro pa ni Sendoh habang nakaturo sa pikon na pikon na Sakuragi. "Isa ka pa Sendoh! May araw ka sakin kala mo!" Sigaw ni Sakuragi habang nakaandar na ang sasakyan at nakasilip ang power forward sa bintana. Natawa nalang si Sendoh at kumaway sa inis na inis na power forward.

"Sendoh-kun, kamusta ka-?!"

"Ate, tara na, uwi na tayo!"

"Hi Ate Yayoi, naku… ayos naman ako, pauwi na kami! O pano, Aida…sa Lunes nalang ulet!" Sambit ni Sendoh habang nagmamadaling sumakay sa loob ng sasakyan. Pinaandar na niya ito at bumusina kay Aida habang nagtatawanan sa loob sina Koshino at Fukuda. Maya-maya pa ay nakaalis na ang puting kotse ni Sendoh.

"Haay, nakaalis na siya, may itatanong pa naman ako." Paghihinayang ni Yayoi. Napasimangot si Aida sa sasakyan at bumusina, napatingin ang kanyang ate. "Ano ka ba ate, umuwi na tayo, nakita mo lang si senpai, hindi mo na ang alam ang gagawin mo."

"Tumigil ka nga diyan Aida, hindi mo naman sakin sinabi na kasama mo si Sendoh… hmph."

At sumakay na din ang ate niya sa kanilang kotse upang sila din ay makauwi na. Marahan nilang binagtas ang pababa sa parking lot at kumanan sa pangalawang kanto bago pa napahinto dahil sa isang midl traffic. Nakatingin lang sa labas ng bintana si Hikoichi habang hawak ang celphone. Konting andar pa ng sasakyan at huminto ito muli. Napatingin siya sa kanyang celphone upang magtingin sana ng social media account niya nag biglang umandar muli… at huminto.

"Tsk, kainis, na-traffic na naman tayo." Sambit ni Yayoi habang nagaayos ng buhok sa rear mirror. Napaismid nalang ang nakakabatang kapatid at napatingin sa labas ng kanyang salamin nang biglang lumaki ang kanyang mata at napahawak sa nakababang bintana ng sasakyan. Nagkataon na sila ay napahinto malapit sa isang sikat na coffee shop na may patio sa labas at bumulaga kay Hikoichi ang pamilyar at bukod-tanging mukha ng nagiisang rookie at star player ng Shohoku…

"T-teka… si R-Rukawa Kaede yun ng Shohoku… anong ginagawan niya dito at sino yung kasama niya… uwaah!"

Dali-dali nitong itinaas ang celphone at mabilis na kinunan ng picture ang walang kamalay-malay na rookie.

"Anong nangyayari sayo, Aida? Sino ba yang nakita mo?" Tanong ng kanyang ate.

"Si Rukawa Kaede ng Shohoku, ayun siya ate, may kasama siyang… babae. Nakatalikod kasi kaya hindi ko makita, pero hindi ako pwedeng magkamali na si Rukawa yun! Aba, may ka-date ata siya!"

Napakunot lang ng noo si Yayoi. "Sus, akala ko naman si Sendoh na yang nakita mo. Hmph, oo kilala ko din ang first year na yan at mahusay talaga siya, pero nakita mo naman kung paano siya talunin ni Sendoh on court." At natawa ang ate habang naiisip ang laban ng Ryonan vs Shohoku; namula pa ito at tila kinikilig nung naalala niya kung paano habulin ni Sendoh mag-isa ang lamang. "Grabe, nakakakilig tlaga si Sendoh my loves, sana makatapos na siya ng college para naman pwede na kami, hahaha!"

"Kadiri ka ate, ano ba yang iniisip mo, teka, pi-picturan ko pa ito—uwaahh!"

Ngunit bigla ng umandar ang traffic kaya hindi sigurado ni Hikoichi kung maayos ba ang pagkakuha niya sa mga litrato.

XXX

Sunday, 10:00 AM, Ryonan District

Tumalon si Rukawa at nag-shoot ng isang three-pointer; pasok. Tinakbo at pinulot ang bola at nag-dribble. Bahagya siyang napatingin sa kanyang relo at napabuntong hininga. Marahan niyang tiningnan ang paligid ng basketball court, tinitingnan kung meron na bang puting sasakyan na Corolla na paparating or paparada na. Malapit sa beach ang naturang baskeball court kung saan madalas silang naglalaro ng 1-on-1 kaya natatanaw ni Rukawa mula sa fence ang ilang tao na nasa beach. Linggo kaya madami ang nasa beach, yung iba naman nasa park at may ilang benches na occupied na din ng mga magkakapamilya, ang ilan naman ay mga magkasintahan.

Napaupo si Rukawa sa bench at napakuha ng kanyang celphone. Mahigit isang oras na siyang naghihintay sa kalaro ngunit walang Sendoh ang dumating. Napapaisip tuloy si Rukawa kung nakalimutan ba kaya ni Sendoh ang kanilang usapan o baka naman…

'Umatras ka, dahil sa hamon ko na maglaro ka ng naka-uniform?' Napakunot ng noo si Rukawa. Kung tutuusin, hindi naman niya talaga siniseryoso ang sinabi, pwede naman dumating si Sendoh na naka-normal na suot lamang, ang mahalaga lang naman sakanya ay makapaglaro siya at matalo niya ang Ace player ng Ryonan.

Napabuntong hininga si Rukawa at napaismid. Nagsisimula na namang mainis at magisip ng kung ano-ano dahil tila ba… naisahan siya ng kalaro. Hindi naman niya magawang tawagan or anu man dahil… wala naman silang contact sa isat-isa. Bahagyang lumaki ang kanyang mata at napabukas ng kanyang FB, iniisip ni Rukawa na i-message si Sendoh sana pero natigil din siya habang tinitingnan niya ang profile ng binata at ang icon na 'message' dahil wala namang nakakaalam na meron na din siyang social media account and probably, si Sendoh na marahil ang isa sa mga huling tao nais niya sabihan na meron siyang FB account.

Napaisip siya sa mga itinanong ng kanyang senpai na si Mitsui minsan sakanya.

May contact ka ba ni Sendoh? Baka pag ikaw ang nag-message, sumagot siya. Akala ko lang may contact kayo.

Naglaro sa kanyang isipan ang katagang iyon at napailing nalang. Mahigit isang oras na siya sa court at tapos ng magpa-pawis, nakapagpahinga na nga ng kaunti at nakapag-practice na muli ngunit ni anino ni Sendoh ay wala. Napakamot ng ulo si Rukawa sa at nagsisimula ng mainis muli. Nagdesisyon siya na magligpit na at umalis nalang dahil mukhang tuluyan na ngang nakalimutan marahil ng mas nakakatandang binata ang kanilang 1on1 nung Linggo na yun.

Nagsimula na siyang ilabas ang kanyang extrang tshirt upang magpalit sana nang biglang may tumapik sa likod niya sa gulat niya. Napatingin si Rukawa sa likod niya at nanlaki ang mata nung makita niya si Sendoh Akira, nakangiti at…

Napakurap si Rukawa at napatitig mula ulo hanggang paa, napatayo siya sa kanyang inuupuan at napaatras ng bahagya. Natawa si Sendoh sa reaction ng binata at sinipa ang bola na nasa lapag—tila nagkabuhay ang bola on its own dahil gumulong lang ito ng papaakyat sa mahabang binti ni Sendoh at nasalo ni Sendoh ng kanyang kanang kamay at drinibol ito na walang kaeffort-effort.

"Musta? Na-miss mo ba ako?" Sabay ngiti. Nanlaki ang mata ni Rukawa at sumimangot, natawa si Sendoh at nagspin ng bola sa daliri niya. "Sorry, na-late ako."

"Na-miss? Sino?" Sambit ni Rukawa, tila nagulat sa bati sakanya ng Ace player, napasimangot lang ito. Natawa si Sendoh. "Pakiramdam ko, ang tagal nating hindi nagkita eh, hahaha." Wika ni Sendoh.

Napairap nalang si Rukawa at iling. "Pakiramdam mo lang yun." Natawa nalang si Sendoh. Napaismid si Rukawa at marahil, marahil lang naman, kung siya si Sakuragi, kanina pa siya natawa dahil sineryoso nga ni Sendoh ang kanilang usapan. Mangyaring, ito ay naka uniform! Naka-tuck in na polo, kurbatang asul, black leather shoes, at ang dark green na pantalon na tatak ng Ryonan High. Naka-relo pa ito at may dalang bag na naka-strap sakanyang matipunong katawan.

Napakagat si Rukawa sa kanyang labi na tila pinipigilang matawa kaya tumingin siya sa kanyang kaliwa at inilagay ang kamay sa bibig in an attempt na wag matawa. 'Gunggong talaga.' Sambit nito sa sarili. Nag-compose muna ng sarili si Rukawa bago magsalita. "Bakit ang tagal mo?" Sambit nito habang naka-pamewang sa kanyang kaliwang hip. Tila ikinagulat ni Rukawa sa sarili ang pagtanong niya kay Sendoh.

Ngumiti lang si Sendoh. "Nalate ako ng gising, at muntik ko nang makalimutan talaga…" A pause. "Tapos… naghanap pa ko ng uniform, plinantsa ko pa kasi gusot." Bahagyang nanlaki ang mata ni Rukawa sa mga narinig at talagang ikinagulat niya dahil tila, pinaghandaan talaga ni Sendoh ang kanilang 1on1.

"Nagplantsa ka pa, matatalo ka din naman." Sabay ismid ni Rukawa. Napangiti lang si Sendoh. "At least gwapo, kahit matalo." Sabay ngisi nito.

"Gunggong ka talaga." Wika nito. Natawa nalang si Sendoh. "Diba ikaw ang nagsabi nitong hamon na to? Sumunod lang naman ako." Sabay ngisi. Inalis ni Sendoh ang bag at ipinatong sa bench kung asan din ang bag ni Rukawa at nagstart mag-dribble ng bola. Tinitingnan lang siya ni Rukawa na may halong pagtataka, napapaisip kung talaga bang kakalabanin niya ang Ace player na naka school uniform.

Nagdribble ng bola si Sendoh, may ngiti sa kanyang mga labi habang nakatingin sa kung saan. Tumingin siya kay Rukawa na ikinagulat ng rookie. "Pa-warmup muna ha." Ngumisi ito. "First-time ko gagawin ito na maglalaro na naka school uniform, hehe." Napaismid si Rukawa.

"Ikaw lang ang pinagbigyan ko nito." Sambit ni Sendoh habang natatawa sa sarili at sa mga sinasabi niya. Tila magaan ang kanyang pakiramdam nung araw na iyon.

"Uto-uto ka lang." Wika ni Rukawa. Napangiwi lang si Sendoh. Hindi napigilan na matawa ng bahagya ni Rukawa at napalagay ito ng kamay sa bibig at talikod. Natawa si Sendoh at lumapit sa rookie. "Loko ka, gusto mo lang ata na mapagtawanan ako eh." Hindi kumibo si Rukawa at umiiling habang natatawa at nag-decide na maupo muna. "Bahala ka, basta bilisan mo." Ngumiti lang si Sendoh at nagsimulang mag-dribble. "Suot ko pa itong pinakamaayos kong kurbata, kala mo." Sambit n Sendoh at maya-maya pa ay nagsimula na itong mag-shoot muna ng mga jump shots.

Napapailing nalang si Sendoh habang tumatakbo at nagju-jumpshot, warm-up at konting fancy moves. Si Rukawa naman ay pasulyap-sulyap sa kanyang celphone at sa binatang nakauniform. Nagdribble si Sendoh at tumira ng 3pointer; pasok. Kinuha niya ang bola at natawa, napatingin si Rukawa.

"Ramdam ko na ang maaga kong pagkatalo." Natawa si Sendoh sa sarili habang nagkakamot ng batok. Napakurap si Rukawa sa sinabi ng kalaro at napaismid ng bahagya. Tumayo ito at ipinatong ang celphone sa bench. Tumingin si Sendoh sa papalapit na rookie. "Ano, tapos na ang warm-up." Sambit ni Rukawa na naka-poker face. Natawa si Sendoh at tumango nalang. "Eh ano pa nga ba." Sabay ngisi nito.

"Hindi nako lalaban, talo nalang ako. Panalo ka na." Sabay tawa ni Sendoh. Sumimangot si Rukawa.

Ipinasa ni Sendoh ang bola sa rookie na ipinagtaka ni Rukawa. "Mauna ka na." Sambit nito habang medyo niluluwagan ang kanyang kurbata. Napakurap si Rukawa at hindi muling napigilang matawa; napayuko lang siya habang nagdri-dribble ng bola. "At least napapatawa kita diba." Sambit ni Sendoh at napangisi ito at napahalakhak sa sarili. Umiling si Rukawa at binilisan ang dribble ng bola, naghahandang umatake. "Hn." Natawa lang ulit si Sendoh. "Seryoso naman nito, akala mo naman tournament itong laro, haha." Wika ni Sendoh. Umismid si Rukawa at nagkunot ng noo, tila naiinis at naiingayan sa mga sinasabi ni Sendoh.

Tumakbo si Rukawa sa kanyang kaliwa at nagulat ng bahagya dahil nasundan naman siya ni Sendoh, nag-dribble ng bahagya bago tumira ng jumpshot na sinubukang pigilan ni Sendoh; natapik niya ang bola konti—nagbounce ang bola sa ring sa gulat ni Rukawa ngunit pumasok pa din ito. Napatingin si Sendoh at kinuha ang gumulong na bola. Napangiti ito sa kalaro. "Sayang… pumasok." Sabay tawa nito.

Napangiwi nalang si Rukawa at inihanda ang sarili sa pag-depensa. Nagdri-dribble ng bola sa kanang kamay si Sendoh habang papalapit kay Rukawa, ang kaliwang kamay niya ay niluluwagan muli ang kurbata at tinatanggal ang isang butones sa polo shirt. Nakatingin lang si Rukawa, napapakurap ngunit nananatiling alerto. "Rukawa, paano kung manalo ako sa game natin ngayon?" Sabay ngiti ni Sendoh.

Napaismid lang si Rukawa. "Anong paano?" Kumunot ang noo nito, tila naguluhan. Natawa ang Ace player habang nagdr-dribble. "Pag nanalo ako, ikaw naman ang magsuot at lumaban sakin ng naka-uniform, o ano?" Nanlaki ng bahagya ang mata ni Rukawa, tila nagulat sa sinabi ng binata. Napailing ito at bahagyang napangiti. "Asa ka naman." Natawa lang si Sendoh at inihanda ang sarili habang nagdri-dribble. Napapaisip siya kung paano siya tatakbo ng mas mabilis ngayong siya ay naka school shoes.

"Masisira ata sapatos ko nito ah." Sambit ni Sendoh sa sarili ngunit loud enough naman para marinig ni Rukawa na ikinagulat niya, at tila ba parang isang hindi inaasahang statement, natawa si Rukawa ng bahagya muli dahil nakikita niya sa mukha ni Sendoh na kahit paano ay hirap ito dumiskarte dahil marahil naiirita siya sa suot niya. Saktong pagtawa ni Rukawa, tumakbo si Sendoh at napahabol naman si Rukawa, sinubukan ni Sendoh na mag-fake at umepekto naman kay Rukawa, sa gulat niya, tumakbo si Sendoh sa kanyang gilid (sa kanan) at mabilis na na-layup ang bola.

Napatingin si Rukawa habang naipasa sakanya ang bola. Nakangiti lang si Sendoh. "O pano, tabla na ulet." Napaismid lang si Rukawa at drinibol ang bola. "Bakit ba ang daldal mo habang naglalaro." Sambit nito. Natawa si Sendoh. "Anong madaldal, nagaalala ako na baka masira itong leather shoes ko. Pamasok ko to sa eskwela, uy." Sambit nito.

Umiling si Rukawa at nagsimulang magisip ng susunod na atake. "O ano, kapag nanalo ako… ikaw naman ang mag-uniform? May kurbata ba ang Shohoku?"

Napakurap si Rukawa. "Wala kaming kurbata, ch." Natawa si Sendoh. "Ay ganun, sayang naman…" Napaismid lang si Rukawa. "At sinong nagsabi sayo na mananalo ka?" Tumakbo si Rukawa at sinubukan depensahan ni Sendoh ngunit tila mas mabilis ang kilos ni Rukawa at nahuli si Sendoh; nai-shoot ni Rukawa ang bola. Gumulong ang bola at hinabol ni Rukawa upang ipasa sana kay Sendoh ngunit tumigil siya dahil nagtanggal na naman ng isang butones si Sendoh at niluwagan pa ang kurbata; nakalaylay na ang kanyang kurbata ng bahagya.

"Lamang na ako, paano ba yan." Sambit ni Rukawa. Natawa nalang si Sendoh. "Dalawang puntos lang nilamang mo, akala mo naman dalawampu na. Hehe." Napangiwi lang ang rookie. Naipasa kay Sendoh ang bola at napatingin siya sa basket, inisiip kung paano aatake, habang niluluwagan na naman ang kurbata. Napakunot na ng noo si Rukawa. "Hindi ko alam kung saan ako maaasiwa-sa kurbata mo ba o sa itsura mo." Sabay simangot nito.

"Wag mo akong masyadong tingnan kasi, para dika ma-distract." Sambit nito ng pabiro at natawa sa rookie na nanlaki ang mata sa narinig; bahagyang uminit ang tenga ni Rukawa at napakunot ang noo. "G-gago ka ba, paano ako maglalaro kung hindi ako titingin sa kalaban ko." Sambit ni Rukawa na may pagkainis.

Napakurap si Sendoh at natawa, nabitawan ang bola panandalian, ngunit inapakan niya ito para hindi gumulong. "Ang init kasi, tapos hindi talaga ako komportable. Gusto ko ng maghubad!" Sambit ni Sendoh, tila nakaramdam ng pag-init ng tenga si Rukawa at sumimangot ito at umismid. "Gunggong ka kasi, sineryoso mo naman." Wika ni Rukawa habang naglalakad pabalik sa bench.

Napakurap si Sendoh tila nagtaka. "Teka, andaya, ibig sabihin pwede naman pala na hindi ako naka-uniform? Madaya ka talaga, hahaha." Naglakad si Sendoh papunta din sa bench at tuluyan ng tinanggal ang asul na kurbata at inalis ang pagka-tuck in ng kanyang polo. Nagulat nalang siya nung biglang may ibinato si Rukawa sa kanya. Napatingin siya dito at nakita niya na ito ay yung tshirt na itim na naipahiram niya sa binata nung minsan. Napangiti siya.

"Nilabhan ko yan." Sambit ni Rukawa habang nakatayo at inaayos ang armband. Bahagya siyang nakatingin sa Ace player na masayang-masaya na sawakas, makakapag-palit na siya ng damit. "Ang sweet naman. Naks." Sabay ngiti nito sa rookie at tanggal ng polo; ikinagulat ni Rukawa ang sinabi at sa di malamang kadahilanan ay tumalikod siya at humarap sa kabilang court. "Gago." Sambit nito. Natawa si Sendoh at nagbihis na ng tuluyan, inamoy pa ang tshirt. "Amoy Rukawa Kaede. Ayos." Napaismid lang si Rukawa. "Anong amoy Rukawa Kaede?" Sambit ni Rukawa na tila na-bother sa hindi malamang kadahilanan. 'Loko tong si Sendoh ah.'

Natawa si Sendoh. "Amoy masungit."

"Gunggong ka." Napalingon si Rukawa na may tingin na hindi makapaniwala sa narinig.

"O pano, handa ka ng matalo sa gwapo mong senpai?" Sabay ngisi ni Sendoh.

Nakatawa lang si Sendoh na parang nakakaloko at napailing ang rookie. "Isang gwapo lang ang nakikita ko sa court na to…" Wika ni Rukawa at palabiro nitong itinuro ang sarili. "Eto, o."

"Saan ang gwapo?" Sambit ni Sendoh. Sumimangot si Rukawa at nakaturo pa din sa sarili. "Hahaha, ikaw? Saan banda? Mukha ka kayang babae…" Natatawang sagot ni Sendoh.

"Gunggong ka." Sagot ni Rukawa. Natawa si Sendoh at napahawak pa sa tiyan niya. "Sorry naman, nakalimutan ko na wala nga pala akong laban sa magandang lalake na nagflu-flute." At labis nalang napahalakhak si Sendoh nung may bolang lumipad halos sa mukha niya.

Lumipas pa ang 30 minuto at natapos na ang kanilang laro…

Nakaupo si Rukawa sa bench, humihingal habang umiinom ng tubig at may takip na tuwalya sa bibig. Nanalo siya. Ngunit for some reason, hindi niya alam kung bakit tila hindi siya kuntento at tila hindi din niya magawang sumaya ba. Napakunot siya ng noo at napatikom ng kamao. Napatingin siya ng bahagya kay Sendoh na nakatayo lang sa harap niya, nakapamewang habang umiinom ng Gatorade. Tumingin si Sendoh sa kanya.

"Natalo mo ako ngayon ah, ayos. Congratulations." A pause. "O bakit parang hindi ka masaya?" Biro nito sa binata. Napangiwi lang si Rukawa. "Hindi kita natambakan." Napakurap si Sendoh, at natawa nalang. "Partida, naka leather shoes pa ako nito ah." Sambit nito; napatingin lang si Rukawa ng masama sa senior.

"Ang panalo ay panalo, Rukawa. Maging masaya ka pa din." Sabay kindat nito. Hindi na kumibo pa si Rukawa at napansin niya na naglabas na ng celphone si Sendoh at naupo sa kabilang dulo ng bench; tanging mga bag nila ang pumapagitna sa kanila. Panandaliang namagitna ang katahimikan sa dalawang player. Halos tanghali na din nun at payapa ang paligid, may mga ingay na narinig sa bandang hindi kalayuan; mga batang naglalaro, mga taong nagtatawanan at kwentuhan. Maganda ang kulay ng langit—asul na asul at may ilang ulap na kalat-kalat.

Umiihip din ang malumanay ngunit malamig na hangin. Nakaramdam ng pagbigat ng mata si Rukawa at tila napapapikit na naman siya habang nakasalong baba at nakatingin lang sa harap niya ngunit wala naman siyang natatanaw.

"Tulog ka na?" Isang boses na pamilyar ang tila gumising sa kanyang halos patulog na diwa. Napakurap siya at napatingin sa kanyang kanan at nakitang andun pa din naman si Sendoh, nakaupo habang nakaunat ang mga mahabang binti nito, habang nakatukod sa likod ang dalawang kamay. "Gising pa din." Sambit ni Rukawa. Natawa si Sendoh, tila naaliw at palaging naaliw sa mga sagot ng star player ng Shohoku.

"Sendoh…"

Nagulat si Sendoh at napatingin siya sa katabi nung narinig niyang tinawag nito ang kanyang pangalan, bihira ata na si Rukawa mismo ang nagsisimula ng usapan. Napatingin lang siya sa binatang isang braso lamang ang layo sakanya. "Hm?" Nasambit niya. Katahimikan. Napatingin si Sendoh nung hindi kumibo si Rukawa at pabirong ikinaway ang kamay sa harap ng binata.

"Tinawag mo ba ako?" Sabay ngiti nito. Napasimangot si Rukawa at napatingin sa Ace player. "Iniisip ko yung itatanong ko, gunggong." Nagulat si Sendoh at natawa. "Akala ko nananaginip ka na habang nakaupo diyan…" Pause. "Kung personal ang tanong mo, hindi ko sasagutin." Biro nito at nagtaka siya ng bahagya sa sarili kung bakit niya naisip sabihin yun.

"Bakit kayo nag-break ng…?" Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Sendoh at napatingin talaga sa gulat sa tanong ni Rukawa—nanlaki ang mga mata at tila hindi talaga makapaniwala.

"Hn, biro lang." Sambit ni Rukawa. Gusto niyang matawa sa reaction ni Sendoh—tila nagulat at hindi ata inaasahan na nagawa niyang itanong yun. "Loko-loko ka, Rukawa." At natawa nalang si Sendoh. Bahagyang natawa si Rukawa at napailing—nagulat din kung bakit siya nakapagtanong ng ganun, marahil ay ginugutom na siya.

"Gusto mo talaga malaman?" Sambit ni Sendoh habang nakangiti. Napasimangot si Rukawa at napailing. "Nagbibiro lang ako." Deep inside, napaisip si Rukawa kung tama ba ang sinagot niya.

Natawa si Sendoh. "Hanep, marunong kang magbiro. Bago yan. Magugunaw na ata talaga ang mundo." Napaismid lang si Rukawa at kipit balikat. "May kilala kapa bang… mas malakas sayo sa basketball?" Sambit ni Rukawa. Katahimikan. Napatingin lang si Sendoh at tila naunawaan na marahil yun talaga ang gustong itanong ni Rukawa sakanya. Napakurap lang siya at tila napaisip. Napatingin si Sendoh sa harap niya at napaunat ng mga braso. "Hmmm…"

Nakatingin lang si Rukawa na tila naghihintay ng sagot. "Ano ngayon kung meron?" Sagot ni Sendoh. Napakunot ng noo si Rukawa. "Ano ang pangalan niya?" Natawa si Sendoh at napakamot sa ulo. Sumimangot si Rukawa. "May nakakatawa ba?" Umiling si Sendoh. "Ang lagay eh… sasabihin ko nalang ba sayo ng walang kapalit?" Wika nito na tila nakangiti ng maloko. Napakurap si Rukawa at napakamot sa mukha niya, tila nakaramdan ng naisahan siya.

"Eh di wag. Malalaman ko din naman yun." Sambit ni Rukawa. Natawa si Sendoh, naipatong niya ang kamay niya sa kanyang bibig, mga matang nakalukot dahil sa nakakatawang narinig. Napabuntong-hininga nalang si Rukawa at napangiwi. "Tawa ng tawa, gusto ng mag-asawa." Sambit ni Rukawa nung may naalala lang siyang isang talinghaga na narinig niya sa kanyang kaklase.

Napakurap lang si Sendoh. "Sinong gusto mag-asawa? Ikaw? Ang bata mo pa, pero ikaw, pwede naman kung gusto mo." Sabay ngisi nito. Napairap si Rukawa at tila nagaayos ng bag.

"Hmm, meron akong naalalang magaling maglaro talaga." Simula ni Sendoh. Napangiti ito sa rookie. Natigilan si Rukawa sa pagayos ng bag at napakinig kay Sendoh. "Kaso bago ko sabihin kung sino…" Sambit nito at nakangisi. Sumimangot si Rukawa, tila hindi nagugustuhan ang susunod na sasabihin ng Ace player.

Lumapit si Sendoh kay Rukawa na ikinagulat ni Rukawa, bahagyang napaatras siya ng konti dahil sa biglang pagliit ng distansya between them. "Libre mo ko, nagugutom na ako." Sabay ngisi ni Sendoh. Napakurap lang si Rukawa. "Sige na, nanalo ka naman. Laki kaya ng lamang mo—aray, hahaha!" Nagulat nalang si Sendoh nung bigla siyang sinuntok ni Rukawa sa braso, pero natawa siya—alam naman niya na isang puntos lang ang nilamang ni Rukawa.

"Sige, saan mo gusto?" Sambit ni Rukawa na ikinagulat ni Sendoh. Siya naman ngayon ang napakurap. Nagkatinginan sila, mga matang parehas halos ng kulay—asul gaya ng kalangitan. Napangiti nalang si Sendoh. Tila ikinagulat ang pagiging decisive at sigurado ni Rukawa, ngunit for some reason, tila isa ito sa hinangaan niya sa mas batang player. Mabilis niyang nalalaman ang mga bagay na alam niya at gusto niya.

'Marahil, kaya mahusay din siya sa paglalaro ng basketball. Madalas sigurado siya sa mga galaw niya.' Nasambit ni Sendoh sa sarili. Para kay Sendoh bibihira ang may makilala siya na mga players na karkulado na nila ang bawat galaw nila sa court—ngunit para kay Rukawa, tila, walang lugar ang pagaalinlangan. Lalo na kapag laban sa basketball ang paguusapan. Minsan napapaisip si Sendoh kung si Rukawa din ba ang tipo ng taong hindi lang sa basketball sigurado—napaisip siya kung si Rukawa din kaya ang tipo ng taong sigurado din pagdating sa ibang bagay.

Tumayo si Rukawa sa gulat ni Sendoh. Isinukbit ang bag sa likod. "Saan mo gusto kumain?" Tanong nito. Napangiti nalang si Sendoh at tumayo na din, ngumisi ito. "Kaso… hindi ko dala ang sasakyan, nasa kuya ko, may pinuntahan siya ngayon." Sabay ngiti nito.

Napasimangot si Rukawa at napakurap. 'S-seryoso ba ito?' Ang biglang naisip ni Rukawa ay… wala mang dalang sasakyan si Sendoh, dala naman niya ang bisikleta niya… kung gayon… paano sila…?

Napaturo si Sendoh sa may isang dulo. "Bisikleta mo ba yun?" Tumango lang si Rukawa. Napangiti si Sendoh at nagulat si Rukawa nung pinuntahan ni Sendoh at hinila ang bike papalapit sakanila. Kinuha ni Sendoh ang bag niya, inilagay ang bola sa basket na nasa harap ng bike at isinukbit sa katawan ang strap.

Nagulat si Rukawa nung si Sendoh ang sumakay sa bisikleta niya. "T-teka, bike ko yan." Sambit ni Rukawa. Natawa si Sendoh. "Alam ko, ikaw nalang umangkas?" Sabay tawa nito. Sumimangot si Rukawa. "Bakit ako? Eh akin yan."

Natawa si Sendoh. "Eh ililibre mo na ako kaya ako nang magpe-pedal para satin." Naramdaman ni Rukawa uminit ang kanyang mukha ngunit mabilis niya itong binalewala. "Gu…gunggong ka ba."

"Eh paano?" Wika ni Sendoh habang binabalanse na ang sarili sa mataas na bike ni Rukawa. "Anong paano? Maglakad ka." Sabi ni Rukawa at lumapit na upang paalisin si Sendoh sa bike—ngunit natawa lang si Sendoh. "Malayo-layo yun."

"Eh bakit kasi wala kang sasakyan." Sambit ni Rukawa, tila nagulat sa sarili para i-demand niya ang sasakyan na hindi din naman pagma-mayari ni Sendoh. "Nasa kapatid ko nga, umalis siya ngayon." Paliwanag ni Sendoh. "Kaya mo na yan, mabilis ka naman maglakad." A pause. "Babagalan ko lang mag-pedal."

Natawa si Sendoh at napakamot ng ulo. Umalis na sa bike at ipinaubaya sa rookie; sumakay na si Rukawa sa bike at maya-maya pa ay naglalakad na sila papunta kung saan gusto ni Sendoh kumain—nasa bike lane naman sila at nauuna ng kaunti si Sendoh sa paglalakad, mga kamay ay nasa bulsa ng kanyang pantalon, habang si Rukawa naman ay mabagal na nagpe-pedal sa likuran ni Sendoh, napapatingin sa may malawak na beach coast sa kanyang kanan at sa binatang nasa harap niya. Napatingin si Rukawa sa kanyang relo at nakita niya na ang oras ay alas-dos na ng hapon, mataas ang sinag ng araw ngunit hind kainitan, maganda ang reflection araw sa karagatan; tila kumikintab ito at ang asul na kalangitan ay tila kumot na nakalatag sa taas.

Nakatingin lang si Rukawa habang patuloy nilang nilalakad ang mahabang daan, unsure kung saan ba ang sinasabing masarap na kainan ni Sendoh. Patuloy lang siya sa pagsunod. Napapaisip pa minsan lalo na sa mga nababasa at nakikita niya sa social media ngunit tila hindi naman niya magawang itanong kay Sendoh. Napatigil siya sa pagpedal at napababa ng isang binti nung nakita niyang huminto si Sendoh at inilabas ang celphone, itinaas nito ang celphone at kinuhanan ang view sa kanilang kanan—ang beach at ang araw.

Napatingin ito sa celphone at napangiti ng bahagya. Napakurap lang si Rukawa ngunit hindi ito kumibo. Nagulat si Rukawa nung itinutok ni Sendoh ang camera sakanya. Nakangiti si Sendoh at tumingin sakanya. Sumimangot si Rukawa. "Anong ginagawa mo." Sambit nito na tila hindi natutuwa sa ginagawa ng Ace player. "Relax ka lang, picture lang ito." Napangiti si Sendoh. Sumimangot si Rukawa. "Burahin mo yan."

"Tinitingnan ko lang kung maganda ang kaledad ng camera ng phone na ito." Sambit nito. Sumimangot si Rukawa, hindi kumbinsido sa sinabi ni Sendoh. Napatango lang si Sendoh. Maya-maya pa ay itinago na nito ang celphone sa bulsa. Napa-pedal si Rukawa upang sabayan si Sendoh. "Burahin mo yan." Sambit nito. Natawa si Sendoh. "Bakit naman?"

"Anong bakit?" Tanong ni Rukawa. Natawa si Sendoh at tumingin sa kasama. "Masama bang picturan ka?" Napangiwi si Rukawa. "Masama." At napahalakhak lang si Sendoh. "Sige, buburahin ko pero… hindi ko sasabihin sayo kung sino yung player na mas magaling sakin." Napatingin si Rukawa at napataas ng kilay. Napangiti nalang si Sendoh at kinuha muli ang celphone, nagtangkang buburahin ang larawan. Napaismid lang si Rukawa. "Bahala ka na nga."

Natawa nalang si Sendoh at napailing, napatunayan na mas nananaig pa din kay Rukawa ang basketball. "Talagang lahat gagawin mo para sa basketball, no?" Sambit nito. Hindi kumibo si Rukawa at patuloy lang sa pagpepedal. "Ganun ka din naman." Sambit bigla ni Rukawa. Napatingin lang si Sendoh at napahinto sa paglalakad. Napatigil si Rukawa nung napansin niya na wala na siyang kasabay. Napatingin siya sa likod niya at nakitang nakasandal lang si Sendoh sa pader at nakatingin sa tanawin—sa beach sa harap niya. Ngunit nakangiti ito.

Tila napapaisip sa sinabi ni Rukawa; ganyan ka din naman. Marahil may maliit na katotohanan sa sinabi ng rookie; kadalasan naman kapag mahalaga sa tao, madalas ay ginagawa nila ang lahat; kumbaga, ito ay pinahahalagahan. Napatinigin lang si Rukawa, ngunit tila iniisip niya kung bakit siya napapaisip sa kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Sendoh.

Nagulat nalang si Sendoh at napatingin sa kasama nung biglang siya naman ang kinuhanan nito ng picture. Napakurap ang Ace player na tila nagtataka. Natawa nalang siya sa sinabi ni Rukawa. "Relax ka lang, picture lang ito." Napaismid si Rukawa at bahagyang natawa sakanyang ginawa. Ngumiti si Sendoh at nakuhang biruin ang kasama sa gulat ni Rukawa.

"Kunwari ka pa, gusto mo lang na may picture ako sa phone mo, heh." Sabay ngiti nito. Napangiwi lang si Rukawa at naramdamang uminit ang tenga niya. "Ch, gunggong ka. Ikaw ang nagsimula, gumaya lang ako." Nagulat nalang si Rukawa nung biglang lumapit si Sendoh at humakbang sa may likod ng kanyang bike, napahawak sa kanyang balikat at natawa.

"Nagugutom na ako, mag-pedal ka na, bilisan mo—mga tatlong kanto nalang yun." Sabay tawa nito.

"Anong ginagawa mo? Bumaba ka nga." Sambit ni Rukawa habang pinipilit na kumawala sa mga kamay na nakahawak sa balikat niya. Bumaba si Sendoh sa gulat ni Rukawa at pinilit siyang paalisin sa bike, napaalis si Rukawa sa sariling bike at sumampa si Sendoh. "Ako ng magpe-pedal, ikaw nalang ang umangkas. Mas magaan ka naman kesa sakin eh." Sabay ngiti nito.

"Sinong nagsabi sayo na magaan ako?" Sabay simangot ni Rukawa. "Hula ko lang." Sabay tawa ni Sendoh. Nagsimula ng magpedal papalayo si Sendoh sa gulat ni Rukawa. Tumigil ito at lumingon sa likod niya. "Bilisan mo pretty boy ng Shohoku, nagugutom na ako, baka mamaya hindi ko na maalala yung pangalan ng player na yun." Sabay ngisi nito.

Tila napakurap ng ilang beses si Rukawa at napakamot sa mukha nito, labis na ipinagtaka kung bakit wala nalang siyang nagawa kundi ang maglakad, sumampa sa likod at umangkas sa sarili niyang bike. "Ako pa talaga ang nakaangkas sa sarili kong bike." Sambit nito. Halos nagdalawang isip pa siyang kumapit sa malapad na balikat ni Sendoh. Natawa si Sendoh. "Kung gusto mo, dito ka sa may harap ko maupo." Sabay ngisi nito. "Gunggong." Wika ni Rukawa. Natawa muli si Sendoh. "Eh nagrereklamo ka diyan, dito ka sa harap—para sweet tayo tingnan diba—aray, hahaha!" Natawa nalang si Sendoh nung nakaramdam siya ng hampas sa likod niya.

At nagsimula na ngang magpedal si Sendoh—nahirapan siya ng konti nung una ngunit nakuha na din niya ang momentum pagkatapos. May ilang beses din na napapatingin ang ilang mga tao sa kanila; dalawang matatangkad na lalake, parehas din may itsura, ang nakasakay sa iisang bisikleta. Napasimangot nalang si Rukawa at ismid. Natawa si Sendoh. "Naco-conscious ka ba?" Ngumiwi si Rukawa at siyempre hindi naman ito nakikita ni Sendoh. "Mukha tayong tanga." Sambit niya. Natawa ang Ace player at umiling, nagb-break occasionally lalo na kapag may pababa sa daan.

"Ano naman plano mong gawin kapag nalaman mo kung sino ang malakas na player na iyon?" Tanong ni Sendoh habang nagpe-pedal pa din. Napaismid lang si Rukawa. "Tatalunin, malamang." Natawa si Sendoh.

"Tatalunin talaga. Napaka-prangkang sagot." Wika ng Ace player. Napaismid lang si Rukawa at kunot ng noo. "Alangan namang…i-pen pal ko siya." Bahagyang natahimik si Sendoh at maya-maya pa ay…

"Hahahah!" Napahagalapak ito ng tawa at napabitaw sa handle ng bike kaya naman natumba sila ng bahagya sa bike at muntik ng malaglag si Rukawa—napatalon nalang siya. Tawa ng tawa si Sendoh habang pinipilit itayo ang bisikleta; nakasimangot naman si Rukawa at nakatitig ng masama. "G-gunggong ka ba?!" Bulyaw ni Rukawa.

"P-pen pal, parang ngayon ko nalang ulit narinig ang salitang iyan." Sambit ni Sendoh habang nagpupunas ng luha sa kakatawa at habang hawak ang naitayong bike. "Para kang matanda magsalita, Rukawa." Sabay ngisi nito. Napaismid si Rukawa. Lingid marahil sa kaalaman ni Sendoh, si Rukawa at ang kanyang kapatid ay lumaki sa kanilang mga lolo at lola, ngunit hindi na niyang nagawang sabihin ito.

Humakbang na muli si Sendoh sa naitayong bike. "O, tara na, Mr. Pen Pal ng Shohoku." Sumimangot si Rukawa. "Ako nalang ang magpe-pedal. Puro ka tawa." Napailing lang si Sendoh. "Ako na, malapit na din naman. Ikaw kaya ang nagpapatawa." Sabay ngisi nito. Napaismid nalang si Rukawa at muling humakbang sa likod ni Sendoh. Natawa pa din si Sendoh, umiling at muling nag-pedal.

"Dear malakas na player, ipinanganak na nga pala ang tatalo sayo, di hamak na mas mahusay, ang iyong pen pal, Rukawa Kaede." Sabay tawa nito, at muli nalang siyang napa-aray nung nakaramdam siya ng suntok sa kanyang balikat. Bahagyang natawa natawa nalang din si Rukawa at hindi na kumibo pa.

Maya-maya pa ay napahinto na sila sa isang tila, maliit na restaurant. Mukhang luma ang fa?ade ng kainan at hindi pansinin. Ipinarada ni Sendoh ang bisikleta sa isang gilid. Napatingin lang si Rukawa habang nauna ng pumasok si Sendoh—napayuko ito dahil may kababaan ang entrance ng lugar.

Tumingin si Sendoh sa kasama na nakatayo lang sa labas at nakatitig sa kanya. "Anong hinihintay mo diyan?" Ngumiti ito. "Gusto mo bang buhatin pa kita papasok?" Sabay ngisi nito ng pabiro at nagulat nalang si Sendoh nang biglang sumingit si Rukawa sa entrance door na pang-isang tao lang at pinilit ang sarili na makapasok—napagilid nalang si Sendoh at napa-aray nung tinamaan siya halos ni Rukawa. Natawa nalang siya sa inasal ng rookie. "Makabangga naman ito…"

"Nasagi ka lang, wag ka ngang sensitibo."

Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Sendoh sa sinabi ni Rukawa, nagkatinginan silang dalawa at napakurap siya sa gulat dahil sinabi ni Rukawa ang mga katagang sinabi niya sakanya nung araw na nagkagulo sila sa practice game. Natawa si Sendoh at napahawak sa kanyang batok, napailing at patuloy na natatawa. "Tinamaan ako dun ah." Wika nito sabay ngisi sa rookie. Natawa ng bahagya si Rukawa at kumipit-balikat. "Hindi ako nakakalimot." Wika nito at natawa nalang si Sendoh habang napatakip siya ng isang kamay sa kanyang bibig. "Mukha nga."

"Irashaimase!" Bati ng mga nagluluto doon. Napatango lang silang dalawa at maya-maya pa ay binigyan na sila ng menu. Nakatingin lang si Rukawa sa menu. "Masarap dito." Sabay ngiti ni Sendoh sakanya. Tumingin lang si Rukawa sa lalakeng nakaupo sa tapat niya at sa paligid niya. Kung tutuusin hindi naman din mukhang mamahalin ang maliit na ramen shop at kutob din ni Rukawa na marahil nga ay masarap doon, naamoy na niya ang seasoning at ibat-ibang flavoring ng ramen at kung ano-ano pang pagkain. Nakaramdam siya ng pagkatakam.

Nagsimula ng magsulat si Sendoh sa order slip habang tumitingin pa din si Rukawa sa menu. "Ano order mo?" Tanong ni Sendoh, itinuro lang ni Rukawa ang picture at natawa ang Ace player. "Pipi? Biglang hindi na nakapagsalita?" Biro nito. Sumimangot si Rukawa at napangiwi. "Nagugutom na ako kaya ayoko ng sayangin pa ang laway ko." Natawa nalang si Sendoh. Inilista ng dalawa ang mga order nila at ibinigay sa counter upang mahanda na.

Naupo muli si Sendoh at napatingin sa paligid. "Madalas kaming kumain dito eh…"

Napatingin lang si Rukawa habang umiinom ng mainit na tsaa, ramdam na ang kalam ng sikmura kaya kung ano-ano nalang ang nasasabi niya na ikinagugulat ni Sendoh ng bahagya. "Nang ex mo?" Sambit ni Rukawa. Napakurap si Sendoh at natawa, ipinatong ang kanang siko sa lamesa at inilagay ang baba sa kamay. "Chismoso ka din pala, Rukawa." Sabay tawa nito. Napaismid si Rukawa at kipit balikat. Kung pwede lang niyang sabihin na kay Miyagi nanggagaling ang chismis, marahil ay magugulat si Sendoh.

"Kami ng kapatid ko ang madalas andito." Wika nito habang nakangiti at nakatingin sa may counter kung saan hinahanda ang mga pagkain. Hindi kumibo si Rukawa at napainom lang ng tsaa. Tumingin si Sendoh sa tahimik na kasama at nagtagpo ang kanilang mga mata. Nais na sana itanong ni Rukawa kung sino ang player na tinutukoy ni Sendoh ngunit for some reason, ay hindi na muna niya nagawang itanong, tila ayaw naman niya isipin na masyado siyang nagmamadali makuha ang impormasyon (kung meron man).

"Yung player na sinasabi mo…" Simula ni Sendoh, ngunit natigilan siya sa sinabi ni Rukawa, tila nagulat. "Mamaya na… pag andiyan na yung pagkain." Sambit ni Rukawa at kinuha muli ang tsaa upang humigop sana ngunit napansin niyang naubos na pala niya ang nasa maliit na cup. Napakurap siya nung biglang inusog ni Sendoh ang kanyang sariling cup ng tsaa sa kanya. Napatingin siya sa Ace player na tila nagtataka. Ngumiti lang si Sendoh. "Sayo na. Hindi ako mahilig mag-tsaa." Sabay ngisi nito.

Panandaliang tiningnan lamang ni Rukawa ang cup na nasa harap niya, mainit pa ito at puno pa. Nagtataka siya… napapaisip kung bakit ibinigay lang ni Sendoh ng tila hindi nagiisip ang kanyang inumin sakanya. Napalunok si Rukawa, tila hindi alam ang sasabihin. "Iniinom yan, hindi tinitingnan." Sambit ni Sendoh habang nakangiti sa kanya. Napaismid si Rukawa at napangiwi. Kinuha niya ang cup at hinila papalapit sakanya. "Mahilig ka pala sa tsaa." Wika ni Sendoh.

Napakipit-balikat lang si Rukawa. "Gutom lang ako." Sambit nito. Natawa lang ng bahagya si Sendoh.

"Rukawa…" Simula ni Sendoh. Napatingin si Rukawa sa binatang tumawag ng kanyang apelyido.

"Nakikipaglaro ka din ba sa ibang players sa distrito?" Tanong ni Sendoh; tila hindi din niya maisip kung saan at paano niya nagawang iyon ang itanong sa rookie. Napakunot ng noo si Rukawa at napakurap. Napapaisip sa tanong ni Sendoh. Tumingin lang si Rukawa sa Captain ng Ryonan.

"Bakit?" Tanong ng mas nakakabatang player.

Natawa si Sendoh at napailing. Clearly, hindi ata nakuha ni Rukawa ang ibig niyang sabihin. Sa hindi malaman na kadahilanan, napapaisip siya paminsan kung sino pa kaya ang ibang nakakalaro ng binata, maliban…sa kanya. Sumasama din kaya siya sa ibang mga manlalaro ng basketball sa kanilang distrito. Alam ni Sendoh na maliban marahil sa kanya at sa Ryonan, ay mas madami pang pwedeng makalaro at makalaban ang rookie upang mas lalo pa nitong mapaghusay ang kanyang skill sa basketball. Sa Shohoku district pa lang, may tatlong eskwela na mas malapit sakanya at lahat ng iyon ay may basketball club at team. Napailing nalang si Sendoh at napakunot ng noo si Rukawa.

"Wala naman." Sagot ni Sendoh—at maya-maya pa ay inilapag na ang kanilang mga inorder na pagkain. Na-busy na ang kanilang lamesa at nagkanya-kanya na ng kain ang dalawang player. Napatingin si Rukawa habang nilalagyan ni Sendoh ang kanyang ramen ng kung mga seasoning.

Kumain sila ng mas tahimik sa inaakala ni Rukawa. May occasional silang napaguusapan ngunit hindi gaya marahil ng inaasahan niya at napapaisip si Rukawa kung meron ba siyang nasabing hindi maganda marahil. Nung natapos na silang kumain, nagulat si Sendoh nung biglang tumayo si Rukawa at naglakad papuntang counter upang iabot ang bayad. Napakurap lang si Sendoh habang nakatitig sa likod ng maputi at matangkad na binata. Bumalik si Rukawa sa upuan upang tapusin ang natira niyang tempura. Napatingin lang si Sendoh—napangiti ito. "Salamat sa libre." Tumingin lang si Rukawa sa player habang ngumuguya at tumango. "Nagustuhan mo ba ang pagkain dito?" Tanong ni Sendoh. Tumango muli si Rukawa. Ngumiti si Sendoh. "Buti. Pwede mong ayain ang ka-team mo dito, mahilig din sila kumain." Wika nito. Napatingin lang si Rukawa kay Sendoh.

"Nagkita kami kahapon sa Kanagawa mall, andun sina Sakuragi, Mitsui, at Miyagi."

Tila ikinagulat ng bahagya ni Rukawa ang sinabi ni Sendoh at napakurap ito. Napaisip tuloy siya kung possible ba na nakita din kaya nila siya? 'Andun din si.. Sendoh?' Napakurap si Rukawa ngunit hindi kumibo. "Akala ko nga kasama ka nila." Sabay ngiti ni Sendoh. Nakinig lang si Rukawa at hindi kumibo. Naikwento ni Sendoh ng bahagya ang ilang mga pangyayari nung nagkita sa mall at nakikinig lamang si Rukawa. Nagulat siay ng bahagya sa ilang mga kwento at kalokohan ngunit hindi na masyado pang nagsalita.

Napatingin si Rukawa sa kanyang relo at napansin niya na lagpas alas-kwatro na pala ng hapon; halos inabot din pala sila ng dalawang oras na nakaupo at nagkukwentuhan sa maliit na kainan. Tila hindi na din nabilang ni Rukawa kung nakailang cup siya ng tsaa at tubig habang nakikinig kay Sendoh Akira. Tila nalibang nalang siya sa pakikinig sa mga kwento ng kasama. Panandaliang nagkaron ng katahimikan. Maya-maya pa ay napag desisyunan na nilang lumabas at umalis.

Hinila ni Rukawa ang bisikleta at inayos ang lock nito sa kanyang bag. Nakatingin lang si Sendoh at nakasandal sa may poste sa likod niya. Lingid sa kaalaman ni Sendoh, tila naiwan sa isip ni Rukawa ang itinanong niya dito kanina at para ba kay Rukawa, nagtataka din siya kung bakit. Napatingin siya kay Sendoh at nakitang bigla na itong may kausap sa celphone. Napabuntong-hininga nalang si Rukawa at sinimulan nang sumakay sa kanyang bike. Inatras niya ang kanyang bike at nagulat nung biglang may humila sa likod ng kanyang upuan—bahagyang nanlaki ang mata ni Rukawa.

"Sandali lang, kausap ko ang kapatid ko, nagpadaan ako sakanya dito… ihatid ka na namin." Sabay ngiti ni Sendoh. Hindi malaman ni Rukawa kung bakit sa mga sandaling iyon ay tila may kakaiba siyang naramdaman sa pagtitig sa kanyang kausap—naramdaman niyang napahigpit siya ng kapit sa handle ng kanyang bisikleta. Umiling ito na pinagtakahan ni Sendoh. "Ayos lang." Pause. "Wag ka ng mag-abala." Sambit ni Rukawa na tila ba parang nahiya siya dahil inofferan siya ng tulong.

"Pumayag ka na, isa pa, hapon na din, baka gabihin ka pa sa daan." Wika ni Sendoh ng malumanay—ang boses ay may bahid ng tila ba pagaalala. Umiling muli si Rukawa. "Wag na." Napabuntong hininga nalang si Sendoh, tila ramdam na mahihirap siyang kumbinsihin ang rookie. Itinapak na ni Rukawa ang kanang paa sa bisikleta.

"Sendoh…"

Nakatingin lang sakanya ang kausap na tila naghihintay ng sasabihin. Tumingin si Rukawa sa kausap. "Naitanong mo kanina sakin kung nakikipaglaro sa iba." Bahagyang nanlaki ang mga mat ani Sendoh at tila napataas ng kilay, na-sorpresa sa sinabi ng binata, hindi niya inasahan na naalala ng ani Rukawa ang kanyang itinanong. Napangiti lang si Sendoh at patuloy lang ang kanilang mga mata sa pagtitig sa bawat isa; tila inuudyukan siya na sabihin kung ano man ang nais niyang sabihin. Magsasalita na sana si Rukawa nang biglang may nakita siya sa likod ni Sendoh na isang puting sasakyan—Corolla na pumarada sa gilid. Bumusina ito ng isang beses at napatingin si Sendoh.

"Ah…" Sambit ni Sendoh. "Andito na ang kapa-? Rukawa!" Nagulat nalang si Sendoh nung nakapag-pedal na papalayo si Rukawa sa kanya. For some reason, susubukan pa sana niyang habulin ang binata ngunit napigilan lang siya nung bumaba si Akito sa kotse.

"Akira! Ano na?" Sigaw ng kapatid. Napatingin si Sendoh sa kasamang player na may kalayuan na ngunit natatanaw pa din niya. Kung tutuusin, ay pwede naman nilang habulin si Rukawa sana ngunit hindi alam ni Sendoh kung bakit tila nakaramdam siya ng pagaalinlangan. Napaismid nalang siya ngunit napangiti ang kanyang mga labi. Tumingin siya sa kanyang kapatid na tila nagtataka.

"Asan yung kasama mo na ihahatid natin sa Shohoku?" Sambit ng kapatid niya. Napalagay nalang si Sendoh ng isang kamay sa bulsa at napalakad papasok sa loob ng sasakyan. Maalam na iniandar nalang ni Akito ang sasakyan at tinahak nila ang parehas na daan na binagtas din ni Rukawa. Tahimik lang na nakatingin si Sendoh sa kanyang bintana, mga labi ay nakakurba sa usual niyang ngiti, tila magaan ang pakiramdam at walang anu mang iniisip.

Bahagya siyang napatingin nung naabutan pa nila si Rukawa mismo habang nagbibisikleta ito sa may kanang lane. Napasulyap si Akito. "T-teka, siya ba ung kasama mo? Yung nagbi-bike? Ano, businahan ko ba?" Tanong ni Akito habang medyo malapit na nilang maabutan si Rukawa.

"Huwag na." Sambit ni Sendoh at napangiti nalang ito nung naabutan na nila si Rukawa ngunit tila hindi nito alintana dahil pagtingin ni Sendoh sa bintana, napansin niyang naka-headset ito at tila derecho lang ang tingin sa daan.

"Ano na Akira, de-derecho na tayo?" Sambit ni Akito, dahil maghihiwalay na sila ng daan—paderecho ang tatahakin nila samantalang si Rukawa ay kakanan na upang magtungo sa train station na papuntang Shohoku. Hindi maintindhan ni Sendoh, ngunit tila sa huling pagkakataon, ibinukas niya ang kanyang bintana nung nagkatapat sila. Idinungaw ni Sendoh ang ulo niya at napasigaw.

"Rukawa Kaede!" Sigaw nito.

Tila nagulat si Rukawa nung napansin niya ang puting kotse sa kanyang kaliwa na nakabukas ang bintana sa harap—si Sendoh Akira at ang kanyang kapatid na nagmamaneho; napatanggal siya nung isang headset sa kanyang tenga, nagkasalubong ang kanyang kilay, na tila ba nagtataka at nakita niya pa talaga ang Ace player ng Ryonan. Napabagal ng konti si Rukawa sa pagbibisikleta at napatingin…

Ngumiti lang si Sendoh sa kanya at pabirong inilabas ang kanang kamay na may celphone. Nakangisi ito at pabirong sumigaw. "Bigay mo naman sakin number mo!" Sigaw nito habang natatawa. Nagulat si Rukawa at nanlaki ang mata sa gulat. "Gago ka ba Akira, dito pa talaga sa kalye, tangina…" Natatawang sambit ni Akito. "Tsaka na uy, dederecho na tayo, malayo ang iikutin ko kapag napakanan pa tayo, hahaha!" Tawa ng kanyang kapatid.

"Rukawa, para naman kapag mahuhuli ako hindi ka masyadong maghintay! Sabay ngisi nito habang nakaready na kamay na i-tayp ang number. "Akira, huy! Adik ka ba, dederecho na ako! Exit point na!" Sigaw naman ni Akito. "Rukawa, number mo!"

Hindi alam ni Rukawa ang sasabihin at iisipin nung mga sandali na iyon. 'G-gunggong ka, Sendoh… anong ginagawa mo?' Nasambit nito sa sarili. "Huy, number mo!" Sigaw ni Sendoh. Napaismid nalang si Rukawa at umiling sa gulat ni Sendoh. "Gunggong ka!" Sambit nito. Napakurap lang si Sendoh at natawa. "Number mo, Rukawa!" Sigaw nito sabay ngisi. Natawa nalang si Rukawa ng bahagya.

Maya-maya pa ay tuluyan ng napa-derecho si Akito at napatingin nalang si Rukawa habang naisara na ang bintana ni Sendoh sa harap. Napahinto siya sa pagbibisikleta at tila nakatayo lang sa may bike lane ng ilang minuto sa hindi nia malamang dahilan.

"Tangina, kanina pa kayo magkasama bakit hindi mo hinigi kanina ang number niya?" Sambit ni Akito. Natawa nalang si Sendoh habang nakapatong ang kamay sa kanyang labi. "Dibale kuya, sa susunod, hindi lang number niya ang hihingin ko…" Natatawang sambit ni Sendoh.

"Ha? Anong sinasabi mo?" Wika ni Akito. Natawa nalang si Sendoh at napailing. "Wala, sabi ko sa susunod, hihingin ko ang bola ko, naiwan ko sa bisikleta niya." Sabay tawa ni Sendoh. Napaismid nalang si Akito at hindi na kumibo pa.

Tila hindi nia makalimutan ang itsura kanina ng mas nakakabatang player na gulat na gulat na makita siya at lalong nagulat pa nung hiningi niya ang number nito. Napailing nalang si Sendoh at sa hindi malamang kadahilanan, tila ay ramdam niya sa mga sandaling iyon ang kapanatagan ng kalooban.

XXX

Ipagpapatuloy…

Notes: Ito ang pinakamahabang chapter na naisulat ko; inabot ako ng 37pages. Kahit yung Osaka, hindi ko nagawang isulat ng ganito kahaba. Matatagalan yung susunod na update, may importante muna akong aasikasuhin this November and December. =) Salamat sa pagbasa at sana nagustuhan niyo! Hehe! Aaminin ko, medyo nahirapan ako isulat ang moments nila sa huli pero sana nagets niyo at nagustuhan kahit paano. Thank you again and kindly review nalang! =)

Notes: Dedicated to "Addicted to SD" dahil kinukulit niya ako palagi sa susunod na chapter. Lol! Steph! Hahaha! Mag-aral na tayo, November na! =)